Sabado...
(Ring)
Nagising ako sa alarm, pagtingin ko sa orasan alas-sais ng umaga, bumangon nako at dumiretso sa baba at nakita ko si mama na nagluluto ng agahan.
"Oh Cate! Wala kabang lakad ngayon?"
"Wala po ma bakit?"
"Wala lang natanong kolang."
Dumiretso ako sa lababo para magmumog at maghilamos. Tuwing alas-otso ng umaga ang pasok ni mama kaya naman may dalawang oras pa siya dito sa bahay. Hang matapos ako dumiretso na'ko sa lamesa at naupo. Nakahanda nayung pagkain.
"Anak, napansin ko lately lagi ka nalamang nakatulala, ano ba talagang problema anak?"
"Wala nga po ma, lahat naman ng tao natutulala minsankapag may iniisip, lagi lang nagkakataong nakikita nyoko."
Nanahimik bigla si mama at nagsimula na naming kumain... Maya maya bigla siyang natigilan at tumingin sakin na parang nagulat.
"Anak... Wag mong sabihing..."
"Ano ma?"
"Wag mong sabihing...”
“Ano nga ma!? Para kang tanga diyan."
"Sinong gumalaw sayo!? Jusko sabihin mo!"
"Hay naku mama! Napaka-oa mo kahit kelan nakakaasar ka, kumakain tayo ma tapos ganyan ang topic nyo."
"Ah hindi ba? Okay."
Hindi alam ni mama muntik na talaga... Time passed by at umalis narin si mama parapumasok sa trabaho. Ako naman naisipan kong maglakad-lakad muna sa labas, tutal wala naman akong gagawin sa bahay. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at nagsaksak ng earphone para magpatugtog, then nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Maya maya biglang may nakabangga sakin.
"Aray! Hoy!"
Nang tingnan ko, isang bata nasa edad 5 haggang 6, umiiyak siya, sinundan ko siya ng tingin at dumiretso siya dun sa isang puno. Naglakad ako palapit sa kanya para malaman kung bakit siya umiiyak, at nung makalapit na'ko bigla siyang tumingin sakin.
"Ate! Ate! Kunin nyo po yung pusa ko sa puno baka po mahulog please po."
"Pusa mo? Teka nasan?"
Lumapit ako dun sa puno at nakita koyung kuting na nasa pinakataas, delikado yung lagay niya dahil anytime pwede siyang mahulog.
"Teka bata pano naman napunta yang pusa mo diyan sa taas ng puno ha?"
"Dinala ko po kasi siya para igala kaya lang nakakita po kami ng aso kaya siya nagtinakbo at umakyat sa puno."
Patuloy sa pag-iyak yung bata at ako naman natataranta na dito sa kinatatayuan ko, ano ba yan anong gagawin ko?
"Ah sige sige, ganto nalang, wag kanang umiyak okay? Kukunin ni ate yung pusa mo, ililigtas ko siya, saglit lang... Ngayon, paano nga ba?"
Nakakita ako ng mahabang kawayan na nakatusok sa lupa, pangbakod siguro pero nasira na. Pwede na siguro 'to... Hays hindi! Baka lalo lang malaglag yung pusa, jusko naman anong dapat kong gawin? Umakyat? Hays!! Hindi ako marunong umakyat ng puno, baka mauna pa'kong mamatay sa kanya.
"Ate! Bilisan nyo po!! Natatakot na siya."
"Oo nga teka lang! Natataranta ako sayo eh... Eto na aakyat nako."
Ibinaba ko lahat ng dala ko pati yung cellphone at sinimulan kong umakyat. Ang hirap grabe dumudulas ako, pinilit ko pading makaakyat at ngayon konti nalang maaabot ko na yung kuting, my God totoo ba 'to? Nakaakyat ako ng puno. Tumaas pa'ko ng konti at nung malapit ko ng maabot yung pusa dumulas yung paa ko, jusko nakabitaw ako, ramdam na ramdam ko yung pagkabitaw ko sa puno pati narin yung paglaglag ko at nung malapit na'ko sa lupa bigla akong tumigil, para bang may pumiit sa pagbagsak ko sa lupa, kitang kita ko na nakalutang ako, hindi ko maintindihan ang nangyayari. Nakita ko yung muka nung bata at gulat na gulat din siya sa nakita niya. Nakita ko bigla na may nakatayo ilang hakbang lang ang layo sa'kin at nung tingnan ko yung muka...Si Jaehwan... Nakataas yung palad niya at nakaharapito sakin. Hindi ako nabigla nung nakita ko ang ginagawa niya, what shocked me is the fact that he used his power in public, and in front of a child. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang unti-unti kong pagbaba sa lupa, nakatingin lang yung bata sa kanya na muka paring hindi makapaniwala sa nasaksihan niya. Nang maabot na ng paa ko yung sahig, I saw the cat floating in the air and moving toward his hand, at hang makuha niya 'to ay agad niyang iniabot dun sa bata.
"Ahh bata, wag monang dadalin yung alaga mo sa labas sa susunod ha? Kasi baka sa susunod wala si kuya dito para iligtas ulit siya, sige ka baka mawala yang alaga mo. Gusto mo bayun?"
BINABASA MO ANG
Extraordinary You
FanfictionThe story tackles the life of an intelligent girl who unexpectedly met a man with an extraordinary ability, which will bring her into an adventure, the adventure where her heart is the challenger.