STG CHAPTER 4: D
Arghhhhh!!
Pagpasok ko ba naman sa reception area. Siyempre, what do you think I'm doing? Malamang hinanap ko agad ang love of my life kong si Shawn.
And when I saw him... He's with that linta girl. Iyong babaeng masarap kalbohin at lunurin sa gitna ng dagat at ipakain sa mga gutom na gutom na Piranha. Arghh! She's getting in my nerve.
Agad akong lumapit sa pwesto nila.
"Excuse me... Pwesto ko yata 'yan!" mataray kong sita kay linta girl.
She arched her brow, "Oh really? Eh bakit walang nakalagay na reserved. At wala rin ang pangalan mo..." pang-aasar pa niya. Bwisit 'tong linta na 'to ah, may gana pang mamilosopo?!
"TANGA lang kasi ang HINDI makakita. Kaya hindi na ako magtataka kung hindi mo nakikita..." akala mo ah.
"Yanna..." si babe Shawn tinawag na ako.
"Yes babe?" Yumuko ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. Shock was written all over their face, lalo na sina Aira, Mich at Betty na sobrang tagal na nawala kaya hindi alam kung gaano na kami ka-close ni Shawn.
"Excuse us..." Paalam ni Shawn at hinila na ako paalis. Nakaawang pa rin ang mga bibig nina Mich habang nakatingin sa aming dalawa.
Lumipat kami sa ibang table. Kaming dalawa lang ang nakaupo rito dahil busy na yung iba sa kakasayaw.
"Ano? Gaano na kayo katagal na magkatabi ng lintang iyon?!" Inis kong tanong. Kulang na nga lang may lumabas na usok sa ilong at tainga ko. Tss...
"Hindi naman ganon katagal. Halos kadadating ko lang noong makita mo ko," naiinis din niyang sabi. Aba't! Ibig sabihin siya pa ang lumapit at tumabi sa lintang yun?
"Sino ang tumabi? Ikaw o siya?"
"Ako... Hindi ko naman napansin na nandoon siya nang maupo ako..." siya nga ang tumabi. Arghhh, naiinis ako. Bwisit talagang linta yun!
"Eh saan ka naman galing? Nambabae ka 'noh?" Akusa ko sa kanya.
"Gross Yanna! Gross! Naglibot lang ako, baka sakaling makakita ako ng fafa boylet..." Malanding sabi niya.
"Hoy bakla ka! Ako ba hindi mo tatanungin kung saan ako galing? Hmm?" Panlalambing ko sa kanya. Hihi...
"Bakit pa? As if I care 'no," prangkang sagot niya.
"Hmp! Kaasar ka!" Alam ko namang kahit close na kami, wala pa rin siyang pakialam sa akin. At ako lang ang naghahabol sa kanya. I stood up.
"O saan ka pupunta?"
"As if you care! Tss Kukuha ng food!" inis na sigaw ko.
"Kuha mo rin ako... Kagutom, e." Aghhh! hindi ko alam kung nang-iinis ba talaga itong bakla na 'to eh.
"Tseh! Pasalamat ka mahal kita eh."
"Salamat!" Pareho kaming nagulat sa sinabi niya. Oo nga't 'salamat' lang 'yon. Pero ito ang unang beses na tinanggap niyang mahal ko siya. Kyaaaaahhhh! Kenekeleg ang talendeng niyong ate. Wooh!
"You're welcome Babe Shawn! Kyaahh!" Tumungo ako sa buffet table na may ngiting tagumpay.
Kumuha ako ng base plate at naglagay ng maraming pagkain. Hihi, isang plato lang ng pinggan ang gagamitin namin ni Shawn.
"Haru jusko, Yanna! Ang dami niyan!" sita sa akin ni Babe pagkarating ko sa table namin.
"Share tayo," ngumiti ako sa kanya, "Ahh. Babe Shawn feed me please," tiningnan niya lang ako na para bang nababaliw. "Sige na, babe ko. O, kung ayaw mo, ako na lang ang magsusubo sayo ng pagkain..." Dinampot ko ang fork at tumuhog ng isang slice ng ham from cordon bleu. "Say Ahhh baby..." Tiningnan niya muna yung pagkain then ako. Nagpout at puppy eyes pa ako, paawa effect ba. Hihi...