Chapter 12:

146 1 0
                                    

A/N: Guys, sorry sa matagal kong pamamahinga. Haha, sulit naman yung bakasyon ko e. Sa one month na yun, nakapag-gala din ako ng bonggang-bonga ulit. Dahil sa matagal kong pagkawala sa watty. Eto na ang UD for the day…este night, night na kasi dito e. Haha! XD

O sya…enjoy na lang.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*Someone’s POV*

Ang tagal ko rin palang nanahimik, halos mag li-limang taon na din pala. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang galit at pagka-muhi ko sa kanila. Matagal ko ding pinag-handaan ang lahat at ngayon wala na talagang atrasan. Gagawin ko ang lahat, mapabagsak ko lang kayo. Sisiguraduhin kong mararamdaman nyo din kung gano kasakit ang mawalan.

Sabi nila masama daw ang maghiganti, dapat daw hayaan na lang natin na ang Diyos ang maghiganti para satin.

Pero iba kasi sa akin e, sakin walang Diyos. Matagal ko ng kinalimutan na may Diyos pa talagang maitatawag. Dahil na rin siguro sa lahat ng mga napagdaanan ko, kaya ako ganito ngayon. Isang taong pusong bato, galit sa mundo at hindi marunong magtiwala kahit kanino man.

“People always praise you, but now that i’m here...we’ll change that, because this time YOU.will. praise.ME!”

**A/N’s POV

“People always praise you, but now that i’m here...i’ll change that, because this time YOU.will. praise.ME!,” said the mysterious person na laging nagmamasid sa binata.Titig na titig na kulang na lang ay patayin sa tingin ang binatang tinititigan nito.

Sakay ng isang bugatti veyron na sasakyan na kulay pula at itim. Nakahood at sunglasses ito habang tinititigan ang binata. Maya-maya pa’y nilingon nya ang kanyang ulo sa kanan, kung saan nakalagay ang isang baril sa upuang ito. Unti-unti nyang hinawakan ang baril at sabay sa pagbaba nya ng kanyang tinted window. Pagkatapos nyang hawakan ang baril  ay sya namang tingin nya ulit sa binata. Unti-unti nyang itinutok ang baril sa direksyon kung nasaan ang binata at sabay....

*Agnes’ POV*

*Pok*

“Aray ko naman! Bakit ka ba bigla-bigla na lang nangbabatok dyan ha?!,” pagmamaktol sakin ni Jessie

“Pano ba namang hindi, e kanina pa ko hanap ng hanap sayong babae ka!,” sabi ko naman sa kanya

“Eeee, kailangan ba talagang mambatok ha?!,” sagot nya naman sakin

*Pok*

“A-aray! Magkakabukol ako sa batok mo e, masakit kaya yun!,”

“ O, edi naramdaman mo din kung gano kasakit yung batok mo sakin. Bigat kasi ng kamay e!,” sabi naman ni Jessie sabay nguso

“O, andito lang pala kayo sa cafeteria e. Kanina pa kaya ako hanap ng hanap sa inyong dalawa,” bungad ni Patricia pagkakitang-pagkakita nya  samin

“Grabe yung kanina ah, Patris. Iiiiidol na talaga kita, sobrang astig mo friendship!,” sabi ni Jessie habang inaalog-alog nya pa si Patricia

“Hay naku, mabuti pa maupo na lang kayong dalawa dito. At wag nyo na ngang mabanggit-banggit yung nangyari kanina,” salita ko sa kanilang dalawa

“Psshhh! If I know hanggang ngayon, capital A-F-F-E-C-T-E-D ka pa din,” sabi naman ni Jessie sakin habang umuupo sya sa left side ko at si Patricia naman sa right.

“Ako affected? As in ako?! *sabay turo sa sarili* Impossible! Matagal na kong nakapag move-on ano!,” sigaw ko naman sa kanya na naka-pukaw ng atensyon ng mga estudyantesa cafeteria

“Kailangan ba talagang sumigaw ha?! Pero sige sabi mo e!,” sabi nya naman sakin sabay tayo at pumila na sya sa line para maka-order ng foods nya

*sigh*

*sigh*

“Bakit ba buntong hininga ka ng buntong hininga dyan ha? Gusto mo laro na lang tayo ng nanay, tatay para naman malibang ka? ^_^,” sabi naman ni baliw este Patricia

“Adik ka ba? E pang batang laro lang naman yan e...-_- ,” sabi ko naman sa kanya

“ E bakit bata pa naman tayo ah, di naman tayo matanda. So that means na bata pa nga tayo,” sagot nya naman sakin

Di rin sya pilosopo e no? “Ewan ko sayo, magtigil ka na nga lang dyan,” sabi ko naman sa kanya sabay abot ng piso

“ O.o Piso? Para saan to?,” tanong nya naman sa akin

“Piso para mag hanap ka ng kausap mo,” sagot ko naman sa kanya

“Piso lang?! Ang kurips mo naman, iba na kaya panahon ngayon. Mahal na ang mga bilihin, kaya dapat limang piso ang ibigay mo sakin, hmm...?,” Aba! Loka tong baliw na to ah, e sya nga tong galing ng ibang bansa kaya dapat okay lang sa kanya na bigyan ko sya ng piso

“E diba ikaw ang mas mayaman sating dalawa? Kaya abonohan mo na lang yan ng four pesos, geeesh!,” sabi ko naman sa kanya

“Oy! Anong pinag-aawayan nyong dalawa dyan ha?,” si Jessie kasama ang two tray of foods nya

“Ooooh...akin ba yang nasa isang tray ha?,” kukuhanin ko na sana yung isang tray kaso nga lang hinampas ba naman nya yung kamay ko....owwwwieee! T_T

“Oy oy! Akin din yan ano, ni hindi na nga ako nakakain ng almusal e,” sagot naman ni Jessie “ Oh boyyy...Oh boyyyysss! Lookie over there oh...at the door. Look who’s coming...hihi,” napatingin naman kagad kami ni Patricia kung saan nakatingin si Jessie

“Hmmm...Infairness, gwapo ah,” sabi naman ni Patricia

“Syempre pati na din yung mga kasama nya sa likod no,” sabi ni Jessie na nagtitwinkle pa ang eyes *_*

Tumingin naman ako kay Jessie na kasalukuyan pa ding nakatingin sa kanila at maya-maya pa e tumingin na din sya sakin na may nakaka-asar na ngiti sa kanyang mga labi.

 ”Oh no!,” I mouthed her

“Oh yes, babe!,” sabi nya sakin sabay tingin ulit dun sa mga lalaking dumating

Story of my Lifeeee...*sigh*

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Pangbawi lang sa tagal kong nawala...hehe. Mas lalo ng magiging exciting ang lahat, ngayong nandito na sya. Harhar!

Abangan!

Sayonara peeps! ^_^

-Nikky15

©All Rights Reserved 2012

The Ultimate HearttrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon