Day 2
"Red?! Ano bang ginagawa mo diyan sa kwarto ko ha at kailangan pang ilock?!"
"Hello gurlll" sabi ko pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto niya
"pfftthaha---- NAKAKATAWA YUN RED? HA? ANUBAA HUBARIN MO NGA YANG DAMIT KO! Hindi sayo bagay magbakla baklaan! Alis!"
Pilit kong pinakita ang ngiti ko nang malakas mo kong itulak patabi.
"Hehehe ganun ba? Sorry, bibilhan na lang kita ng bago ulet, okay?" Kahit ganun ang reaksyon mo ay natuwa pa rin ako dahil alam kong natutuwa ka din at napasaya kita kahit konti.
Nanumbalik ang saya ko nang madinig ko abot dito sa kinatatayuan ko ang halakhak mo.
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang messenger ko.
Online ka kaya't di na ko nagdalawang isip na isend sayo lahat ng memes na mayroon ako kahit korni. Mas lalong lumakas ang halakhak mo nang makita mo iyon.
Napangiti na lang ako dahil ang sarap sa ears pakinggan ang bawat tawa mo. Napasaya kita Love at ang saya saya ko din.
Day 2✔: Love,I want you to be happy kahit korni ang mga jokes ko. Kasi kahit ano gagawin ko para sayo.