YANNA's POV
"Maliligo lang ako..." Sabi ni Babe Shawn. Nandito na 'ko ngayon sa kwarto niya.
Kyaaaahhhh! Para na talaga kaming mag-asawa nito!
"Sige Babe Shawn! Gusto mo ba sabay na tayo?" Hihi... Malay niyo pumayag 'di ba?
"No," diretsong sabi niya. Napa-pout naman ako. Bigla siyang tumalikod.
"Ayaw mo talaga?" Tanong ko pa.
"No," ha? Ano daw? Hindi daw? O ayaw niya? Ang gulo, a.
"Hmp! Sige na nga. Pero Babe Shawn, Wifi ka ba?" Tanong ko.
"Nope. Tao ako," maarteng sagot niya.
"Babe, naman, e. Dapat 'BAKIT' lang ang sagot mo!" Napasimangot tuloy ako ng bonggang bongga.
"Tss. O sige na, bakit? Para makaligo na 'ko," sabi niya sabay dampot ng towel.
"Kahit saan kasi ako magpunta, hinahanap hanap kita..."
"Tss," iyon lang ang sagot niya bago nagmadaling tumungo sa CR. Aish, corny ba iyong pickup lines?
Aha! May naisip na naman akong idea. Hihihi.
Tumungo ako sa walk-in closet ni Shawn--oops, correction: NAMIN na ngayon. Lumakad ako kung nasaan iyong mga damit ko, then I found something hot nighty silky gown. Kyaahhh! Maglalaway ka ngayon Babe kapag nakita mo'ng suot ko 'to.
Pumunta naman ako sa CR ng kitchen at saka roon naligo, kailangan maunahan ko si Shawn!
Nagmadali akong magshower at halos liparin ko ang kwarto ni Shawn paakyat.
Dahan dahan muna akong pumasok para tingnan kung tapos na ba si babe sa pagligo. At ng marinig kong tuloy tuloy pa rin ang paglagaslas ng tubig sa CR, ay pinatay ko ang ilaw at maingat akong humakbang palapit sa kama saka binuksan ang lampshade.
Nahiga ako sa kama at hinintay si babe Shawn.
After 10 minutes.
25 minutes...
Waaahh bakit naman ang tagal niyang maligo? Ganoon ba talaga kapag bakla? Aishh.
Giniginaw na ko.
Nagkumot muna ako. Kyaahhh, inaantok na ko...
No Yanna! Hindi ka pwedeng matulog! Hindi!
After 1 hour...
Papikit pikit na ako...
"Hin--di...ka...pwe--deng...matul--"
ZZZzzzz...
Naramdaman kong may gumalaw sa kabilang side ng kama. Pero dahil sa sobrang inaantok pa ako, parang wala na akong lakas pa na dumilat, at gusto ko pang ipagpatuloy ang tulog ko kahit na alam kong maaga na--
NAPAHIGPIT ako ng kapit sa comforter ng maramdaman ko ang mainit na hininga sa may batok ko, it sent me a million volts of electricity that cause me to open my eyes.
Shit! May nakapasok bang mabangong manyakis, halimaw, o rapist sa kwarto ko?!
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may nakapulupot na kamay sa katawan ko malapit sa--d-dib-
"AAAAHH!" sabay palo sa kanya, "WALANGYA KA PARA LANG KAY BABE SHAWN YAN! WALA KANG KARAPATANG HAWAKAN O SAGIIN 'YAN!" Hinampas hampas ko siya ng kamay ko.
"A-A-ano-ba!-masakit ha!" Nahinto ako ng marinig ang boses niya at natulala sa katabi kong lalaki--este, bakla pala.
At napagtantong, lumipat nga pala ako kagabi rito...sa unit at kwarto mismo ni Babe Shawn.