thousand_love note:
Sorry sa mga unang nagbasa ng review na to. Minajor edit ko to, kasi nastress ako sa aking review. Hahaha I can't explain, basta nastress ako.
(ノ_<。) Hahaha (as of 6/4/16)
Season 1
This is a story full of laughter.
Magaan sa "feeling" yung story. Wala kang gagawin kundi tumawa ng tumawa at maloka sa bidang babae na si Aimie. Napaka-unique ng character "attitude" nya.
Nung una, muntik ko ng di ituloy kasi super nakakahiya si Aemie.. Napapaface-palm ako. Ang weird ng utak nya. Childlike na may pagkamysterious. Pero dahil sa ganung peg mas nacurious ako sa story. (Kaya ayun, inabot ako ng 4am. Haha)
Sya yung bida na ang eng-eng lang pero di mo kakabwisitan. Kundi, aabangan mo palagi yung mga iniisip nya, interpretations nya sa mga bagay-bagay, at yung mga wagas nyang imaginations! Haha
Tapos, syempre, yung bidang lalaki na si Zeke. Susme! Nakaka-inlove. (Girls, san tayo makakakita ng Zeke naten? Haha) Ang awesome ng pagkamafia nya. Super!!!
Kapag nagsama silang dalawa...sabog! Prologue pa lang, mahohook ka na!
Lahat ng eksena, maaaliw ka. Meron dun yung, paano daw maging perfect wife. (Hahaha, yung nagluto sya puro sweets...Uhhhh, did I just spoil?) Tapos yung endearement scenes...Panalo! Tuti!! Hahaha. Hanggang sa naging Dodong..
Super nagswak yung character ni Aemie sa character ni Zeke. Isang parang "addict" sa kabaliwan at isang seryoso.
Pero, ang pinaka wag nyo papalagpasin..ay paano nailove ang mafia boss sa weirdong si Aimie. At ang ultimate pasabog sa katauhan ni Aimie! Wagas... panalo yun guys!
May mga downfall din ang story pero sa huli...ang awesome ng twist guys! Hindi nyo ieexpect! Tulad nung nasa ospital, akala ko talaga magkagalit na sila, tapos... (Tapos,ayoko ng maging spoiler..kaya basahin nyo...)
Atsaka may love triangle din. Yung nakakastress na ex-girlfriend ni Zeke.. At si Mooo (Huhuhu, Moooooooo!!!! Achehe, anyare? Basahin nyo!)
At syempre, ang ibang characters na kakaaliwan at kakainlovevan nyo rin tulad ko...Lalo na yung apat na tauhan ni Zeke. Hahahaha ("Kabaong alert" ...Hahaha) Yung mga papogian nilang apat. Lalo na yung rooftop scene. Susme! (Kinikilig ako.....♥(ノ'∀'))
Kahit kontrabidas, maiilove kayo. Sa pinsan at mga kaibigan ni Aimie. All characters are unique. Wala kayong characters na dapat kaligtaan, each one of them ay may kanya kanyang kwento at scene na hindi malilimutan.
Meron pa palang mas wag papalagpasin, yung kasal scene. Syempre! Hahahaha. Dami kong tawa dun! The best!('∀`)♡
Season 2
(Whhha, complete na to. Nashock naman ako.) Hehe, hindi ko pa ito tapos... kasi ayaw kong mabitin kaya pinapatagal ko ang pagbabasa. Hehehe (May season 3 na pala)
Tulad ng nauna, umpisa pa lang tatawa ka na ng tatawa at mastress sa kaeng-engan ni Aimie.
At syempre, marami din kayong scene na kakaaliwan... Tulad nung ibinigay na ng parents ni Aimie yung kompanya nila sa kanilang mag-asawa..Hahaha
Yung imagination ni Aimie, I can't take.... It's so what the! Hahahaha
Pero, sa season na to mas awesome na si Aims. Alam nyo yung movie ni Brad Pitt at Angelina Jolie, parang ganun silang dalawa. Cool!
Kaso lang may problema, grabe yung heart breaking scene dito... (ㄒoㄒ)
Lalo na yung sa magpinsan.. (I can't spoil kasi di ko pa rin alam masyado ang storya. Haha)
May mga bagong character din na kakaabangan. (Inlove na nga ako dun sa isa e...Haha Kastress!)
Pero guys, all in all, ito yung story na kakaiba talaga. (Hindi ko maelaborate yung uniqueness nito) Kakaiba din kasi punong-puno ng iba't ibang scenes---may action, comedy, at romance.
Full package... Kaya kung gusto mo ng full package....
Isearch nyo na to.
Basahin nyo to! Di kayo magsisisi..
Next page na!!
BINABASA MO ANG
Tagalog: Most Recommended Story
Fiksi RemajaLooking for TAGALOG stories to read? Click here. =)