CHAPTER 3

5 1 0
                                    

Jacob's PROV

habang naglalunch kami, may nakabunggo sa akin at biglaan kong natapon sakanya ang inumin ko'dahil sobrang kinakabahan ako ' kasi nga second day of school na wala parin akong kaibigan.

" ano ba yan kuya tignan mo nga dinadaanan mo transferee ka lang din diba? mag ingat ka naman " sabi saakin nang babaeng nabunggo ko." sorry po ate pasensya na di ko po sinasayda,Jacob Lozano nga pala." sagot ko sakanya habang kinakabahan at nanginginig ang akong mga kamay." sige, basta sa susunod tignan mo yung dinadaanan mo. " nung paalis na siya binunggo niya ang balikat ko.

Naramdaman ko na may pagkasuplada pala yung babaeng yon.Akala ko pa naman mabait siya , saan kaya yung room niya ? parang nahulog na kasi ako sakanya ehh. Sana next school year classmate ko siya para naman maging masaya ang grade 8 ko hihi.

Loren's PROV

sino naman yung lalakeng yon? makapag-salita kala mo banal na banal, alam ko naman ehh. " ANG MGA LALAKE SA UNA LANG MABAIT " ganyan kasi ang napapansin ko sa mga nakikilala kong lalake , pero parang siya lang yung kakaiba ? subukan ko kayang makipag kaibigan sakanya ?

>> biglang dumating si kuya Westy <<

" ayy anong ka-ibigan yang sinasabi mo ? " tanong saakin ng kuya kong makulit. " anong ka-ibigan kuya? , ang sabi ko kaibigan as in friends " sagot ko sakanya ng tumatawa. " ehh bat ka tumatawa ? yieee yung bunso namen pumapag ibig na " pang aasar sakin ng kuya kong madal dal." O sya sige na pasok nako sa room namin baka mag isa lang yung kaibigan ko " sabi sakin ni kuya ko nga nakangiti.

Nagtaka lang ako kay kuya Westy, kasi ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganon kalaki.Ano kayang meron dun sa " BESTFRIEND " niya daw ? hmm subukan ko ngang maging Secret Agent yung susundan ko siya sa room nila? sige nga subukan ko kaya .

>> Habang naglalakad ako <<

nabangga ko nanaman yung lalaking yon. feeling pogi siya , akala niya siguro sobrang pogi niya , pinopormahan ba'ko neto? ayst kainis nalang isipin kung nay manliligaw sakin. What Loren? Ligaw agad ? ni di pa nga kayo nagpapansinan? hayst..

Pero kahit ganon pinagpatuloy ko parin ang paglalakad ko papuntang classroom nila kuya Westy.

Sinilip ko sina kuya Westy, bakit parang sobrang saya niya ? girl ba yung BESTFRIEND niya? OMG si kuya luma-love life na. ano ba yan may ate nako.

"Yey ! may ate na ko ! " pasigaw kong sinabi.

At nakita ako ni kuya. Lumabas siya at sinabing " hoy Loren anong ate ka jan ? BESTFRIEND ko lang yon okay ? " pagkasabi niya saakin na may diin ang salitang BESTFRIEND.

at matapos non. Bumalik na ko sa aking classroom, dahil baka malate ako. Pero sana di ko na madaanan yung lalaking feeling pogi. Mr. Antipatiko. sobrang Pabibo hayst.

Habang naglalakad ako may nadaanan akong salamin at nagsalamin ako. Tinanong ko sa sarili ko, Ganito na ba ako kaganda para sundan nung lalakeng yon na si Mr. Antipatiko? hayst sobrang ganda ko naman talaga.

... KINABUKASAN

Mitch's PROV

Sinilip ko yung kapatid ko at bigla bigla nalang siyang tumatawa na para bang nababaliw na ? ano kayang meron dun sa bunso namin? may nahanap narin kaya siya ? OMG lumalove life narin yung bunso namin.Subukan ko kaya siyang lapitan at tanungin ?

" oyy Jacob ? napapano ka niyan ? may girl of you life ka na ba ? ayieee " tumatawa kong sinabi sakanya. " ano ate ? wala kaya ! " nagulat na kanyang pagkasabi." weh ? " tanong ko sakanya. " oo nga ate . Ganito kasi yon may isang babae akong nakabungguan at parang ang bait niya at sobrang banal niya para bang, di ko madescribe , ate nahulog nako sakanya " sabi saakin ng kapatid ko na may kasamang kilig.

Ano ba yan ? abi na ehh, pumapag ibig na ang bunso namin. Hayst sana wag muna maaga pa para iwanan niya ako' Sabagay ako may gusto narin . Hihihi.

" oyy Jacob maligo kana't mag bibihis nako !" sabi ko sakanya."oo ate eto na." pasigaw na sinabi niya saakin.

Matapos naming maligo ay di na kami nag almusal dahil sa late na nga kami. At maglalakad pa kami papunta sa aming paaralan. Dahil nga walang negosyo o ginagawa ang aming nanay. At patago ko lang kinukuha ang mga padala ni Tatay.

>> NAGLALAKAD <<

Habang naglalakad kami ni Jacob ayy biglanh pumasok sa isip ko si Westy na para bang kinikilig ako na di ko ma describe. At nabigla sakin ang kapatid ko dahil bigla nalang daw akong tumatawa.

" Ate ? anong tinatawa mo jaan ? " tanong niya saakin." Wala naaalala ko yung kaklase namin " kinakabahan kong pagkakasabi." ahh ok sige " sagot niya saakin.

Natataranta na ako at di ko alam ang gagawin ko sa sarili ko.Para bang . Ayy di ko maipaliwanag ..Hindi ko na alam kung saan patungo ang nararamdaman ko. Nagdadalawang isip ako kung aaminin ko na bang talaga oh hindi? hayst bala na si batman kung mamahalin niya ako o hindi man.

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon