Chapter 12

18 2 0
                                    


The next day at the Malacanang Palace…

“This is the worst virus outbreak ever. The A-Virus that once spread throughout the province of Rizal is now a national problem, it already reached the entire Luzon because it is airborne, and just few minutes ago, there are already cases reported in some parts of Visayas, causing the whole country to be quarantined. No domestic and international flights are allowed. Everyone who is still alive, wear safety masks in order to prevent yourself from inhaling the virus.” - Reporter

Kumakain ako sa salas kasama sila Kim at mama habang nanonood ng balita. Sa isang araw lamang na lumipas, sobrang laki ng naging impact sa bansa. Sa isang iglap parang nagbago ang lahat. Sinabihan na kami mismo ng president na hindi kami dapat magbukas ng bintana o ng kahit na ano pang butas na konektado sa labas dahil baka makapasok ang hanging may dalang virus. Protektado kami as long as nasa loob kami ng palasyo dahil may air filtration system sa loob, hinihigop ang hangin mula sa labas at dadaan ito sa panlinis kung saan iniiwan ang mga virus na nakahalo sa hangin, then lahat ng nasa loob ay muling ilalabas, palitan lang ito.
Hindi umuwi si Jaehwan, alas-otso na ng umaga. Kahit may kapangyarihan siya hindi parin ako napapanatag.

“Anak, nagaalala ako para sa kaibigan mo, hindi pa siya nakakauwi, ano  na kayang nangyari dun?”

“Naku tita wag niyo po alalahanin yun, kaya na niya po sarili niya, sigurado ‘ko isang kumpas lang ng kamay niya taob agad ang mga kalaban.”

“Oo, nandun na’ko eh, kahit pa may kapangyarihan siya, hindi parin mawawala yung mga posibilidad, sana lang makauwi na siya.”

Lalo akong nagalala sa sinabi ni mama, gustong gusto ko na siyang makita. Hindi ako mapakali, pa'no kung kailangan na pala niya ng tulong? Tapos wala ako dun? Kailangan kong lumabas, alam kong napakadelikado pero hindi dapat ako pangunahan ng takot ngayon. Hindi matatapos ang araw, ipinapangako ko, magkakasama ulit kami ni Jaehwan. Hinintay kong matapos sa pagkain sila mama, nagpaalam akong kakausapin ang presidente dahil may importante akong sasabibin, pinayagan naman ako agad dahil panatag si mama dito sa palasyo. Bago lumabas, kinuha ko sa bulsa ng jacket ni Kim yung access card. Nasa labas na'ko ng kwarto namin, kahit saang sulok ng palasyo puro security personnels, jusko pa'no ko makakalusot? Tinitingnan - tingnan lang nila ako na medyo nagtataka, nasa loob nanga naman ng room namin lahat ng kakailanganin namin pero lumabas pa'ko. Maya maya biglang may humarang sa'kin.

"Ahh sa'n ka pupunta ma'am?"

"Ahh wala, ahhh hindi ba pwedeng nainip lang? At naisipan kong lumabas para maglibot-libot? Bisita kami ng presidente diba? Bakit mo'ko haharangin? Eh kung sabihin ko kaya sa kanya ginawa mo?"

"Ahh oo nga po pala, pasensya napo kayo ma'am, sige po feel at home. Pwede nyo pong libutin ang buong palasyo maliban sa kwarto ng presidente."

"Sige, salamat."

Hoo! Nakalampas ako my God, dito sa part na'to wala ng mga security na nakatambay. Kailangan kong dumiretso ng main door para makalabas jusko pa'no ko gagawin? Sumilip ako sa main door at merong dalawang nakatayong security personnel na kumakain ng turon. Ano ba dapat?.... Ah! Oo tama. Muli kong sinilip yung dalawang lalake, tiningnan ko yung nameplate nila at ang mga pangalanay Jomer Alcantara atPhilip Buenaventura. Lumabas ako sa pagkakatago.

"Ah excuse me, pwede pong magtanong?"

"Ah oo naman, tungkol po saan ma'am?" - Jomer

"Ahh inutusan po kasi ako ng presidente na tawagin daw yung Jomer Alcantara at Phillip Buenaventura may important daw po kasi siyang iuutos, kilala nyo po ba sila?"

"Ah naku ma'am kami po mismo yun, ako po si Philip Buenaventura at siya naman po si Jomer Alcantara." - Philip

"Ayy ganun po ba? Naku kailangan nyo napong pumunta at mukang mainit ang ulo niya, nasigawan nga po si general kanina eh."

Extraordinary YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon