Dedicated to Vismine30ention a
Xyril POV
Nandito ako ngayon sa aming bahay kasama ang aking mga magulang sa hapag kainan
"Xyril kamusta naman ang iyong pag-aaral?" tanong sa akin ni Papa habang kumakain "Ok naman po Pa medyo mahirap kasi madaming require-ments" sagot ko sa kanya
"Balita ko may award ka noong Graduation nyo!" sabi nya habang ngumunguya "Opo Pa" tipid kong sagot
"Tapusin mo ang kumain at may pag-uusapan tayo Mamaya" sabi nya na may halong galit bigla naman akong kinabahan sa kanyang sinabi.
"Opo Pa" tipid kong sagot.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta naman ako living room dahil gusto nya akong kausapin.
"Halika tabi tayo"sabi naman nya kinakabahan ako kung ano ang gagawin sa akin ni Papa.
"Anak wag kanga mahiya siguro time na para magtapat ka ng iyong nararamdaman" saad nya sa akin.
"A-ahhh Pa hmmm.." nahihiyang sagot ko "Anak sige ilabas mo yan" usal nya sa akin "Pa B-bakla p-po ako!" ang sabi ko sa kanya.
Halata ko ang ha ndi pag-kabigla ni Papa pero makita ko naman syang ngumiti "Anak tanggap ko kung ano ka at kung among meron ka" sambit nya
"Kung ano ang iyong gusto doon kami masaya"parang naiiayak na ako "Halika nga lumapit ka sa akin dahil na miss kita" lumapit naman ako sa kanya
"Bata ka palang alam na namin ng iyong Mama na may kakaiba kang hindi normal na lalaki" saad nya "Sa una hindi ko tanggap na bakla ka pero pina-intindi sa akin ng Mama mo" ang sabi nya "P-pa sorry po kung hindi ko sinabi sa inyo kung ano ako" sagot ko habang tumutulo ang aking mga luha.
"Tanggap namin kung sino ka wala kaming magagawa dahil nararam-daman mo yan at wala kaming karapatan upang husgahan ka" usal nya "Pa maraming salamat po kasi tanggap nyo ako" iyak kong sabi.
" Walang anuman anak kung may problema ka wag kang mahiya mag-tanong o lumapit sa akin ni Mama andito lang kami para sa sayo" sabi nya sa akin.
"I love you Pa" saka ko sya hinugkan "Basta mag-ingat ka sa sarili mo lalo ba't sa susunod ng linggo ay aalisa na ako pinapabalik na ako kasi ng agency ko" saad naman nya "Opo Pa mag-ingat po kami nila Mama at si Zed" sabi ko naman sa kanya.
"Ohh sya matulog kana at may pasok kapa bukas, Good night anak" sambit naman ni Papa nag ok sign naman ako sa kanya.
Sid POV
Maaga akong gumising ngayon dahil ito ang araw ng pinakahinhintay ng lahat ang Prom Night kasama ko ngayon si Louise para kunin ang aming damit na nirent namin.
Kulay Black na toxido and white long sleeve ang kinuha ko with Red tie para magandang tignan pag-gabi and si Louise naman ay blue toxido and white long sleeve and black tie ang kinuha nya at bumagay nga ito sa kanya.
Well tinatanong nyo kung may partner na ba ako well may napili na ako abangan nyo nalang ako sa red carpet Mamaya.
Nakaramdam ako ng pag-kabigla nang malaman kong mag-susuot nga gown si Xyril. Kaya pinaghandaan ko ito para sa kanya.
Kaya maaga akong gumising para magpa-pogi para mamaya ay mapansin nya ako.
Sa ngayon ay andito ako ngayon sa function hall tumutulong ako ngayon sa pag-aayos para sa Prom Night mamaya.
Red and Black ang motif design ng Prom Night namin. Madaling sabi maganda ang kinalalabasan ng Prom mamaya.
"Clarize ang engrande naman pala ng design na ginawa natin" sabi ko kay Clarize habang nagdedecorate kami "You know it's just like a fantastic ball for us this night and I can't wait to see kung ang ng magiging reaction ng mga pupuntahan mamaya" sagot naman nya.
BINABASA MO ANG
The Perfect Stranger of Mine❤️ (COMPLETE)
RomanceNo. 41 Perfect out of 1.48K stories No. 173 Love Wins out of 1.18 K stories No. 796 BoyXBoy out of 6.41K stories No. 159 Happiness out of 5.23K stories No. 200 Boyslove out of 1.14K stories This story is for all not only for LGBT but for all read...