Chapter 9

7 2 0
                                    


Dumaan ang maraming araw, lalo na’kong napalapit kay Jaehwan, mas nakilala ko na siya, ang pagkatao niya, sinabi narin niya sakin lahat lahat ng tungkol sa kanya, sa “Flame of Sapphire”, sa “Black Alamid”, at sa rason ng pagpunta nila sa school namin, nalaman kong nakarating pala sa “MALACANANG PALACE” na may banta ang “Black Obsidian” dito sa lugar namin, kaya pala nandun siya nung araw na nagkaron ng outbreak sa Rizal. Nalaman ko narin na pati pala sila Seungwoo at Minhyun ay member din ng FOS, nabanggit ko nadin ito kay Kim at hindi naman siya natakot, nasabi ko narin mismo sa kanilang tatlo na alam ni Kim ang tungkol sa kanila, sa una nabigla ako pero nang makilala ko din yung dalawa, natuwa ako dahil meron akong mga kaibigang may mga super power. Napakasaya niyang kasama kahit na may pagkamasungit padin pero ang cute cute niya pag nagagalit. Pormal ko narin siyang ipinakilala kay mama at minsan nakakapunta na siya sa bahay namin. Siya mismo nagpapaalam kay mama para lang makasama akong lumabas, okay lang naman sa kanya dahil sabi niya sakin alam nadaw niyang mabait na lalake si Jaehwan, na parang si Kevin lang. Nasimulan ko nadin yung bago kong research  topic at araw-araw rin akong nagreview para sa darating na Campus Quiz bee. Ang goal ko talaga ngayon ay mataasan ang Cluster 1, kaya naman talagang pinag-igihan ko ang pagrereview, I will do my best! Fighting!

Dumating ang araw ng Campus Quiz bee, pumasok ako ng maagap sa school, ewan ko ba talagang kinakabahan ako hindi ko malaman ang gagawin.
“Cate!! Beshy!! Eto na!!”
“Kim… I feel really nearvous. Parang ayaw ko ng tumuloy.”
“Ano namang hindi tutuloy oy! Tumigil kanga diyan! Kaya mo yan, kaya niyo ni Kevin yan, I believe in you guys. Kayo kaya ang top 1 and 2 ng Class A Cluster 2.”
“Wag kang kabahan Cate, magkasama naman tayo dun, hindi ka magisa, we can do this.” Sabi ni Kevin.
“Hayss lalo akong kinakabahan tange! Sige na nga tara na, baka malate pa tayo lalo akong kakabahan.”
Lumabas na kami ng room at bigla kaming nagkasalubong ni Jaehwan, kakapasok lang niya. Ngumiti siya agad nung nakita niya ko
“Cate, ngayon naba yung laban mo?”
“Ah oo, papunta nanga kami dun sa venue eh.”
“Ganun ba? Sige good luck ha? Kiss moko para swertehin ka.”
“Ay putris ka! Gusto mong itong sapatos ko ang lumapat diyan sa nguso mo?”
Kunwari naiinis pero sa totoo lang mamamatay na’ko sa kilig dito.
“Ah ano nga palang pangalan mo?” Tanong niya kay Kevin.
“Kevin” - Kevin
“Good luck namdongsaeng!” Sabi ni Jaehwan sabay ngiti.
“Sige Jaehwanie punta na kami.” Sabi ko.
Naglakad na kami papunta sa conference room, doon kasi gaganapin yung quiz bee. Bigla akong kinausap ni Kevin.
“Cate! Anong ibig sabihin nung ‘namdongsaeng’?”
“Ahh Korean word yun para sa bunsong kapatid na lalake. Ang function niya parang katulad sa ‘Kuya’ sa’tin, kahit hindi mo kakilala ganun parin ang sasabihin to give respect if you don’t know how to address him.”
“Wag niya nga akong ma-dongsaeng dongsaeng, kala mo naman sobrang layo ng edad ko sa kanya.”
“Sus! It’s only a sign of respect. Bilisan na natin.”
Nakarating na kami sa conference room, at pagpasok namin napakatahimik, marami naring participants ang nasa loob at nasa kani-kaniya ng pwesto, may pangalan na agad ng section bawat dalawang magkadikit na upuan, nasa may bandang likuran yung amin. Pagupo namin, I began scanning the room, checking their faces. Nandito na yung mga taga Class B to F, pati narin yung mga taga Class A Cluster 3, isang section nalang pala ang wala, ang Cluster 1. Himala ha? Ayun, lumipas pa ang mga minuto, kada segundong lumilipas tumitindi lalo ang kaba ko, kailan ba kasi magsisimula? Maya maya dumating narin yung representative ng Cluster 1, si Dexter at Maxene, ang top 1 at 2 nila. Lahat sa kanila nakatingin, mukang takot na takot sila na akala mo kapag natalo sila katapusan na nila.
“Okay, since all of the sections already have their representatives, we will start the Quiz bee now.”
Ayun, inexplain explain yung mga mechanics tsaka rules then nagsimula na. Unang subject ay Mathematics na halo halo ang topic. Inaabot ang Campus Quiz Bee ng mahabang oras dahil lahat ng General subjects ay kasama. Sa pagitan ng bawat subject may 10 minutes break. Dire-diretso talaga halos, hindi ka pwedeng malate sa next subject dahil literal na isinasarado ang pinto ng room at hindi ka talaga makakapasok kahit 1 minute late kalang. Napakahirap nung math, napakaraming topic ang hindi pa namin natatalakay na isinama. Kahit nagreview kami ni Kevin sobra talaga kaming nahirapan. Nang matapos ang Math, eto ang results…
1 – CAC1 and CAC2
2 –CAC3
3 – CB and CC
4 – CD and CE
5 – CF
Dikit ang laban, jusko first subject palang dugo na ang utak namin, grabe talagang hirap sobra. Walang nakaperfect, ang Cluster 1 at kami hindi pa umabot sa kalahati ang score. Nagpatuloy pa ang quiz bee, bawat subject napakahirap, kahit English na favourite ko. Eto ang mga rank ng CAC1 at namin…
“Social study”     “Filipino”       “English”
1 – CAC2                 1 – CAC1       1 – CAC1 and CAC2
2 – CAC1                 2 – CAC2
Eto na, katatapos lang ng English at huli na naming itetest ang Science, hilong hilo na talaga ako sa gutom, tinatanaw ko din lahat ng estudyante at naghihingalo nadin. Para na talagang bibigay ang katawan ko. Maging si Kevin at yung taga C1, parang hindi narin kakayanin. Wala talagang lumabas dahil takot silang hindi makasali sa bawat susunod na subject, pero ako talagang gutom na gutom nako
“Kevin, magrecess muna tayo. Hindi ko na talaga kaya.”
“Oo nga, ako din, bilisan nalang natin, ihing-ihi na pati ako.”
Tumayo kaming dalawa ng sabay at nagtinginan lahat, gustong gusto narin nilang lumabas pero natatakot sila, aba bahala kayo gusto pa naming mabuhay. Ayun lumabas na kami. Pinauna ko na si Kevin sa Canteen dahil sabi ko magrerestroom muna ako kaya ayun dumiretso agad ako sa loob. Nasa loob ako ng isa sa mga cubicles, mga ilang Segundo narinig kong may pumasok, sino kaya yun? Saan kayang section? Nang matapos ako lumabas na’ko ng cubicle at nagulat ako nang makita ko si Maxene.
“Maxene?”
“Anong ginawa niyo? Nandaya kayo no?, nandaya kayo kaya dikit ang score niyo samin, hindi lang pala basta dikit, parehas na parehas.”
“Ano bang sinasabi mo ha?”
“Siguro tanaw nyo mula sa pwesto nyo yung sagot namin kaya kayo nakakopya.”
“Hoy babae! Hindi kami bobo, matalino kami, we don’t tolerate such things like that. Bibili pa’ko sa Canteen, bahala ka diyan.”
Paglabas ko nakaharang si Dexter.
“San ka naman pupunta? Hindi ka pwedeng umalis.”
“Anong ibig mong sabihin?”
Nagsmirk lang siya. Maya maya naramdaman ko ang paghawak sa buhok ko ni Maxene.
“Aray ko Maxene! Bitiwan mo’ko!”
“Hindi ako papayag na mataasan ninyo kami, never, halika sumama ka samin.”
Sinimulan niya akong kaladkarin papunta sa Music room. Pilit niya akong hinihila eh sobrang sakit parang matutuklap ang anit ko, pagkapasok namin sinarado agad ni Dexter ang pinto at nilock. Tsaka pilit akong pinaluhod ni Maxene.
“Ano nanaman ba ‘tong pinaplano nyo ha?”
“Hahaha ikaw na ata ang tinatawag na matalinong tanga Cate Agoncillo. Wala ka talagang ka-ide-ideya sa gagawin namin?”
“I honestly don’t have any idea but since I’m pretty sure it’s another work of losers, I do not care.”
“Punyeta ka talaga!” Panggigigil niyang sabi.
Lumapit siya bigla sa’kin at sinampal ako.
“Dexter! Maghanap kanga ng panali dito sa babaeng ‘to.”
“Ano? Nasisiraan naba talaga kayo ha? Itatali nyoko para lang kayo ang manalo? Gawaing abnormal yan pare-prehas kayong may sapak sa ulo, yung section nyo.”
“Shut up!” Sabi ni Maxene
Nakakita na si Dexter ng pwedeng panali sakin at agad itong ibinigay kay Maxene.
“Hawakan mo.” – Maxene
“Wag mokong hahawakan! Sinasabi ko sa inyo ako mismo magpapatalsik sa inyo dito sa paaralan, makakarating ‘to sa principal.”
“Manahimik ka na, hindi mangyayari yang sinasabi mo. Alam mo pare-parehas lang tayong matatalino eh, ang problema sa’yo talunan ka, kaya ayan napapala mo.”
Pinilit kong magpumiglas pero hindi ko kaya si Dexter, siya ang pumipiit sa’kin habang tinatalian ako ni Maxene, I’m completely helpless right now. Sinibukan kong sumigaw pero tinakpan agad ni Maxene ang bibig ko at pinasakan ng panyo para d ako marinig. Unti unti akong napaiyak, hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ako naiiyak dahil sa masakit yung pagkakatali, naiiyak ako dahil sa hiya ko sa sarili ko dahil ‘di ko manlang maipagtanggol ang katawan ko.
“Tingnan natin kung makakapunta kapa sa last subjet.”
Nanatili lang ako sa ganung posisyon at tumalikod na sila at nagsimulang maglakad papunta ng pinto ng biglang bumukas ng sobrang lakas ang pinto, nawasak yung lock nito sa loob na para bang binangga ng truck. At sa labas, may nakatayong lalake, si Jaehwan, nagbalik yung muka niya sa usual, na walang emosyon. Dahan dahan siyang pumasok sa loob, at halatang halata dun sa dalawa ang pagkatakot.
“A…anong ginagawa mo dito?” – Maxene
Hindi sumasagot si Jaehwan, nakatingin lang siya dun sa dalawa, biglang naputol yung taling nakapulupot sakin, at agad kong tinanggal yung nakapasak sa bunganga ko. Tumakbo agad ako kay Jaehwan para pigilan siya, hindi siya pwedeng makita ng ibang ginagamit ang kapangyarihan niya.
“Jaehwan… itigil mo yan hindi nila pwedeng nalaman…” Bulong ko.
Pero hindi niya parin ako pinapansin. Hinawakan niya bigla ang kamay ko at dahan dahan akong hinila sa may likuran niya.
“Jaehwan please, don’t do it!”
Bigla biglang nagkagulo ang lahat ng gamit sa luob, nagkalampagan ang mga cabinet, nagpahagis hagis yung mga furnitures pati yung mga pan-display. Lalong tumindi ang pagkagulat nung dalawa sa nasaksihan nila.
“Cate, go back to the conference room, you still have 2 minutes… Now!”
Natakot taalaga ako kay Jaehwan, wala na’kong nagawa at sumunod nalang ako, tumakbo agad ako pabalik ng venue at nakaabot naman ako.

Extraordinary YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon