"Red, I want to end this relationship."
Nabigla ako sa sinabi mo.
"W-what?"
"Ayoko na."
"But why?"
Napamulagat ang mata mo sa tanong ko na animo'y di kapani paniwala.
"Red? Wake up! Di mo ba nakikita? Hindi na tayo masaya. Wala na yung spark, wala na yung dating tayo. Wala na."
"Mahal mo pa ba ako?"
"Red, please. Let's break up"
Dahil dun napuno ng katanungan ang isip ko.
Bat di mo sinagot kung mahal mo pa ako?
Bakit?
What I have done to you?
May mali ba sa relasyon natin?
o ang totoo ako ang may mali?
Gusto ko lahat itanong iyon sayo pero ayaw sabihin ng bibig ko.
"No no no no ayaw ko!" mariing sabi ko
"RED ANUBA AYOKO NA SUKO NA KO. ITIGIL NA NATIN ITO"
Parang ayaw tanggapin ng buong pagkatao ko ang lahat ng sinabi mo. Wala akong maisip ng tamang sagot para sa mga katanungan ko. Di ako makahinga at nanghihina ang mga tuhod ko.
"Love wag ka namang ganyan. Wag mo kong iwan please." ani ko na lumuhod bigla sa harap mo bunga ng panghihina nito.
"Love..."
"Red, please..."
"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?"
"Oo" walang kagatol gatol mong sabi.
Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at pinunasan ang namumuong luha sa mata ko.
"Sige, payag na akong makipaghiwalay ka sakin but in one condition. Give me your whole 7 days na makapiling ka pagkatapos nun malaya ka na. Deal?"
"Yun lang ba? Sige, deal."
Love, di ko hahayaang maghiwalay tayo. Ayaw ko na sa bandang huli, magsisi ako dahil pinakawalan kita agad dahil sumuko ka. Love, I can't lose you, not now and will never be tomorrow. I'll do everything to save us.