A/N: Sensya na guys at ang tagal kong di naka-pag UD,hehehe! Busy kasi e kaya ayan, at tsaka naghahanda na ko para sa vacation ko e!
Anyways, eto na!~
Enjoy! Mwah mwah!!! :*
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Jessica’s POV (Jessie)
Yown! Perstaym mag-ka POV, partey partey na!!! Woot woot!!! \(*O*)/
Alam ko kaya natagalan bago ako gawan ni Author ng POV ay sa kadilanang...NAPAKA daldal ko daw! Hindi naman ako madaldal e slight lang kaya, pero kung ikukumpara kay Agnes...OO na mas madaldal na ko sa kanya. Hihi ^O^
Anyways...since palagi akong late magising at NEVER akong ginising ng magaling kong bff na si Agnes, ngayon ay nandito pa rin ako sa dorm habang naglalakad papunta sa banyo sa tapat ng kwarto ko.
Sipilyo...
Ligo....
Shampoo...
Conditioner.....( para malambot ang hair ko at di na ko mahirapang suklayin ^_^)
Sabon sa katawan...
Sabon sa face...
Buhos ng tubig sa katawan
At walaaaaah! Tapos na ko sa pagligo! (20 minutes lang ako naligo)
Time check! v.v (tingin sa cellphone)
Yup! I ALWAYS take my cellphone with me inside the bathroom! Haha! Nakagawian na e, kaya ganun talaga! Tsaka pano kung mag txt si bestfriend, e mainipin pa naman din yun. Kaya kailangan palagi akong girl scout, laging handa sa anumang oras.
O.O OMG! LATE na LATE na ko, I already missed two of my classes. Patay na naman ako nito, sermon na naman ang aabutin ko nito kay bestfriend! T^T
Hay naku! Makapag-bihis na nga at nang maka-larga na ko papuntang school. Geesh! Bakit ba kasi di uso ang alarm clock sakin e. Tss!
*10 minutes later*
“Late ka na naman Jessica? Anong oras na ah, mag aalas dies na oh!,” sabi naman sakin ni Manong Drew, yung guard ng school namin.
“Hay naku! Kuya Drew, kung patuloy nyo ho akong sesermonan mas LALO lang akong malalate sa klase ko!,” sagot ko naman sa kanya
“O sya, sige na nga! Baka magwala ka na naman dito e! Hahaha!,” =_= Adik talaga si Manong guard! One time lang naman akong nagwala nun e, sa dinami dami ba naman ng late ko e akalain nyo yun naaalala nya pa yun?
At....kung bakit ako nagwala? Tsaka ko na lang sasabihin sa inyo ang nangyari nung araw na yun. Hoho! ^O^
After akong papasukin ni Manong guard sa gate, syempre dumeretso na ko sa office para kumuha ng late slip. NAKAKATIYAK ako na detention na naman ang aabutin ko nito, *sigh* Kaasar! May makikita na naman akong di kanais-nais and by di kanais-nais...I mean isang taong kinaiinisan ko. Grrr... >:|
Pano ba naman, SUKI na ng detention room ang kumag na yun e. Tama ang hinala nyo, lalaki nga yung kinaiisan ko! Feeler kasi masyado yung tae na yun e, este tao pala! Hahaha! ^_^V
Pano ba namang di ko kaiinisan e, FEELING gwapo sya masyado. I mean Oo gwapo sya, matangkad, he has beautiful green eyes kasi may lahing British si KUMAG, matangos ilong and also he has kissable lips. *_* Panigurado sobrang lambot non pagnahalikan at natikman mo na!
>///< Ay! Grabe lang, HEAVEN yun bakla!
*BOOGSH*
“A-aray, pwet ko ang sakit!!! ,” T^T sino ba kasing hampas--
O.O
>_< Anak naman ng froglets oh! Kung di ba naman ako lapitin sa kamalasan, speaking of the DEVIL! Aish!
“ Alam mo, di ko alam kung sinasadya mo ba to o talagang MATABA ka lang para hindi ka magkasya sa laki ng daanan na to! Tss!,” sabi nya naman habang parehas kaming tumatayo. Anak ng! Pigilan nyo ko, baka masapak ko tong gwapong lalaki na to ng di ORAS! Kuhhhh....grrr...
“Excuse me lang din ano (tinitigan ko sya mula paa hanggang ulo) baka naman ikaw ang may diperensya. Kailangan mo na sigurong bumili ng salamin para dyan sa green eyes mo at ng makita mo kung gaano ako ka-SEXY!,” sabay pinandilatan ko sya ng mga mata ko at tumawa naman ang kumag. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko? =_=
Nababaliw na yata tong gwapong lalaking to e, ay...bat ba ako gwapong lalaki ng gwapong lalaki. KUMAG, yan ang bansag ko sa kanya hindi gwapong lalaki. Pwe!
Pagkatapos nyang tumawa, bigla naman syang lumapit sakin ng SOBRANG lapit na one inch na lang ang pagitan namin. Syemaks! >///< Mas lalo pa palang gwapo ang kumag na to sa malapitan e. Grabe! Naaamoy ko na ang hininga nya at I SWEAR sobrang bangooooo! Amoy...amoy....*singhot* Aha! Amoy strawberryyyy, favorite fruit ko! Napapikit na lang ako habang nilalanghap ko ang amoy na yun.
“Jessie...,”
“Hmmm...,” sagot ko naman sa kanya habang naka-pikit pa din
“HINDI AKO HUMAHALIK SA BABAENG MABAHO ANG HININGA!,”
O.O Binuksan ko kagad ang mga mata ko pagkarinig na pagkarinig ko nun at ang walanghiya nasa malayo na pala nung sinigaw nya yun. Ngumiti pa sya sakin ng nakakaloko at sabay nag-wave ng kanang kamay nya habang naglalakad na kasama ang mga barkada nya.
>.< Hanubenemenyen! Nakakahiya! Bwiset talaga ang kumag na yun kahit kailan. Pinagtitinginan na tuloy ako ng mga estudyante dito na parang diring-diri sila sakin. Well, Jessie tanga lang te?! Sinabihan ka ba naman na may Bad Breath ka daw at TAKE NOTE, ipinagsigawan nya pa ha! Kaya naman bidang-bida ang lola mo, naks naman!
Ay putek! Tumahimik ka na nga utak! Geesh!
“URG!!!!,” nasambit ko na lang sabay ginulo ang buhok ko, kainis talaga e!
Tumalikod na lang ako at napakagat sa labi ko, kahit kailan talaga yung lalaking yun. Sarap lang tadyakan e, nakaka-bwiset lang talaga sya! Napatingin na lang ako sa wrist watch ko at anak ng...award na award na ako nito sa kaleytan. Torture pa naman din yung prof ko ngayong 4th period nyan.
Patay talaga sakin yung lalaking yun, kasalanan nya to e! Kung di ba naman sya nag-appear out of nowhere edi sana nasa classroom na ko ngayon. KAIMBYERNA TALAGA SYA KAHIT KAILAN! Kuhhh... >:|
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: O puso mo Jessie, hahaha! Masyado kang nagagalit e, wag ganyan sayang ang kagandahan mo wag ka masyadong maistress! XD
Next UD is POV parin ni Jessie pero hindi yung buong Chapter na yun...haha! Kung baga continuation lang kasi di na kaya ng powers ko e!
Nikky15
©All Rights Reserved 2012
BINABASA MO ANG
The Ultimate Hearttrob
RomanceThis story is about a Girl na isinarado na ang kanyang puso, ni lock..pinod lock...ginawa ng bato o kahit na anong description ang masasabi mo sa kanya...and also about the GUY who she fell in love with...WELL..in the End...hehe She's a Crazy,Fun, a...