Chapter 3

23 2 0
                                    


Dumating ang araw ng bukas at sinimulan na namin ang paghahanap ng mga impormasyon, sa interenet, sa school library, at kung saan saan pang mga pwedeng pagkuhanan. Hindi kami tumigil, sa tuwing may free time nagpupunta ako sa kanila upang ipagpatuloy yung mga ginagawa namin, napuno namin ng kung ano anong mga booklets yung kwarto niya at nagdisplay kami ng mga pictures sa pader para hindi namin malimutan, araw-araw mas nadadagdagan yung mga kaalaman naming dalawa tungkol sa A-Virus na maaari naming magamit to make our research successful, kung magkakataon magiging amin ang pinakamagandang research sa buong campus dahil for sure no one else will dare to risk their lives unlike us. Dumating ang araw ng Miyerkules, saktong pitong araw mula nung nagsimula kami and we are both prepared now, this is also a great timing because we do not have classes from Thursday to Monday dahil magkakaron ng malaking event, at school namin ang venue. We have five days to work on our research and I’m really excited. Nasa bahay ako ngayon, tapos na ang klase at naihanda ko narin lahat ng kakailanganin ko, ang dapat ko nalang gawin ay magpaalam kay mama. Bumaba nako ng hagdan at dumiretso ng kusina at nakita ko diya doon.

“Cate! Bakit bihis na bihis ka? sa’n ka pupunta?”

“Ah ma, sisimulan napo namin ni Kevin yung trabaho namin.”

“Alam ko eh bakit kailangan ganyan bihis mo? Saan ba kayo gagawa?”

“Ahh sa kanila lang po ma, eh syempre po ayaw ko namang magmukang basura pagdating dun, ang yaman po kasi nila Kevin.”

I lied because I am pretty sure she will not let me go that far, plus knowing that there is an outbreak of a deadly virus in that place. Ayaw kong magsinungaling kay mama pero kailangan kong gawin to.

“Ahh sige magiingat ka ha?”

“Opo ma thank you, kayo din.”

I hugged and kiss her on the cheek. Lumabas na’ko ng bahay at nang buksan ko yung gate may nakaparadang kotse, nang lapitan ko biglang nagbukas yung salamin, si Kevin pala.

“Kevin, anong ginagawa mo dito? Papunta nanga dapat ako sa inyo eh, kanina ka paba?”

“Medyo, halika na pasok na.”

“Dapat tumawag ka manlang, wala namang sanib mama ko eh.”

“Medyo nahihiya kasi ako, okay lang naman hindi naman sobrang tagal, ano ready ka naba?”

“Yes, I’m so ready, tara na.”

Ayun, sinimulan na namin ang biyahe papuntang Rizal, buti nalang talaga may sariling kotse si Kevin, hindi na namin kailangan pang magcomute, dahil baka sa sobrang pagod na susuungin namin eh hindi na kami makagulapay pagdating dun. Nakaupo ako sa tabi ng driver’s seat at syempre siya ang nagmamaneho. Makalipas ang mahigit dalawang oras narating na namin ang lugar, ipinarada ni Kevin sa malayo yung kotse pero tanaw namin ang nagaganap sa may entrada. May mga taong nagpupumilit pumasok pero pinipigilan sila nung mga sundalong nakabantay, nagiiniyak sila, siguro dahil may mga kamag-anak sila sa loob at nagaalala sila para sa kanila, napansin ko din sa may gilid na merong mga taong parang walang malay na isinasakay sa Ambulansiya, at lahat ng mga nandun ay nakasuot ng gas mask.

“Kevin, pano tayo makakapasok sa loob? Sobrang higpit ng pagbabantay nila para lang masigurong hindi kakalat yung virus.”

“Kakalat at kakalat parin naman yan sa totoo lang dahil Airborne ang sakit nayun, so once the wind blows, dala dala nito ang virus kung saan mang lugar ito pumunta.”

“Tama ka, pero bakit hindi naman nabalita yan sa T.V? Marami tuloy satin ang hindi pa nakakaalam.”

“They do not want to bring panic to the people, akala siguro nila madali nilang maha-handle ang sitwasyon, yung newspaper na nakuha ko galing yun sa kaibigan ko na matinik pagdating sa mga ganyang bagay, siya mismo nagprint out nun at binigyan ako ng kopya.”

Extraordinary YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon