Day 4Nakaupo lang tayo ngayon sa sofa, walang magawa.
Nakakabingi ang katahimikan.
Ayoko ng ganito kaya minabuti ko na lang na kausapin ka.
"Wala ka bang balak magsalita o kaya kausapin man lang ako?" tanong ko sayo
"....."
"Hey?"
"......"
Lumapit ako sayo sabay tinanggal yang earphone mo na nakasukbit sa tenga mo.
"Ano ba?!"
"Why?!"
"Nakikinig ako ng music! DUH? Can't you see?"
"Sorry love, pero may panahon para diyan sa pakikinig ng music pero sana naman pag kinausap ka ng tao, kausapin mo din kahit konti lang na salita. Hindi yung pinagmumukha mong bastos yang sarili mo." mahinahon kong pangangaral sayo saka'y hinalikan ang noo mo
Day 4✔: Love, sana maintindihan mo ko. Kahit maging tayo pa rin sa bandang huli o hindi, please have some respect and manner. Pinangaralan lang kita dahil ayaw kong nakikita kitang nasasaktan dahil may mga taong nagsasabi sayo ng masama. Ayokong mangyari yun sayo. Mahal kita, mahal ko kung ano ka pero di ko kayang kunsintihin ang mga maling gawa mo kaya hanggat kaya ko itatama natin yun, Love.
Ps. Bonus point yung halik ko sa noo mo, Love hehe.