Chapter 10
History"S-sino sila?" Tanong ko kay Papa kasabay non ay pagtagos ng luha ko sa mata. Sinariwa ako muli ng alaala ni Mama kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong huwag umiyak. Nasasaktan ako kahit na hanggang ngayon at natatakot akong baka dalhin ako ng sakit na ito sa punto ng buhay kong pati ang sarili ko ay hindi ko na makilala. Naramdaman ko ang kamay ni Papa sa kamay ko,
"Anak, hindi mo na sila kailangang makilala. Madadamay ka lang," napatawa ako ng mahina.
"Don't you think, Pa... Na damay na ako simula nung pinatay nila si Mama?" Napailing lang si Papa. Pinahid ko ang luhang bumasa sa mukha ko saka bumuntong hininga,
"Ikaw nalang ang meron sa akin at hindi ko kakayaning mawala ka pa," parang may kung anong tumusok sa puso ko nang marinig ko iyon kay Papa. Coming from him those words is such an illusion dahil ngayon niya lang iyon sinabi... Ngayon ko lang iyon narinig sa kanya. Iyon din siguro ang dahilan kaya ayaw niyang sabihin dapat sa akin ang mga ito. Pilit niya akong inilalayo sa kapahamakan... Sa katotohanan.
"Maniniwala ako kung hindi mo sa akin gagawin ang pagpapasa," nagkatitigan kami ni Papa. Hindi ko alam kung ilang segundo din ang itinagal non,
"Alam ko ang tungkol doon," bulong ko pa.
"No. Hindi ikaw... Hindi ka handa," matigas nitong sabi.
"May iba pa kayong anak?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Umiling ito,
"Buhay ang nakasalalay sa pangalang binuo ko, Autumn. Kasabay ng pangalang iyon ang pagbaon ng isang paa ko sa hukay... Na ako mismo ang gumawa kaya hanggat maaari ay ayokong pati ikaw, huwag lang ikaw." Nanggilid ang luha sa mata ni Papa. Masakit iyon para sa kanya. Napakasakit ng nararamdaman niya pero doble iyon pagdating sa akin. Nothings more hurtful than seeing important people crying infront of you.
"P-pero gusto ko... Para kay Mama," parang may kung anong bumara sa lalamunan ko matapos ko iyong sabihin. Hindi makapaniwalang napatingin sa akin si Papa.
"Ano pang silbi ng pamilyang ito kung ikaw lang ang gumagawa ng paraan para makatakas tayo sa tanikalang pumipigil sa atin para maging masaya? I want to help... Kaya ko, magtiwala ka." Napangiti ako. Ito ang pagkakataong hinihintay ko. Ang maisakatuparan ang hustisyang ninanais ko. Abot kamay ko na siya... Kailangan ko nalang isagawa ang batas na nararapat para sa kanilanh kaparusahan. Kagaya ng sinabi ko dati... Ako ang pagbibigay ng hustisyang ipinagkait nila sa kanya.
"A-anak..."
"Pa," pigil ko sa kanyang pagkontra. Buo na ang aking isipan. Tatanggapin ko ang magiging kapalit ng lahat ng ito. Handa kong isugal ang buhay ko. Buhay pa nga ba ako? Simula nung namatay si Mama hindi ko na naramdaman ang buhay ko dito sa mundo.
"Pagiisipan ko," napangiti ako. Nagumpisa na itong maglakad papunta sa itaas. Sa lalim ng pinaguusapan namin ay hindi na namin nagawang kumain. Hindi pa namin nagagalaw ang pagkaing nakahain sa lamesa. Parang pinanood lang kami nito habang naguusap,
Paakyat na ako sa kwarto nang nakasalubong ko si Papa. Bitbit nito ang librong matagal ko ng hinahanap. Alam kong nasa kanya ito, matagal na. Kaya kagustuhan ko ding mabuksan ang drawer sa kwarto niya dahil alam kong ito ang laman,
"Oras na para malaman mo lahat ang tungkol sa mga alagad ng baraha," napangiti si Papa. Pinatawan ko iyon ng mas malapad na ngiti.
"Huwag kang masyadong magtuon ng atensyon sa mga bugtong, hindi iyon ang mga dapat mong malaman sa ngayon." Tumango ako. Bumalik na ito sa kwarto niya at pumasok na din ako sa silid ko.
Katulad noong una ko itong nakita ay may kilabot pading dala ang bagay na ito sa akin. Ipinatong ko ang libro sa lamesa. Nagumpisa na akong buklatin iyon at kagaya ng sinabi ni Papa ay ipinagsawalang bahala ko ang mga bugtong... Kahit na ang iba doon ay nasagot ko na.