YANNA's POV
"Yanna," tumingin si Shawn sa mga mata ko, ang gwapo niya talaga.
"Yes, babe Shawn?" Sagot ko using my seductive voice sabay angkla ng magkabilang braso ko sa leeg niya.
"Alam mo bang..." Wahhh omegad! Sasabihin niya na bang mahal niya ko? "Mahal--"
*KNOCK KNOCK KNOCK!*
Napabalikwas ako sa kama ng biglang may kumatok.
Tiningnan ko ang buong paligid para hanapin si Shawn. But he's not here.
Napasimangot ako. PANAGINIP! Aishh...
Narinig ko na naman iyong katok. At naalala kong nasa resort nga pala ako. Panira ng panaginip kung sino mang poncio pilatong hampaslupa ang kumakatok.
"SANDALI!" Naiinis kong sigaw bago buksan ang pinto, "What is it?" tanong ko sa nakaunipormeng lalaki.
"Room food service po," ani niya ng nakangiti.
"I didn't call for a room service, nasira yung panaginip ko dahil sayo. Tss..." Angal ko. Ka-badtrip!
"Sorry po ma'am. Pero sigurado po akong hindi po ako nagkakamali. Si sir Macsen po ang nagpadala," wika niya pa.
"Who's Macs--si ML?!" Sigaw ko ng maalala kung sino yung tinutukoy niyang Macsen.
"Po?"
"I mean, sige paki pasok na lang sa loob yan," at sinunod niya naman ako.
Gutom na rin naman ako. Kaya tamang tama lang. Hindi ko lang talaga matanggap na naudlot iyong panaginip ko. Huhuhu, iyon na eh. Iyon na, sasabihin na ni Babe Shawn ko iyong pinaka-gusto kong marinig. Kyaaahhh. Kahit sa panaginip lang nikikilig ako.
Pagkatapos kong magtootbrush at maghilamos ay kinain ko na yung pagkain. May nakita pa akong sticky note pag angat ko ng hot choco.
'Good morning miss Almod Eyes -ML'
Napangiti ako ng wala sa sarili. Pinangatawanan niya talaga ang 'almond eyes'...
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng may biglang kumatok.
Ang bilis naman yata noong magliligpit dito?
"WAIT!" Sigaw ko habang tinutungo yung pinto, "Hindi pa...'ko...ta...pos...e-eh? ML?" Tiningnan niya ako mula ulo mukhang maganda. Haha. Then I saw him gulp a little.
Ngayon lang ba siya nakakita ng magandang naka over sized pajama top at cotton shorts? 'though, hindi halata yung shorts dahil natatakpan nitong pajama top, mukha tuloy wala akong ibang suot maliban sa pang itaas.
"Get ready. I'll tour you, sa buong resort, then sa beach magka-kayak at jetski tayo. I'll pick you up in 30 minutes..." Sinabi niya 'yan nang hindi nakatingin sa akin tsaka ako tinalikuran at umalis na. Bastusan habang kinakausap?
Pero teka... Tour? Kayak? Jetski? In 30 minutes?
He's wearing a white printed shirt at black and white na board shorts. Meaning... He's serious!
Kyaaaahhh! Em-zo eggzoited!
Binilisan ko na ang pagkain ko at pagligo.
Now I am wearing white V-neck shirt and yellow women's board short shorts. And also wearing my black two piece, pero siyempre hindi ko ilalantad ang sexy kong katawan dahil naka-RESERVED for Babe Shawn ang aking SEXY VIEW. Choz! Hahaha
Now I'm ready!
After a minutes bumalik na si ML, he's wearing black sunglasses hindi ko tuloy makita kung nakatingin ba siya sa akin. But I admit, he look so hot.