Chapter 6

3.9K 33 2
                                    

AIRPORT.

It's a fine sunny day. Nandito na ako sa airport, nakaupo, naghihintay na lang at lilipad na yung eroplano ko in half an hour. Nakapag check-in na rin ako ng mga bagahe ko. Kasama ko sina kuya, Ate Nadine at mommy ngayon. Hindi pa ngayon ang alis ni kuya. Mauuna na ako para mas maaga yung preparasyon ko at makapag-adjust na rin doon. Gusto kong lumayo... sa lugar kung saan hindi ko na siya makikita.

"Reena!" may tumawag sa akin mula sa likuran ko na nagpabalik sa akin sa realidad.

Napangiti at napatayo ako sa nakita ko. There's Andy with Mike, Bry and JP.

"Aalis ka na lang ba ng walang paalam sa amin? Sira ulo ka talaga. Tss," yan ang sabi sa akin ni Andy bago ako hinila at niyakap. Yumakap din naman ako at napatawa.

"Sorry," sabi ko na lang dahil wala akong excuse para sa kanila na hindi ako nakapagpaalam ng mas maaga.

Kumalas naman sa yakap si Andy at hinarap ko naman yung dalawang ugok.

"Mga gago kayo magpakabait na kayo ah?" sabi ko sa kanila sabay niyakap ko rin silang dalawa.

Mamimiss ko tong mga to.

"Oo na. Sus, matagal na akong mabait. Ewan ko na lang kay JP." –Mike

"Ulol. Kahit tanungin mo pa nanay ko kung gaano ako kabait." Sagot naman nitong si JP.

"Wag kang mag-alala Reena. Ako magbabantay sa mga 'yan." sabat naman ni Bry.

"Sus. Wag ka ngang magkunwaring mabait d'yan." sabi ni Mike sa pinsan niya.

Napatawa na lang ako.

"Ree, hindi ka na ba magpapaalam kay Kevin?" biglang tanong naman ni Bry.

Bumuntong hininga na lang ako.

"Do me a favour?" request ko sa kanila, "take care of him for me?" mapait na ngiti ko sa kanila.

"You can take care of him if you will just stay." Sabi sa akin ni JP.

"Right now, I'd give everything para bigyan niya lang ako ng chance mahalin siya ng buong buo. You two of all people know that. Alam niyong matagal ko na siyang gusto kahit na hindi ko sinasabi sa inyo, right?" sabi ko sa kanilang dalawa.

"Reena, kaibigan ka namin. Una ka naming nakasama bago kayo nagkasama ni Kevin. Don't give up without giving it a fight." Sabi sa akin ni Bry.

Ngumiti lang ako sa kanila... "I'll give it a fight."

I paused for a minute there and said, "kung kasama ko siyang lalaban. Kaya lang Mike, ayaw niya eh..." may panghihinayang na sabi ko.

"Sigurado ka bang ayaw talaga niya? He was even the one who called us dahil sabi niya ngayon na ang alis mo na hindi mo man lang sinasabi sa amin." –Andy

Oh.

Lumakas yung tibok ng puso ko sa sinabi ni Andy at hindi ko alam hinahanap ko na pala siya sa paligid ng airport.

"Wala siya dito." –JP

May kumirot naman sa puso ko sa sinabi ni JP.

Napayuko na lang ako ng ulo dahil nakaka-disappoint. There's still a part of me na umaasang pupunta siya dito at magpapalaam sa akin.

"Reena, it's time to go anak." Tawag sa akin ni mommy.

Niyakap ko naman isa isa tong tatlong to. Mamimiss ko talaga sila. Especially Kevin, but he's not here. Well, what do I expect? Tss. Assumera kasi ako.

"Take care of yourself there, okay?" –Kuya

"I will. Mom, mag-ingat ka lagi. Makinig ka kay Ate Nadine."

Fucked up, Set-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon