Chapter 9: Here Comes the Impakta!

193 3 2
                                    

Chapter 9

*Agnes’ POV*

“Hoy! Friend...may papuntang girlalu dito oh! Ang ganda nya, kaya lang mukhang alam mo na! Hahaha,” wow...baliw nga talaga sya, pero i’m starting to like her (NO HOMO though) as a friend lang dre!

“Oh no! Not her...again,” naiinis na sabi ko.

Papalapit na sila ng papalapit, tama kayo ng pagkaka-basa hindi lang isa dahil may kasamang alipores ang impaktang babae na to! Hay naku! Nang makalapit na sila tinignan nya ko mula ulo hanggang paa.

“Eeeeeww!!! Kaya pala biglang nag-amoy basura na dito kasi dumating ka! Ang baho...SOBRA!,” sabay takip nya sa ilong nya na ginaya naman ng mga alipores nya.

“HOY KAYO!!! Mga kambal tuko na mukhang FROGLETS, TIGILAN NYO NGA ANG FRIEND KO! Wala naman syang ginagawa sa inyo ah!,” sigaw naman ni Patricia dun kayla impakta na naka-nakaw ng atensyon sa mga estudyante dito sa school.

“Ah! Now, it all make sense. Kaya pala mas lalong bumaho dito dahil nagdala ka ng isa pang basura dito sa University!,”  tinignan nya si Patricia mula ulo hanggang paa tsaka nag-roll ng eyes dito.

“Aba’t-,” pinutol ko na kagad ang sasabihin ni Patricia at nagsalita

“Really...Celeste? Hanggang ngayon di ka parin nagbabago. NAPAKA-childish mo pa rin!,” sinabi ko sa kanya ng buong tapang na ikinagulat nya naman!

*clap* *clap* *clap* “Marunong ka na pa lang sumagot ngayon! BRAVO! Atleast ako kahit childish, MARAMING nagmamahal .  Hmmm...kagaya na lang ni Prince Zane ko! Haha,” grabe! Ewan ko ba pero tagos pa rin sa puso ko yung sakit. Di ko namamalayan naluluha na pala ako.

“ Awwww...Look at her, umiiyak na ang bata! Hahaha! You’re so weak! Ni hindi mo nga nakayang ipaglaban si Zane e. Kaya ka nya siguro iniwan! Bwahahaha!!!,” tuloy-tuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.

Ano ba! DI NA KAYO NAKAKATUWA HA! Sinabi ng tigilan nyo ang friend ko e! Dahil kung hindi...naku!,” sigaw naman ni Patricia, ewan ko ba! Kahit gusto kong magsalita, wala talagang lumalabas e.

“Hoy babae! Wag ka ngang makialam ha, kung ayaw mong madamay dito! Pero ikaw ang bahala, kung gusto mong maging hell din ang college life mo!,” hinawakan ko na lang ang braso ni Patricia at hini-hila ko na sya palayo ng magsalita ulit si Celeste.

“FINE! Walk away, yung naman talaga ang ginagawa ng mga COWARD! Hindi marunong lumaban, kaya palaging kawawa. Hahaha! Mga LOSERS talaga kayo!,” nararamdaman ko ang panginginig ni Patricia, hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit.

Iniwan nya ko at muling bumalik kung nasaan sila Celeste at yung mga alipores nya. Kaya naman lumingon ako para tignan kung may gagawin ba si Patricia sa kanila. At hindi nga ako nag-kamali

*PAK*  *PAK*  *PAK*

Sinampal nya si Agnes mula sa kanang pisngi, sa kaliwa at sa kanan ulit. Wow! Sinampal nya si Celeste ng hindi lang isa, kundi tatlo! Tinignan ko naman kung ano ang itsura ni Celeste, gulat na gulat ang impakta. Sasampalin nya na din dapat si Patricia, kaya lang naagaw ni Patricia ang kamay nya na dapat ipangsasampal sa kanya.

“Sorry ha! Pero hindi ko hinahayan na ang mga taong WALANG BREEDING, lalong-lalo na ang KAGAYA mo na sampalin lang ako!

KEEP IN YOUR BRAINLESS MIND, THAT I WON’T TOLERATE THIS KIND OF BEHAVIOR OF YOURS TO HURT THE PEOPLE THAT I CARE ABOUT!

Try to hurt Agnes and AKO mismo ang magpapatikim sayo ng IMPYERNO!,” pinandilatan nya muna si Celeste bago sya tuluyang naglakad papalapit sakin ulit.

The Ultimate HearttrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon