Chapter 3

30 3 3
                                    

Chapter 3
Chase

Nagising akong napakalakas ng kabog ng dibdib ko. Nasa loob ko padin ang takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik sa akin ng mga napanaginipan ko. Ano ang ibig sabihin non? Naramdaman ko nalang ang pagtagos ng luha sa mga mata ko nang maalala ko si Mama pero kaagad ko din iyong pinahid nang makarinig ako ng bumubukas na seradula ng pinto.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ngayon ko lang napansin na wala pala ako sa kwarto ko. Sinariwa ko ang mga nangyari kagabi. Napabuntong hininga ako kasabay non ang pagbukas ng pinto at paglitaw ni Kenette sa harapan ko. May bitbit itong tray na naglalaman ng pagkain.

"Gising ka na pala." Napatingin lang ako sa mukha niyang nakangiti.

"Anong nangyari?" Sabi ko nalang sa halip na pansinin pa ang sinabi niya. Nagkibit-balikat lang siya.

"Ewan. Basta ang alam ko lang nawalan ka ng malay sa mga kamay ko dahil sa takot? Kaba? Hindi ko sigurado." Napangiti ako ng mapait dahil sa sinabi niya. Naalala kong muntikan na nga pala akong patayin ni Jack. Pero bakit? Alam niya na ba? Paano? Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito bigla dahil sa dami ng mga iniisip ko.

"Ayos ka lang?" Hinawakan niya ako sa balikat. Bakas sa mukha nito ang pagaalala. Tumango lang ako. Iniabot niya sa akin ang tray na hawak niya at inabot ko naman iyon. Tumayo ito at hinawi ang kurtina sa may bintana niya. Mabilis na pumasok ang liwanag galing sa sikat ng araw dahilan para magliwanag ang apat na sulok ng kwarto.

"Yung sinabi mo kagabi." Sabi niya.

"Pauwi na ako kagabi nang may makita akong armado na nakasunod sa akin. I don't know what's his purpose pero sigurado akong gusto niya akong patayin." Sabi ko ngunit may ibang parte doon ang nagsinungaling ako. Sinabi kong hindi ko kilala ang taong iyon pero alam kong siya si Jack. Hindi sa ayaw kong sabihin, sadyang nagiingat lang ako at ayaw kong may madamay dito.

"Mabuti nalang at dumating ka." Napangiti ako.

Nagpasalamat na lang ako sa kanya bago umalis. Kailangan ko ng umuwi dahil paniguradong hinahanap na ako ni Papa at kagabi pa iyon nagaalala.

"Ikaw muna ang papatayin ko, Jack. Bago mo ako maunahan." Bulong ko sa sarili ko. Hindi maaaring maging talo na ako una palang. Hindi ko pa nakukuha ang hustisiya para kay Mama. Hindi pa ako nakakasingil sa mga taong nagkasala sa kanya.

Napaisip ako kung paano niya nalaman ang lahat ng ginagawa ko. Maaaring may mga matang nakamasid sa akin saan man ako magpunta at ano man ang hakbang na ginagawa ko.

Biyernes na ngayon at mamayang gabi na ang selebrasyon para sa birthday ni Stephen. Minabuti kong huwag na lamang pumasok ngayon dahil kailangan ko ng sapat na pahinga at kailangan ko ding maghanda at bihisan ang sarili ko para mamaya.

Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si Papa na nagdidilig lang ng kanyang mga halaman sa garden namin. Nang makita niya ako ay kaagad siyang tumakbo papunta sa akin.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong nito at makikita sa kanyang mukha ang pag-aalala. Napailing lang ako.

"Nagovernight kami sa bahay nina Shine. Sorry pa, hindi na ako nakapagpalaam." Napabuntong hininga lang ito at saka tumango.

"Sa susunod magpaalam ka para hindi ako nag-aalala." Tumango na ako saka tuluyang nagmartsa papasok ng bahay. Kaagad kong tinungo ang kwarto ko saka sumalampak sa kama. Nakakapagod.

Kaagad din akong tumayo at tinungo ang drawer ko. Napakunot ako ng noo nang hindi ko makita ang notebook at libro dito. Ilang sandali ko pa iyong hinanap ngunit wala talaga.

"Fuck. Hindi pwede to'." Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Paghihinala ang bumalot sa loob ko. Hindi iyon pwedeng mawala. Paano nila iyon nakuha ng ganon ganon lang? Paano sila nakapasok dito sa kwarto ko ng hindi manlang napapansin ni Papa. At paano nila nalaman na nasa akin ang bagay na iyon?

Chasing PokersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon