Chapter II

69 5 0
                                    

  “Tayo lang ba kakain?” Tanong ko kay Nicholas na patuloy na nakangiti sakin. Nag-aangalan ako dahil daming tumitingin sa kanya, At napansin kong pati si Jaime nakatitig sa kanya at nakakunot noo( TUP at AU ay Magkalapit lang) wait! Is she jealous?

Mind Your Business Tagroza! My mind keep bugging me about my feelings for Nick pero bat ganun?? May other side ng utak ko na nagsasabi na mind your business? Kung lagi ka nalang nababahala na bestfriend kalang at wala ka na sa love thing niya.

  “Umm kasama natin si Hilary” tuwang tuwa nasabi niya. Yes! I missed my bestfriend di na siya nagtetext sakin eh, kaya worried ako. Si Hilary ang nag-uupdate sakin lahat ng kalokohan na nangyayari sa TUP lalo na kay tungkol kay Nick.

   Binuksan ko ang pinto nang kotse ni Nick at nakita si Hilary na sobrang saya. Namiss niya rin yata ako, Haha. Bigla ko siyang binatukan. “Ow! Bakit Kaithlyn? May ginawa ba akong masama ha? Ha? ” Irritang irrita na tanong niya.

“Di ka man lang nagtext!” Sigaw ko, Pinipigilan na ako ni Nicholas, nahalatang pinipigil ang tawa.“Busy ako at walang load sister!” So that explain it. So di ko na kailangan maging worried

  Bumaba na kami sa tapat ng Mc.Do at nag-order na. Habang naghahanap kami ng mauupan for three persons at sinwerte kaming nakakita agad kaming umupo dito at nag-open ng topic.

“So Nicholas..umm musta naman kayo ni Jaime?” Tinanong ko siya as a curious question, Napatigil siya sa pagsip-sip ng float at nalungkot.

“Ano kasi eh...,Binusted ako.” Nakakalungkot makitang malungkot yung bestfriend mo at mahal mo diba? So sabi ko nalang sa isip ko..Kaithlyn don't be flirty. “And I knew na di naman talaga magiging kami, because I was courting her for what? About one year but I thought na kaya niyang umabot sa pagiging magkarelation. But I was wrong.” Nagsalita ulit siya at pinunasan ko nalang luha sa mata niya, si Nicholas?? Umiiyak?

“Hmm...so ano role ko dito?” Nagpatawa na si Hilary kasi alam niyang affected rin ako. “Kumain ka nalang.” Sinuksok ko french fry sa bibig niya at tumawa nalang kaming tatlo. After namin kumain ay lumabas na kami at nagkahiwalay hiwalay, si Hilary kasi ay nagdodorm malapit sa TUP so ayun nga. Di na siya sumabay samin, Nag-offer ng ride si Nicholas at syempre 'follow your heart' eh di nag-yes ako. Nung nasa SLEX na kami at malapit na kami sa Sta.Rosa ay ginising ko na si Nicholas who look tired, May naalala akong sabi ni Mommy na hanggang 8:00pm lang daw ako at pag nakita nila ate si Nick magagalit yon so I suggest na sa kanto nalang ako ibaba, nagtaka naman sila dahil bakit ayaw ko daw magpahatid, He doesn't know na ayaw makita nila parents si Nicholas, Sinabi ko nalang may bibilhin pa ako sa tindahan.

Kailangan kong mag-isip ng bibilhin para di siya magalit na nagsisinungaling lang ako.

Then may naisip akong bilhin na pagkain.- Yes, I'm inlove with foods too-

Napansin kong 7:50 na kailangan kong magmadali. Saktong may five minutes pa akong excuse para makabili, bumaba na ako sa kanto at dumiretso na sa tindahan, at umuwi na..I saw him staring at me from their balcony. I just smiled at him and mouthed 'Thanks'.

Pagpasok ko sa bahay di nagalit si mommy dahil di panaman eight o'clock at may two minutes before time pa.

“Oy bunso saan ka napadpad? At 4 hours ka nawala?” Pagpasok na pagpasok ko ayun na ang sumalubong na tanong. “Ay ate sa Mars.” I answered her..I know that answer can insult to others pero pagod na talaga ako at gagawa pa ako ng schedule dahil nag-woworkshop rin ako paminsan minsan.

“Ganun?? Eh ang pagkakaalam ko may date ka ata ah?”

 

  “Anung date ka jan? Eh tatatlo kami, Anu yon susubuan ng pagkain yung isa tapos ako??” I just confessed, Bwiset naman! I didn't stop my temper.

“Haha sissy you should be get dress.” She laughed tapos naging seryoso. “Where are we going?” Binaba ko na gamit ko sa kama ko at napansin na may nakahandang magandang damit. I'm too tired pero aalis nanaman??

“Didn't you know na yung school ko nung High school ay magkakareunion tapos ang theme "Royal" something soo ayan!”

“HUH?? Bat kasama ako? Eh wala namang akong kakilala dun eh.” Pinagtataka ko excuse me..gabi na oh! Alangan naman makikiparty pa ako eh may pasok bukas. Hayss

“Wag ka mag-alala sinabi ko na kay mommy naisasama kita, atsaka lahat ng ka batchmate ko ay may kasamang kapatid or relatives na kasing age mo HAHAHA”. Ang bait na ate noh? Ipapamatchmaking ako.

I just followed her order at nagshower at nagbihis na ako. I have Black dress with diamond on it. Nag make-up na ako dahil sabi ni ate kailangan..atsaka dapat yung pagmakeup di talaga kami makikilala. Tapos ayun lumabas na ako nang bahay at sasakay na ako ng kotse nang nakita ko si Nick na naguguitara at napansin din niya ako at kinindatan niya ako.That shut me up

Ano Ba Talaga Ang Nadarama?(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon