Nakarating na kami ni Babe Shawn sa Condo, tahimik lang siya simula pa kanina. Nagsalita lang siya noong tinanong ko kung paano iyong baby cooper ko, dahil pinasakay niya agad ako sa kotse niya. Ang sagot niya lang ay, "Bahala na si Jonathan", iyong secretary niya. Pagkatapos noon ay hindi na ulit siya nagsalita. Siya na rin ang kumuha ng susi sa bag ko at ibinigay sa bouncer na nakabantay sa tapat ng bar.
Kung hindi siya si Babe Shawn, malamang ay kanina ko pa siya nasigawan, how dare he na ipagkatiwala sa iba ang baby ko? Pero dahil siya ang the love of my life, I trust him. Hihi.
"Use these..." He said in a serious voice.
Nanglaki naman ang singkit kong mga mata ng makita ang iba't ibang klase ng toothbrush, isang brand ng toothpaste at mouth wash na inilapag niya sa center table. The heck?! Inilabas niya yata ang lahat ng stock niya.
"S-seryoso ka?" Napapakurap kong tanong. Omo!
"Yeah," maikling sagot niya lang. Napangiwi ako.
Waahhh! Ano bang nakain ng Bhabe Shawn ko at nagkakaganito siya?
Napakamot ako sa noo ko, "Hehehe, Babe Shawn naman eh. Hindi kaya dumugo ang gilagid ko kapag ginamit ko ang lahat ng 'yan? Pwede bang half na lang? Hehe, please?" ipinagdaop ko pa ang dalawang palad ko. Pero hindi siya nakatingin sa akin kung hindi sa--e-eh? Sa wrist ko na, medyo namumula. Dahil siguro sa paghatak--
"Babe..." Tawag ko sa kanya ng bigla niya akong hatakin sa kabilang kamay, pero this time magaan na iyong pagkakahawak niya sa akin.
Pinaupo niya ako sa couch at hinawakan ang wrist ko saka sinimulang i-massage.
P-para akong kinukuryente.
"Still hurt?" Tanong niya, umiling ako. Actually, wala akong ibang maramdaman kung hindi ang bilis at lakas ng tibok ng naghuhuramentado kong puso. Kyaaahhhh! Gusto kong magtitili, right here, right now. Kaso ayaw ko namang mabingi si Babe Shawn 'no.
"Sorry," sabi niya ng hindi tumitingin sa akin. Para saan kaya 'yon? Pero kahit na ano pa iyon, mapapatawad at mapapatawad ko pa rin siya. Kaya naman nginitian ko siya, yung sobrang lapad na ngiti na halos nakapikit na ang mata ko. Hihi.
Napatayo ako. Oo nga pala.
"At dahil utos ng Babe Shawn ko, gagamitin ko na lahat ang lahat ng ito--"
"No need."
"H-ha? Sisimulan ko na Babe ng matapos agad, hihi," then I giggled. Kukunin ko na sana ang mga nasa center table ng bigla niya akong hatakin sa braso pabalik sa kanya at--
Dugdug.dugdug.dugdug.
Ang puso ko!
Nanlaki ang mata ko ng biglang lumanding ang labi ko sa labi niya, not just a peck. Maya maya ay pumikit na rin ako at gumanti sa halik niya.
"Don't you ever dare kiss him, again," he said in between of our kisses.
Doon ko lang napagtanto na...nagselos siya sa akin dahil hinalikan ako ni Papa Aries kanina... Mabilis ko siyang inilayo sa akin.
Nakatingin lang siya sa akin habang naka-kunot noo at tila naguguluhan.
Madali kong hinati sa dalawang grupo ang toothbrush, toothpaste at mouthwash.
"Sa'yo 'yan," iniurong ko sa gawi niya ang kalahati. "At ito naman ang akin. Gagamitin natin itong lahat ha!" this time ako naman ang tunog seryoso.
"Ha?" naguguluhan naman niyang tanong.
"Tss... Hinalikan ako ni papa Aries kanina. Tapos hinalikan mo ako, hindi pa ako nagmumumog. Ibig sabihin parang nahalikan mo na rin siya using me. Tss, para-paraan ka rin Babe Shawn eh," lalo siyang napakunot noo dahil sa huli kong sinabi. Pero maya maya ay ngumiti siya at dinampot ang kalahati tsaka tumayo.