STG 9: Omaygad, Babe Shawn?

688 22 16
                                    


YANNA's POV

*RING RING RING*

Napadilat ako ng mata. Nakatulog pala ako. Gabi na pero tulog pa rin si Papa Aries.

*RING RING RING*

Iyong phone ko.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Babe Shawn's calling...

My heart never fails me. I answer the call.

"KYAAAHHH. Babe Shawn! Miss mo na ba ako?" I joyfully asked.

"Err! Where are you girl?" Maarteng tanong niya.

"Hospital--"

"What the!--I mean, bakit nandiyan ka? What happened? Saang hospital 'yan? Pupuntahan kita..." Nawala iyong maarteng boses niya sa sunod sunod niyang tanong. Ramdam ko rin ang pag-aalala niya.

"Yiiehhh! Concern siya... Kyaaah kinikilig tuloy ako! Don't worry I'm perfectly fine and safe. And...tumitibok pa rin ang puso ko para sa'yo. Si Papa Aries kasi naaksidente kaya pinapunta ako rito," sagot ko naman.

"Tss. Siya na naman..." Bulong niya pero hindi malinaw ang pagkakarinig ko.

"Ha?"

"Nothing... Saang hospital 'yan? Pupunta ko riyan. Gabi na, kumain ka na ba?"

"Nope. Nandito kami sa St. Lukes," sagot ko.

"Okay, magda-drive thru na lang ako," he ended the call.

KYAAAAAHHH! Pupunta siya rito? For real?! Makikita ko na rin siya after how many days? 3? Waaahhh em zo eggzoited!

Ano na kayang itsura niya? Tagal ko rin siyang hindi nakita, e. OA, hihi. Eh kasi naman, e, 'yong three days parang taon na para sa akin. Huhuhu.

But anyway. Stop the drama, mamaya lang nandito na ang aking 'LOVE OF MY LIFE' kyaaaahh!

"Hmm," napatingin ako kay Papa Aries. Pumupungas pungas siya. He's awake.

"Papa Aries..." Tawag ko.

"Y-Yanna?!--arghh sh*t," napahawak siya sa tagiliran niya.

"Teka! Anong masakit?!" Agad akong lumapit sa kanya.

He shook his head and patted the side of his bed. Meaning, pinauupo niya ako sa tabi niya. Umupo naman agad ako.

"How's your feeling? Anong masakit?" Nagaalalang tanong ko.

"The same feeling. Masakit 'to o," he pouted while pointing his left chest were heart's located.

"Sabi ni Doc, napuruhan daw ang left rib mo. That's why," sabi ko.  

"Tss. Tha's not what I mean. You are asking my feelings 'di ba? I still love you and at the same time broken hearted that's why I pointed out my he--ARAY ha," alma niya matapos ko siyang batukan.

"Ang drama mo eh... Seryoso kasi--"

"I'm dead serious," ramdam ko ang pagkaseryoso niya.

Silence...

At ano ba ang sunod na mamamayani pagkatapos ng mahabang katahimikan? Awkward.

"A-Eh, g-gutom ka na ba?" Tumayo ako pero agad niyang nahawakan ang kaliwang kamay ko. "Papa Aries..."

"Sorry. Please, stay?" Pakiusap niya kaya umupo ulit ako. "Hindi pa 'ko gutom."

"Chocolate gusto mo? May choc-O din ako," natawa naman siya. Kilala niya kasi akong chocolate addicted.

Seducing that Gay!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon