"Pag lumingon ka, akin ka" yan ang sabi mo sakin habang vinivideohan mo ko gamit yang cellphone mo
"Hahaha sus kahit di naman ako lumingon, sayo pa rin ako"
"Yiiee kaya lab na lab kita e" kinikilig mong sabi sabay ng marahan mong pagyakap sakin
Nakakatuwang isipin na hanggang ngayon naaalala mo pa rin ang simula kung paano naging tayo.
"Love?" pagtawag mo ng atensyon ko habang yakap mo ko patalikod.
"Hmmmm?"
"I just want you to know na araw araw kitang mamahalin at aalagaan. I want you to be happy kahit corny ang jokes ko. Cuddling, kissing, hugging, and saying 'I love you' to you, gagawin ko yun sayo araw araw cause I want you to feel the every bit of my affection for you. Gusto ko na ikaw ang pinakahuling tao na makikita ko bago matapos ang gabi at bantayan ka naman sa iyong paggising sa pagsapit ng umaga. Love, I'll never get tired of you and I promise that" Sa pagkakataong iyon, hindi ko mapigilan ang kilig kaya't dinaan ko na lang sa pigil na ngiti.
Hinarap kita at yinakap ng mahigpit na mahigpit.
"Talaga?"
"Oo, promise ko yun sayo"
"Thank you and I love you, Love"
"I love you too"
Days.
Months.
Years have passed, napuno iyon ng mga masasaya at malulungkot nating ala-ala. Maraming problema ang dumating satin, but in the end, nasusulosyunan pa rin kaya mas lalong nagiging matatag ang relationship natin.
Although, we're busy on other matters, I'm sure na masaya pa rin ang relasyon natin.Until one day, di ko alam kung ano ang biglang nangyari when you decided to break up with me.
"Red, I want to end this relationship."