Chapter 22 Dark Secret

69 4 2
                                    

PS: Kung mas feel niyo po ang may music background.. you can play Dirty Little Secret sa gilid po. By: The All American Rejects - ENJOY!!  

_________________________

Savannah's POV

Nasa biyahe na kami. Nagtext na lang ako kay Ashton na next time na lang kami lumabas. For sure, mahabang speech ang ihahanda ko para ipaliwanag ang lahat ng ito.

"Are you okay?" at nilagay niya ang kamay niya sa noo ko. Bumalik na ako sa sarili ko nang gawin niya yun. Busy kasi ako sa pag-iisip ng mga dahilan na sasabihin ko kay Ashton.

"Oo naman, tanggalin mo nga yan." at inalis ko ang kamay niya sa noo ko. Niliko niya ang kotse niya sa tabi at dahil dun muntikan na siyang makabangga ng kotse.

"Daren!" pasigaw kong sabi.

"What the fuck are you doing, Ana? I thought you're sick or something." humarap siya sa akin at kita ko sa mukha niya ang pag-aalala. He brushed up his fucked-up messy hair. Hindi ko alam kung bakit kahit galit siya, napaka-hot niyang tignan. 

"Saan mo naman yan nabalitaan? Saka pwede ba, magdahan-dahan ka" mataas ang boses ko. Masiyado akong kinabahan baka madisgrasya kami ng wala sa oras. Saka ayokong ipakita na nagsisinungaling ako pero wala eh, halata ako masiyado.

"Paul texted me. Damn, Ana! I don't really care if you're my fake girlfriend, but knowing that you're not feeling well, fuck! It's very rare for me to feel this." and that's it... Napayuko siya sa manibela. 

Anong gagawin ko? Wala akong maisip kung anong sasabihin ko. Kaya pala, nang makita niya ko, kaladkarin niya ko, ay ganun na lang ang pag-aalala niya. Thank You, my subconscious says. Maya-maya pa ay pinaandar na naman niya ang kotse.  Tahimik lang kami sa buong biyahe. Neither of us break the silence. Hour passed at nandito na kami sa tapat ng isang condominium. It's big and elegant. 

Bakit niya ako dinala dito?

Pinagbuksan niya ako ng car door at hinawakan niya ang kamay ko. Nabigla ako nang ginawa niya yun. Holding hands while walking... isn't it great?

"Just keep calm and hold my hand. Nothing's gonna happen." deretso lang ang tingin niya.

"Ilang babae na dinala mo dito?" sarcastic kong tanong sa kanya. Syempre, anong aasahan mo sa playboy, I bet madami na siyang nadala.

"You're the first girl I brought here. And I love first, Ana." nakangiting sagot niya sa akin.

"Oh really? A playboy like you should not deny it. Just say it, I won't judge."

"A girl like you should punish with a kiss in public so you could tell if I'm stating the fact." he smirks. OKAY tatahimik na lang ako.

Elegante lahat ng mga nakakasalubong ko. Mga naka formal attire, may mga foreigners, at halatang may kaya ang lahat. Ako? Naka-uniform lang. What a posh attire. Tahimik lang kaming sumakay sa elevator.

May mga lalaki ding nakisabay at halatang magara. Lalong hinigpitan ni Daren ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nakakainis to, kinakabahan tuloy ako sa ginagawa niya. Huminto ang elevator sa 23rd floor. 

Kinakabahan akong pumasok sa condo niya, I have no idea kung anong gagawin ko dito sa The Viceroy Residence at Mckinley Hill, yan ang pangalan ng building na ito. It’s a condo building with everything a billionaire bachelor would want. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kayaman si Daren. Wala naman akong kilalang Anderson na mayayaman. Maybe they already existing and yet very mysterious. 

His place was very spacious minimalist and has a living room designed with smooth white ceiling and natural look of concrete floor and elegant boarded black wood walls and unframed full length window. Nandito na rin ang dining room at may piano siya. Sa kitchen, sobrang linis, they all classified in black color.

Rules with Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon