Kinabukasan sa school…Naglalakad ako sa school ground papasok na ng lobby, pagpasok ko nakita ko si Seungwoo at Minhyun, yung dalawang kasama niya, nagbabantay sila sa may hallway pero si Jaehwan wala, nasan naman kaya yung bwisit nayun. Dumiretso ako ng room namin pero wala siya dun, ang ginawa ko nilapag ko muna yung bag ko at lumabas para hanapin siya, tumingin-tingin ako sa paligid, sumilip sa mga rooms, at naglibot-libot pero hindi ko siya makita. Wala paba siya? Dapat maagap silang lagi ah! Naglakad lakad ako sa Corridor ng school sa second floor, at ayun nakita ko siya sa may kabilang dulo na nakatayo at nakatingin sa malayo. Nilapitan ko.
“Hoy lalake!”
“Diba I told you…”
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at binato ko sa kanya yung jacket niya.
“Ayan! Yung jacket mo! Salamat ha!? Nilabhan ko nayan para sayo sir at baka magreklamo ka, yan lang talaga ang ipinunta ko dito at wala nakong pakealam sa’yo!”
Hindi ko na hinintay pang magsalita siya at bumalik na’ko sa classroom na nakabusangot. Maya maya din pumasok narin siya at kasunod na yung teacher namin sa first subject. Si Mr. Endoma, ang P.E teacher namin.
“Okay class, good morning!”
Tumayo yung class president namin, si Kevin, at nagbigay ng command.
“Everyone! Answer in chorus!”
“Good morning sir!” – Everyone.
“Sige, may gagawin tayo ngayon sa field, we will experience how ancient people do such games. Malalaman natin kung ano bang klase ng laro ang mayroon sila. Ngayon, magpalit na kayo ng uniform at dumiretso na kayo sa baseball field, dun tayo maglalaro.”
Pagkalabas ni sir nagsigawan mga kaklase ko.
“Yes!!”
“Cate, halika na palit na tayo ng damit.”
“Sige.”
When I stood up, I glanced at Jaehwan, ganun padin muka niya as usual, laging mukang natrauma. Inalis ko din agad ang tingin ko sa kanya at dumiretso na sa “Changing room”, then matapos magpalit dumiretso na kami sa field, pag dating doon pinahanay kaming lahat.
“Settle down… Okay listen, si Mr. Kim ang magbabantay at magtuturo sa inyo, busy kasi ako at ang daming pinapagawa ng principal sakin, ngayon nakiusap nga ako sa kanya nab aka pwedeng siya na ang magturo sa inyo ngayon, pinreview ko sa kanya yung notes para malaman niya ang gagawin. Sige aalis nako, walang magpapasaway ha?
“Yes sir thank you po.” – Everyone
Seryoso ba talaga si sir? Nakakabwisit naman oh! Bakit sa lahat ng pwede niyang atasan ito pang lalakeng robot na ‘to.
“Okay listen, do you see that doughnut-like thing over there?”
Sabay-sabay tumingin ang lahat sa direksyon ng kamay niya sa may kanan namin. Pagkakita ko may parang kahoy na bilog pero flat na nakasa lagay sa stand na mataas, may butas ito sa gitna na para ngang doughnut.
“We will play it somehow like in basketball, yung butas nayun ang magsisilbing ring, at itong hawak kong maliit na bola ang isho-shoot niyo. Mahahati kayo sa dalawang grupo at yun ang maglalaban, understood?”
“Opo” Sagot nila.
Ayun, hinati nga niya kami sa dalawang grupo at swerte ko naman at kagrupo ko si Kim, at napansin ko rin na sumama samin si Kevin kaya ibig sabihin pati siya.
“Sige, to explain the mechanics Ms. Agoncillo will help me.”
Ano? Narinig ko bigla yung pangalan ko na binanggit, lintik bakit ako?
BINABASA MO ANG
Extraordinary You
FanficThe story tackles the life of an intelligent girl who unexpectedly met a man with an extraordinary ability, which will bring her into an adventure, the adventure where her heart is the challenger.