Alam ko napublish na to--two books yata.
Pero kahit ganun, super thankful pa rin ako kay Ms.Author na hindi nya pa rin to dinedelete sa wattpad. Hehe.. Isa kasi ito sa mga favorite ko..Kapag wala pa ko nagugustuhan ulit... Isa to sa mga inuulit-ulit ko--lalo na yung mga scene na super natuwa at kinilig ako.
Gusto ko nga ng ganitong lovelife e..Lol. Haha.. Basta kasing gwapo at kaugali ni Riley!
Umpisa pa lang aliw na aliw na ko sa character ni Muriel at ni Riley. Ang cute nilang magbangayan. Yung tipong may "baby-baby" pang nalalaman si Muriel pero at the back of her head, rumoroll eyes na.. Haha..
Dapat nyong abangan dito kung paano nainlove si Riley. Sino nga ba ang love nya si Muriel as Muriel o si Muriel as Samantha. Oh yeah, si Samatha yung.....basta..(wag ka namang maging spoiler much this time,self..please >_>)
Isa ito sa mga unique na story na nabasa ko here in Watty--kasi nga doon sa situation nila Riley and Muriel na dapat nyong alamin kung ano. Lol.
Wag nyong papalagpasin ang mga selos moment ni Riley it's one of the nakakakilig scenessss. Oo, medyo marami..di lang obvious. Hehe
Hmmm...What I appreaciate here is paano naggrow yung love ni Riley for Muriel despite yung kalokohang pinasok ni Muriel and paano mo ba ifoforgive yung mga taong involve sa kalokohan na yun even though na for them it's for your own good--kasi still one way or another na 'betray' ka pa din.
Another thing na aabangan nyo here is the bestfriend--si Jared. Hihi.. Okay, ang alam ko nainlove din si Jared kay Muriel. Actually, di lang sya..may isa pa..si Mark..abangan nyo rin sya.
Character Crush ko sya--si Mark!!!! LOL.
Anyway, si Jared ang topic naten... Si Jared ang...ano ba? Hmm.. sya yung self proclaimed 'protector' ni Muriel. Hehe Basta, basahin nyo na lang si Jared. Haha
Pero syempre, wag nyong kakalimutan ang isa sa favorite scene ko..yung manganganak na si Muriel (I did not spoil.. I didn't!) Super cute ni Riley at Jared. Super tawa ko sa nangyari. As in.
Oh, before I forget...isa sa gusto ko sa story na to is yung friendship ng mga boys.. Yung tipong ano mang bagyo o unos..magkatalo man minsan..pero at the end of the challenges/trials..walang makakatinag sa samahan/friendship. Ahhhhh......
Last na, isa pa is yung tipong lahat gagawin ng isang magulang... Oo, mali man ang ways nila minsan....masakit man..Pero ang magulang will always be a magulang...gagawin lahat para sa mahal na anak. Tandaan nyo yan! Hihi...
Isearch nyo na to.
Basahin nyo to! Di kayo magsisisi..
Next page na!!
BINABASA MO ANG
Tagalog: Most Recommended Story
Ficção AdolescenteLooking for TAGALOG stories to read? Click here. =)