Chapter 4

15 2 0
                                    

Mabilis lumipas ang maigsing bakasyon at ngayon Martes na. Hindi kami nakapagusap ni Kevin, nasayang yung ilang araw na walang pasok pero hindi ko narin talaga siya chinat tungkol dun kasi baka may iba siyang ginagawa, mahaba pa naman ang panahon namin eh. Pumasok ako ng maagap ngayon, alas-siete ang time ng klase pero nakarating ako sa school ng 6:15, ewan ko ba basta ginaganahan ako ngayon. Naglalakad na’ko papasok ng mismong building, tumitingin tingin ako sa paligid pero wala pa’kong nakikitang estudyante, pagpasok ko ng room namin, wala padin akong kaklase kaya naisipan ko nalang na lumabas muna. Dumiretso ako sa garden at doon nakita ko si Kevin na nakatayo at nakatingin sa malayo.

“Kevin! Ang agap mo din pala.”

Tumingin siya sakin pero hindi niya ako sinagot at tumingin ulit siya sa malayo.

“Uy, may problema ba?”

Nagbuntong hininga siya bago sumagot.

“Cate, yung nangyari kahapon… Nakita morin yun diba?”

“Ahh oo, pero wag monang alalahanin yun, I’m sure those crazy students from Cluster 1 pranked us, hindi naman talaga totoo yun.”

“Totoo yun.”

Nabigla ako sa sinabi niya kaya napatitig ako sa kanya.

“Anong ibig mong sabihin?”

“That man we encountered, he is a member of the so-called ‘Flame of Sapphire’.”

“Flame of Sapphire?Ano yun?”

“Isang organization na binuo sa Korea, na ang misyon ay lumaban para sa pamahalaan, isang sikretong pinaka-itinatago nila.”

“Teka nga naguguluhan ako eh, ano bang meron sa organisasyon nayun? Tsaka bakit nila itinatago?”

“Dahil hindi pwedeng malaman ng publiko kung anong klase ng mga tao ang miyembro nito, they have exceptional and extraordinary ability that a normal human doesn’t have. They can manipulate all the matters that we can see, touch, and feel. Kaya nilang pagalawin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng isip nila, kung malalaman ito ng mga tao, malaking gulo, maraming magkakainteres sa kanila.”

“Totoo ba talaga yan?You mean, they have telekinesis power? Eh bakit kailangang ganun pang klase ng mga tao ang dapat na lumaban sa pamahalaan?”

“Dahil matindi ang kalaban nila, ang pinaka-malaking samahan ng mga sindikato sa buong mundo, ang ‘Black Alamid’, napakatinik nila, lalo na ang leader, never pa silang natrace sa mga krimen nila.”

“Eh teka, bakit nasa Pilipinas yung lalake? Akala koba organisasyon sa Korea?”

“Dahil pinaniniwalaan nilang nandito sa’tin ang pinakang pinuno, at saka hindi lang dito nagpapadala ng mga tauhan ang FOS (Flame of Sapphire), maging sa Amerika, at sa iba bang karatig bansa, at binabayaran sila ng malaki ng gobyerno para lang pagsilbihan sila.”

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Kevin, grabe hindi ko alam na may mga ganun palang klase ng tao na namumuhay dito sa mundo kasama namin, nakakatakot. Alam kong hindi siya nagsisinungaling dahil wala sa bokabularyo niya yun bilang Top 1 ng Class A Cluster 2.
“Eh sino yung mga umatake satin? Mga tauhan din ba ng government yun?”

“Hindi ko alam, imposibleng sa government yun dahil hindi sila kakalabanin nung FOS member kung kakampi sila, siguro miyembro din sila ng Black Alamid.”

Bigla kaming natahimik ng sandali bago siya muling nagsalita.

“Galit nag alit ako sa FOS.” Bigla niyang sinabi.

“Galit?Bakit? Ano bang ginawa nila?”

“Dahil sa kanila namatay ang mga magulang ko nung bata pa ‘ko. We were on a family vacation, ako lang, si papa, at si mama. We were on our way to our destination ng biglang may tumagilid na Ten wheeler truck dahil sa tuling ng pagpapatakbo ng driver, sa mga oras nay un, nandun ang dating presidente, nakasakay sa sasakyan niya, nung makita nung isang FOS member na tatamaan na  nang truck ang presidente, ginamit niya ang kapangyarihan niya at inilihis ng direksyon ang truck kaya samin bumangga, dead on the spot silang pareho, at swerte akong nakaligtas. Bumaba sa sasakyan ang presidente at binigyan ako ng pera. Galit nag alit ako sa mga oras nayun, ano ba sa tingin nya? Na kayang bilhin ng pera ang buhay ng mga magulang ko?”

Extraordinary YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon