Day 1

20 1 0
                                    

Day 1

"GOODMORNING LOVEEEEE! I LOVE YOUUUU" masayang bungad ko sayo

"tch ano pa ba ang maganda sa morning kung yang pagmumukha mo ang agad bumungad sakin?"

"Grabe ka naman Love! Anyways, I made your favorite meal-- adobo with maraming laurel"

"....."

Sa halip na pansinin mo yung niluto ko sayo, kumuha ka na lang ng tinapay at kinain yun.

"Umalis ka na, ikaw na lang ang kumain nyan o kaya itapon mo tutal di ko rin naman gustong kainin yan"

ouch.

Pero kahit ganun ang sinabi mo hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa dahil unang araw pa lang naman.

Napansin ko na marahan mong pinukpok ang likod mo kaya agad akong kumuha sa medical kit ng salonpas. Siguro nanakit na naman ulit yang likod mo, kaya kahit nagrereklamo ka, dinapugan ko pa rin ng salonpas ang likod mo with matching hilot pa.

Lagi kong ginagawa toh sayo at sarap na sarap ka pag ginagawa ko toh pero ngayong parang iritang-irita ka :(

Natapos ang hapon, wala akong ginawa kundi ang alagaan ka at iparamdam na mahal na mahal kita. Sana nararamdaman mo yun, Love.

Day 1✔: Love, kahit unang araw pa lang ito, gusto ko araw araw kitang mamahalin at aalagaan.

7 days on how do I save usWhere stories live. Discover now