Chapter 19 Unknown Sender

80 3 0
                                    

Savannah's POV

It's odd na may magtext sa akin na unknown sender. Wala naman kasi akong pinagbibigyan ng number ko simula nang bumalik ako dito sa Philippines, maliban lang kay Yna. Sino kaya ang magte-text sa akin? Imposible namang si Daren yun kasi di pa naman niya nahihingi number ko. 

It's not weird after all. Madami na rin kasing prank texts sa panahon ngayon

"Magluluto muna kami ni Maria ha, baba na lang kayo dito after 1 hour para kumain." sabi ni Yna. 

Ano na naman kaya ang ulam? Gutom na naman ako. 

Nandito na ako sa kwarto ko at nahiga ako saglit sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at muling tinignan ang inbox ko. Sino kaya yung nagtext? Mareplyan kaya. 

Who are you? 

after 2 minutes...

Secret.

Damn it! Stalker to! Ang ayoko sa lahat yung ginaganito ako, nakaka- high blood. 

Secret? Don't text me then.

And after 3 minutes... 5 minutes... walang reply. Wag na nga, wala akong mapapala kung hihintayin ko si unknown sender. Tumayo ako at nagsimulang lumakad papunta sa drawer ko at magtatali ng buhok. Pagbukas ko, may nakita akong tissue ng Maria Luisa's Garden Room. 

Di ko pa pala nababasa ang rules na sinulat ni Daren para sa fake relationship namin. Kinakabahan pa kasi akong basahin yun at baka di ko kayanin ang rules na sinulat niya. Wala na naman akong magagawa kasi pumayag na ako sa kanya kahit di ko pa nababasa ang rules, mali ba yun? Matapos kong magbihis ng pangbahay, bumaba na ako sa dining area para kumain. Naamoy ko ang mabango at masarap na pagkain na inihanda nila Maria at Yna. 

"Wow! Anong tawag diyan?" tanong ni Cha habang nakaturo sa pasta.

"It's a Capellini with spicy zucchini-Tomato Sauce." sabi ni Yna. 

"Saka, 40 minutes lang yan lutuin at very hearty for dinner. And also, we have Riesling Wine. Kaya, tara na at kain na tayo dahil kanina pa ako gutom." hinila kami ni Maria sa dining table para umupo at magsimulang kumain. 

"So, may hindi nagku-kwento diyan." sabi ni Yna. Natamaan naman ako sa sinabi niya dahil alam ko, ako naman ang pinatatamaan niya.

"May hindi rin nagsasabi diyan." sagot ko sa kanya. Di rin naman niya sinasabi kung sino yung lalaking naka-salamin sa room at tinawag siyang baby.

"Tinawag din naman siyang baby" sabi ni Yna sabay irap sakin. 

"May walk-out effect pa siyang nalalaman." sabi ko naman at sabay kain ng pasta ko. 

"Wait nga lang, straight to the point na nga tayo dito." sabat naman ni Elle samin. Di na kami sumagot ni Yna kasi alam naman naming badtrip na to at lalong lalala ang scene dito sa dining room. 

"Anong status niyo ba ni Daren?" sarcastic niyang tanong. 

"Kami? Ano ... kasi.." 

"Ano nga?" sabi ni Yna.

Sasabihin ko ba sa kanila yung totoo o hindi? 

"Kami na kasi. Ano.. alam kong mabilis pero, you can't blame your heart kung tumibok naman to agad di ba?" 

"Pero kasi Ashley, di mo pa kilala si Daren." may pag-aalala sa mukha ni Yna. Alam ko naman yun at alam ko din kung ano ang pinasok ko.

"I know. It takes time to know someone." 

Rules with Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon