Chapter 20 Confusion

62 3 0
                                    

Savannah's POV 

Whenever I start to hate the entire male species, my guy best friend reminds me not all of them are bad. And that's why I love Ashton. Di ko alam kung dapat ba ikasaya ko yun o ikainis, naiirita ako mostly sa mga guys. 

Nandito na kaming lima sa classroom. As usual, maingay, konti pa kami dahil 7:00 am pa lang at late ang karamihan. Nandito na din si Paul na absent nung isang araw at may kausap sa phone niya at malamang si Jean yun. 

Nandito na din ang boyfriend ni Yna na si Keith. Pero may isang nilalang akong hindi nakita, si Daren. Siguro absent na naman siya. Lagi naman siyang ganun. 

"Hi Savannah!" bati ni Paul. Tapos na siyang makipag-usap sa kung sino ang kausap niya kanina sa phone niya. Umupo siya sa upuan niya at nasa harapan ko siya.

"Hello Paul!" bati ko naman sa kanya. 

"Hinahanap mo ba si Daren? Ang alam ko hindi yun papasok ngayon. "

"Hindi naman, who cares kung di siya pumasok?" pagtataray kong sabi sa kanya.

"Who cares? Savannah, alam kong cold si Daren pagdating sa girlfriend thingy pero I know he is damn serious about you." sabay lagay niya ng kamay sa chin niya. Damn serious? Kung alam mo lang Paul ang dahilan ng lahat ng ito siguro nasapak mo na ang kaibigan mo at ako? Siguro taga awat lang ako at nakatulala habang nagaganap ang pangyayaring yun.

"Paano mo naman nalaman na seryoso siya sakin? At bago palang kami kaya imposible yan."

"Because, when I'm with him, we talked a lot about you. He praises you for being different from the other girls, he doesn't want to tell the reason why but I'm pretty sure..." at lumapit siya sa akin ng bahagya.

"He really likes you, Savannah." at doon kami natigilan dahil pumasok na ang professor namin. 

Di ako makapag-concentrate sa lesson dahil sa mga sinabi sa akin ni Paul. Paanong magiging seryoso sa akin si Daren, eh ang mahal nga niya si Jean di ba? Ano ba ang naisip niya at sinasabi niya ang lahat ng yan kay Paul at lagi na lang akong "different" sa kanya?

My professor finished her lesson without noticing that I am not paying attention to her class. Or maybe hindi lang talaga ako nageexist sa paningin niya dahil di naman ako masiyadong active sa klase niya. 

Second subject na agad. Ang bilis talaga ng oras at finance na naman. Alam kong sa subject na ito ay kailngan ko ang atensyon ko na makipag-team up sa akin. Dumaan ang mga oras na di ako nakikipag-participate sa klase. Nakatunganga lang at malayo ang iniisip. 

Excited din kasi akong makita si Ashton ngayon. God knows how I missed that guy. My phone rings at nakita ko sa screen ang name ni Ashton. Buti na lang natapos na ang klase na wala man lang akong naintindihan. 

"Hello?" sinagot ko ang tawag niya at ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.

"Hi Ana! Free ka ba today? Tapos na ang klase ko."

"Oo naman! Uhm.. nasa school ako ngayon. Okay lang bang daan mo na ako?" First time ko lang magka-cut ng klase for the next subject para makipagkita sa best friend ko. How pathetic I am. Binigay ko ang address ng school ko at good news sa akin at malapit lang siya. 30 minutes ko lang siyang hihintayin. Tumayo ako para pumunta kay Yna at sa 3 psychopaths para magpaalam. Kinuha ko ang bag ko pero bigla akong hinawakan ni Paul.

"Saan ka pupunta?" pagtatanong niya sa akin.

"Sa...sa apartment. Medyo masama pakiramdam ko." binitawan na niya ang braso ko at tumayo siya.

"Gusto mo bang ihatid na kita?"

"Hindi hindi. Ano, okay lang sa akin. Malapit lang naman apartment namin nila Yna kaya wag na lang." at mabilis akong naglakad papunta kanila Yna na kumakain ng snacks. I felt guilty nang sabihin ko kay Paul yun dahil kahit papano, friend ang turing ko sa kanya.

Rules with Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon