Chapter IV

43 3 0
                                    

  “Jonathan?” Nagulat ako dahil hinihintay niya pala ako. Ang nakakainis ay inakbayan ako ni Nicholas at sinabing boyfriend ko daw siya. Si Jonathan ay di napigil ang selos at sinuntok si Nicholas,Ayan Nick kayabangan mo.Bestfriend ko nga si Nick pero minsan kung ugali niya ay parang nakadrugs hinahayaan ko nalang siya.Maraming nagsitinginan samin kase Hot vs Hot.

  Nakita nila Claudette,Angeli,Christopher,Klein,at marami pang iba ang nangyayari. May mga nagbubulungan pa ngang ako ang malandi eh.

“Guys, Stop na please! You're already making a scene.” Lumapit samin si Claudette at sinabi yon, sabi ko na nga ba umiiral nanaman ang kalandian niya, tsk tsk.  Napaatras nalang si Nick at nagbabay sakin. Habang pinupunasan ang dugo mula sa labi niya.

“Hay Jonathan! Lagot ako! Dapat di mo na pinatulan! Alam mo namang bestfriend ko si Nick at lahat ng nakikita niyang lumalapit sakin na lalaki ay pinipikun niya eh!” Nagtabi muna kami ni Jonathan sa klase para kausapin. Yumuko nalang siya at di na nagsalita, May mga chismoso at chismosang sumisilip samin sa likod kung ano nang nangyayari. “Oy ano nanamang kalandian na nangyayari here??” Sabi ni Michael na gay friend ko. “Shuddup okay? Second day oh! Gulo na pinasukan!” Inexplain ko kay Michael. At nanahimik narin siya. Ang hirap ng life kung yung bestfriend mong loko loko/kapitbahay/ mahal mo ganun ugali. Gumawa pa talaga ng scene eh! That's why sometimes his attitude annoys me. End of the class di na ako kinausap ni Jonathan, nag-aalala na ako..pagkaraan ng 1st week, ganun padin ayaw ako pansinin..bakit kaya?

  Weekends!  Sumisilip ako sa balcony nila Nick at nandun siya so lumabas ako sa balcony namin.

“Uy! May kasalanan ka sakin!” Sigaw ko. Buti na nga lang walang nakakarinig eh. “Yes,My Princess anong kasalanan ko sayo?” Nagpapacute eh di na eepekto sakin yan kasi naiinis talaga ako sa kanya. “ PRINCESS mo mukha mo ! Wala ka nang gagawin dapat kung may bagong lalaki sa buhay ko okay??.” I command him at susundin  naman daw niya. Then its clear. “HAHA nakakatawa kaya mukha niya haha!” Tawa siya ng tawa na parang wala nang bukas. “Tangeks katalaga! Nanliligaw sakin yun!” When I said that he froze. Tumalikod nalang ako at pumasok. Sumisilip parin ako sa sliding door na nakatapat sa balcony nila. I still watching him froze. Di ko na kaya pagka froze niya at binuksan ko ulit ang sliding door at binatuhan siya ng junkfood na kinakain ko.

Sa wakas gumalaw na siya at di na umimik.

Hay Nick past na yun ah! Yung sweet tayo sa isa't isa atsaka lagi tayong sa clubhouse. Pero bat ganun?? Parang hinihila mo ako pabalik?

  Umupo nalang ako sa kama at sinuksok ang earphones..

Now playing: No Erase

   Kay tagal din na ito'y kinikimkim

Kung sasabihin ba ay diringin.

Aaminin ba ang tinatagong lihim

Pag-ibig mo ay taging kong hiling

Parang isang pagsusulit

Nabawal magbura

One seat apart walang kopyahan

Pag-isipang mabuti

Pagkat-isang tanong lang naman.

Bakit ang kanta nakakaintindi pero bakit ang isip natin nagugulhan sa mga taong mahal mo?

Sana nga Nick realize na mahal niya din ako.

*KNOCK KNOCK*

*Yawn*

“Yes?” Antok na antok na tanong ko.

“Kaithlyn may bisita ka.” Sabi ng katulong namin. Tumingin ako sa orasan..sinong bibisita sakin ng ganitong oras?? Nag-ayos nalang ako at nagpalit ng damit. At lumabas na at bumaba at dun ko nakita si Jonathan.

“O Jonathan? Napadalaw ka.” Nakakahiya dahil may dala siyang boquet of flowers, Yep, its pretty old. At napansin kong pumasok si kuya Matt mula sa labas at kinuha ang bulaklak kay Jonathan. “Si ate mo?” Nakangiting tanong niya. Ay akala ko sakin yung bulaklak. Di pala. “Tulog pa eh.” Matipid na sagot ko at umupo nalang ako sofa. “Gisingin mo na! Mall tayo!” Bulong niya, di naman siya galit noh? Sakit sa tainga eh. “AHH sige ligo na ako at gigisinging ko na.” Dali dali akong umakyat at pumunta sa kwarto ni ate. Nasa Cr na siya naliligo, Ahh ibig sabihin pala nandun siya sa hagdanan nung kausap ko si Matt. Hmm Pero paano niyang nalaman na aalis? Hay life. Umupo nalang muna ako sa kama ko at kinapa ang bulsa ko para kunin ang phone ko. At nakita kong 1 message received.

   1 message received

From: Nicholas Dominguez

  Clubhouse tayo mamaya? :))

  Wow himala nag-aya at bad luck di ako pwede dahil nga aalis kami.

  To:Nicholas Dominguez

Ayyy wrong timing ka alis kami nila Jonathan.

Tapos di na siya nagtext, so sad. Hay makaligo na nga at mag-ayos ng sobra.

Pakatapos kong maligo naghanap na ako ng magandang damit at naisip kong mag-dress..so I picked the floral one. Pagbaba ko na pa nga-nga si Jonathan..and kuya Matt too, syadong na ba akong maganda?? Bwahahaha. Siniko ako ni ate Angela at sinabing “Kumain ka ba ng cringles?? At di pantay ng pagkalagay mo ng pulbos.” HUH?? So that's why they're looking at me.

Ano Ba Talaga Ang Nadarama?(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon