Day 7
@Amusement Park, 4:05pm
Andito ako ngayon sa likuran mo, pinagmamasdan ang kagandahan mo.
Love, you look so beautiful in your solid-black sleeveless dress that I can't take my eyes over you. Di ko alam pero kahit matagal na tayong nagkasama, di ako nagsasawa sa kagandahan mo.
Biglang naputol ang pagpapantasya ko nang maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone. Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung sino ang tumatawag.
📲 Love is calling...
Accept | Decline
"Red?! Pinagloloko mo ba ko? asan ka ba?!" iritang bungad mo nang idikit ko ang phone ko sa tainga ko
"Chill~ Nandito ako sa likod mo"
Lumingon ka sa likod mo at nakita ko ang mukha mong nakakunot ang noo.
Binaba mo ang cellphone mo at padabog na pumunta sakin.
"Anong bang gagawin natin dito?"
"Magdedate. Tara!" at hinila ko na ikaw sa mga stall at rides na nakikita ko. Huli nating pinuntahan ang ferris wheel kung saan nasubaybayan natin ang fireworks display bandang ala-sais habang nasa ituktok tayo.
Pagkatapos nun, bumili tayo ng streetfoods and we decided to eat those at the riverside.
"HAHAHAHAHA tapos.... tapos yung mukha mo parang natatae nung hinawakan ka nung whitelady sa kamay HAHAHAHAHA grabe tapos tili ka pa ng tili hahaha ikennat whooo~ whooo~"
Love, sana ganto na lang tayo parati. Yung lagi kong maririnig yung malakas mong tawa na para namang musika sa pandinig ko. Sana ganto na lang tayo, yung masaya at walang iniisip na problema.
"tapos nung andon na tayo sa roller coaster, di ko alam kung iyak mo ba yung tumulo sa kamay ko o sipon HAHAHAHAHA"
Masyado akong nahihipnotismo ng mga tawa mo kaya di ko namalayang yakap yakap na pala kita.
"H-hey Red?"
"Masaya ako Love"
"Me too. Ansaya ko dahil parang bumalik ako sa pagkabata ko HAHAHAHA"
"I'm happy because you made it"
"h-huh? What do you mean?"
"You've made our deal until the end successfully and I'm so proud of you, Love." hinay hinay kong sabi sayo habang pinipilit na wag pumatak itong namumuong luha ko.
Nanatili kang tahimik sa kabila ng sinabi ko kaya't napagpasyahan kong ituloy ang mga sasabihin ko pa sayo.
"L-love..."
Ramdam ko na ang garalgal na boses ko sa pagpipigil ng iyak. Pero humihiling ako na sana'y hindi mo yun mapansin at di maramdaman ang bigat ng aking paghinga.
"Love, this will be the last day na magiging tayo and I want you to know that in those 7 days, I tried... I tried saving us..."
"Di ko alam pero nung oras na nakipagbreak ka sakin, ito na lang ang isang paraan na naisip ko para ibalik muli yung tayo..." pinikit pikit ko ng ilang beses ang mata ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko at huminga ng malalim bago ko pinagpatuloy ang sasabihin ko
"Kasi Love, ayokong mahiwalay sa piling mo... I-If I cannot save u-us, then how do I s-save myself? I may look like selfish here pero kasi mahal na mahal kita that I can't afford to lose you. Ayokong pagsisihan sa bandang huli na hinayaan kitang makipaghiwalay sakin dahil suko ka na, ayaw mo na at di ka na masaya kaya't heto ako, hanggang sa huli pinipiling ipaglaban ka..."