Day 6
Nandito ako ngayon, nakaupo sa tabi ng kama mo habang binabantayan ang paggising mo.
It's already 10:00 am in the morning pero di ko na inabalang gisingin ka.
HAHAHAHA panigurado pag ganitong oras na natutulog ka pa sa bahay niyo, maririnig mo na ang samu't saring putak ng nanay mo hehe.
"nueginagawamue?"
"huh? AHHH---ANO! ANO NGA BA YUN? HEHEHEHE W-WALA. GOODMORNING PALA" gulantang kong sabi nang namalayan kong gising ka na pala. Pagkatapos nun, dali dali akong pumunta sa kusina at hinanda ang ating breakfast.
"hmmm nga pala. Ihanda mo na yung mga gamit mo, iuuwi na kita sa bahay niyo."
"huh? Akala ko ba 7 days ang deal? Advance ka ba mag isip?"
"Hahaha I know pero gusto lang kitang bigyan ng time para magmuni muni o kaya aliwin ang sarili mo. I can feel na nabobored ka na dito sa loob ng condo that's why I decided to give you a time. Bukas na lang tayo magkita."
"Saan ba?"
"Meet me at Amusement Park, 4o'clock in the afternoon."
"Okay. Tapos na ko kumain, aayusin ko lang ang mga gamit ko." excited mong sabi at pilit na ngiti naman ang sinagot ko. Siguro nga gusto mo nang umuwi at ayaw mo na akong makasama.
Day 6✔: Love, mamimiss ko to. Mamimiss ko yung bantayan ka habang tulog ka hanggang sa maggising ka pag umaga lalo na din pag marami ang kinakain mo kahit breakfast. Ang kyut kyut mo pagmasdan.