Title: Chasing Pokers
Genre: 25% Fantasy, 65% Mystery/Thriller, 10% RomancePrologue
Lahat ng tao may kanya-kanyang istorya.
Lahat ng storya may kaakibat na lihim.
Lihim na minsan ay hindi natin gugustuhing malaman.
Lihim na minsan mas magdadala sa atin sa mas malalim pang pagkalito.
Sa bawat paglipas ng mga araw ay siyang pagbubukas din ng mga bagong kabanata sa buhay nila.
Sa bawat araw ay mas magiging hindi kanais-nais ang mga bagay na mauungkat.
Sa bawat pagbukas ng pinto ay ang pagsasara ng kwento ng isa.
Ang wakas ay siyang simula ng pagkasira.
At ang pagsasara ay siya ring pagbubukas ng bagong pag-asa.Ps: The whole story is fictitious. Any names, settings, and event that has resemblance to actual person, living or dead, is purely co-incidental. Typographical and grammatical mistakes may occur in the following chapters. Read at you own risk.
Simula
Autumn's Point of View
"In every beginning, there is always an end. And in every ending, new beggining may come." Iyan ang mga katagang nabuo sa aking isipan simula nang namatay at iwan kami ni Mama.
Suicide. Iyan ang sinasabi ng mga pulis, ni Papa, at lahat ng tao pero hindi ako naniniwala doon. I know my mother more than how they knew her. At kung meron mang dapat akong paniwalaan sa nangyari, iyon ay ang hindi kami iiwan ni Mama ng walang dahilan, ng walang paalam. At alam kong wala din siyang sapat na dahilan para gawin ang suicide na sinasabi nila.
Nakabalot padin sa paligid ng bahay namin ang tape na kulay dilaw na may nakasulat doong crime scene, inilagay iyon ng mga pulis. Ilang linggo na din ang nakalipas matapos ang pangyayaring iyon. Masakit pero wala ako, kaming magagawa kundi ang tanggapin ang masakit na katotohanan na kahit anong gawin namin ay hindi na maibabalik pa ang buhay ni Mama.
Matapos ang nangyaring iyon ay lumipat na kami ng tirahan ni Papa dahil gusto naming makalimot. Masasabi kong makakatulong nga ang paglipat namin dahil sa bawat kanto ng bahay na ito, may mga ala-ala si Mama. Sa bawat bahagi ng tirahang ito, may mga pangyayaring tumatak sa puso namin kasama siya.
Madali kong pinahid ang luhang tumagos galing sa mga mata ko. "Alam kong ito ang gusto mong gawin ko. Ang makamit ang hustisiyang hindi ibinigay ng korte sayo." Bulong ko.
Pumasok ako sa dati naming bahay upang makapagimbestiga. Hanggang ngayon ay makikita padin sa sahig, dingding, at ilan pang parte ng bahay ang nangyari noon. May marka padin ng dugo ang ilang bahagi dito. Naalala ko ang nangyari noon, kung paano ko naabutan ang walang buhay na katawan ni Mama habang nakasabit at tuloy-tuloy lang ang paglabas ng dugo mula sa kanyang bunganga.
Kung suicide nga ang nangyari, dapat walang anumang galos ang nasa katawan niya nung suriin siya. Kung suicide nga ang totoong nangyari, dapat ay walang dugo ang nakakalat maliban nalang sa ibaba kung saan mismo nakasabit ang bangkay ni Mama.
Hindi ko alam kung hindi ito nakita o napansin ng mga awtoridad o sadyang hindi lang nila binigyang halaga ang mga ito, "This evidences shows that the case is murder. But why the hell they keep on provoking that it is fucking suicide?" Bulong ko.
Napataas ako ng kilay nang may mabuong isang ideya sa isip ko. Hindi ginawa nang mabuti ng mga pulis ang mga trabaho nila. Pero bakit? Napangisi ako ng may mabuo akong kongkretong sagot sa sarili kong tanong,
"Liban nalang kung may pinoprotektahan sila." Napatawa ako ng mahina. Hindi nila itatago ang totoong nangyari ng walang sapat na dahilan. Hindi nila basta basta papabayaan ang kaso ni Mama ng ganon ganon lang kung wala silang pinagtatakpan.
"Kung sino man ang gumawa nito sayo, humanda sila. Ako ang maniningil sa mga naging utang nila sayo, Mama." Naramdaman ko ang pagbuhos ng luha ko pero kaagad ko din itong pinahid. Tinungo ko ang silid ni Mama sa may ikalawang palapag.