Chapter 5

16 2 0
                                    

Kinabukasan sa school…

I am heading my way to the lobby, marami naring estudyante ang nagsisipasok, maya maya habang naglalakad may napansin akong nakasabay ko ng lakad, ng tingnan ko tumingin din siya, si Kevin pala. Nginitian ko lang siya at ganun din ang ginawa niya at sabay kaming naglakad papasok ng lobby, nang nandun na kami…

“So what’s up? Kamusta ang ginagawa nyo?”

May nagtanong, nang tingnan ko si Maxene pala, ang top 2 ng cluster 1, nakasandal lamang siya sa pader at nakangising nakakaasar. Sa section nila, top 3 si Brandon at ang top 1 nila ay si Dexter. Napatigil kami bigla sa paglalakad.

“Are you up to something again?” Balik na tanong ko.

“Well, brandon told me that you went there too, ano ba ang iniisip nyo? Hindi bagay sa inyo ang mga ganung broad and difficult studies because your intelligence isn’t enough to handle them.”

“Don’t start, Maxene.” Nanggigigil kong sabi sa kanya.

Bigla akong hinawakan ni Kevin sa braso.

“Halika na.” Sabi niya.

Naglakad na kami paalis pero humabol pa si Maxene.

“Ayan! Ganyan nga! Just like what you always do, ang umatras, wala talaga kayong mga kwentang kalaban.”

Talagang nanggigil ako sa sinabi nya pero piniit ko ng todo ang sarili ko para lang hindi magsimula ang gulo at dumiretso na lang kaming dalawa ni Kevin sa room. Pagdating namin, marami na rin yung mga kaklase namin, pagupo ko lumapit agad sakin si Kim.

“Cate! Kamusta na yung research mo? Ano ng topic ang pipiliin mo ngayong naghiwalay na kayo ni Kevin?”

“Hayss ewan ko nga eh, ayaw ko munang isipin yun.”

Hindi nako nagsalita pa pagkatapos ko yung sabihin at tumingin nalang ako sa bintana, nasa second floor ang room namin kaya naman tanaw na tanaw ang kabuuan ng school ground sa bandang harapan. Iniisip ko parin yung nagyari kahapon, natatakot padin ako sa tuwing maaalala ko.

“Uy! Ano may problema kaba? Bakit bigla kang nawalan ng imik diyan?” – Kim

“Kim… kasi… alam mo, muntik na’kong mapagsamantalahan kahapon.”

“Ha? Ano?Bakit? Ano bang nangyari?”

“Kasi pupunta dapat ako sa drug store na pinagtatrabahuhan ni mama para sabay kaming umuwi kaya lang may dalawang lalakeng humarang sakin, takot na takot ako Kim, iyak ako ng iyak walang tumutulong sakin dahil walang nakakaalam, tinutukan pa nila ako ng patalim at napunit pa damit ko.”

“Jusko Cate, eh anong nangyari ha? Teka alam ba ng mama mo yan?Sinabi mo ba?”

Bigla akong napaiyak.

“Hindi eh, hindi ko sinabi sa kanya.”

“Bakit hindi mo sinabi ha?”

“Okay lang naman hindi naman natuloy eh, gratefully may tumulong din sakin, akala ko talaga katapusan kona, tsaka ayoko ng bigyan pa ng problema si mama.”

She stretched her arm and placed it on my back to comfort me.

“Eh sino naman yung tumulong sayo?”

“Yun nga, hindi ako makapaniwala Cate, siya rin yung lalakeng nagligtas samin nung pumunta kami sa Rizal.”

“Ano? Sigurado kaba?”

“Oo, siguradong sigurado na ‘ko, napag-isipan ko nayan kagabi, may tattoo siya sa kamay na kaparehong kapareho nung dun sa lalakeng tumulong sakin kahapon.”

Extraordinary YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon