Chapter 7 Yna's Curiousity

126 5 0
                                    

Yna's POV

"Here's the next one!" sigaw ni Tifanny. 

"Okay!" Sigaw ko naman. Binato na niya ang bola sakin. Nagttraining ako ngayon ng volleyball. Wala pa namang ina-announce na tournament for this year. 

"Take that!" Sabay pala ng bola.

Love na love ko ang volleyball ever since. Wala lang din reason kung bakit basta happy ako kapag nakakapaglaro ako. Si Tifanny ang team captain namin. Maganda siya at sobrang bait. Very sporty person kaya nga hinahangaan ko siya kahit minsan inaaway ko siya. Friendly fights naman yun eh, ang saya lang kasi niyang asarin.

"That's it!! GO YNA MY LOVES!!" sigaw ni my loves Keith.

"Go Yna! GO GO GO Yna Go!" sigaw naman ni Kenneth. 

"DO YOUR BEST MY LOVES NI KEITH!" sigaw din ni Karlo. 

Grabe ah! Cheer na cheer itong si my loves ko at ang kulit nitong 3 kings na to. Bakit ko sila tinawag na 3 kings? Dahil nagsisimula ang first letter ng name nila sa "k". Oh di ba? saan pa kayo?

Ang pogi kong my loves na si Keith Alvarez. Madami ding nagkaka-crush diyan. Nasa level siya ng pinsan kong si Daren pero wala e, masiyadong tumataas ang level ni pinsan. 

Chinito siya at tan ang color ng skin niya. Medyo manly figure at kissable lips. AYY! Ayoko na nga. Di ako makakapag-concentrate nito. Aaminin ko, patay na patay ako kay my loves pero ginagamit ko pa din ang utak ko. Number 1 RULE yun girls!!!! 

Nandito na nga pala kami ngayon sa powder room. Last round na kasi ng training namin kanina at 5pm na. Ka-team mate ko din pala si Krissy. Magaling din naman siyang maglaro at ang nakakabilib dun, natuturuan niya ang mga newbies at may malaking potential siya maging team captain. 

Malapit nang grumaduate si TIfanny. This year na ang graduation niya at iiwan na niya ang Easton College kung talagang mapapasa niya lahat ng subjects niya haha! Ang harsh ko talaga sa kanya. 

Medyo curious ako kay Krissy kasi, sa 2 years na magka-teammate kami at magkaklase, wala ni isang nabalitaan kung nagka-boyfriend siya. Simpleng ganda si Krissy at kahit ako, kung lalaki lang ako liligawan ko to eh haha. Kaya naisipan kong kausapin siya. Lumapit ako sa kanya.

"Hi Krissy!" 

"Uhmm.. h-hello?" lingon niya sakin. Ewan ko ba dito kung bakit nahihiiya siya sakin. Di ko naman siya aasarin e.

"Good job ka ngayon aa. Lalo kang gumagaling sa volleyball." 

"T-thanks Yna." Umupo ako sa tabi niya.

"Nakakapagod nga eh pero nawala yun dahil kay my loves." Kilala niya si my loves ko dahil katulad ni pinsan, kilala din si Keith. 

"Ah ganun ba? ako din napagod." 

"Ahh.. Krissy, may tatanong ako sayo."

"Ha? Ano yun?" Nilapit ko ang mukha ko sa kanya konti at ibubulong ko ang tatanungin ko baka kasi mahiya siyang sagutin ako.

"May mga lalaki kanina sa court at nagccheer sayo."

"Ah? talaga? Di ko naman napapansin"

"That's what I mean!. Are you not interested with boys, Krissy?? Kas- " 

"Hindi totoo yan!" Nagulat na lang ako nang taasan niya ko ng boses. Di ko pa nga natatapos sasabihin ko eh. Hindi ko alam kung nairita ba siya sakin, nagalit ?

"I also think It'd be nice to have a boyfriend!" Natulala lang ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na naiisip niya naman yun. I mean, maganda siya at simple pero di ko aakalain na ang tahimik na babae ngayon ay iisipin ang mga bagay na ganun. Namumula ang mata at bigla naman niyang iniwas ang mga tingin niya sakin. 

Rules with Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon