Chapter 7

141 4 0
                                    

A/N: Jhohanne Vhienne Ferrer on multi media

****

Third person's POV

Isang linggo na ang nakakaraan nang mangyari ang student ranking.

Ngayon ay nasa clinic ang mga prinsipe at prinsesa habang hindi pa nag sisimula ang klase dahil maaga pa naman.

At magmula rin nang mawalan ng malay si Yana ay hindi parin ito nagkakamalay, lagi siyang binibisita nang mga prinsesa para kamustahin, pero lagi naman silang nanlulumo kapag nakikita na hindi parin siya nagigising.

"Hindi pa ba siya magigising? Isang linggo na siyang walang malay" matamlay na wika ni Yuriko, pati rin ang iba ay matamlay na nakaupo sa mga upuan.

"Hindi namin alam, pati rin ang mga healer ay hindi rin alam kung ano ba ang gagawin sa kanya" naiiling na deklara ni Jhohanne na mas nagpalumo sa lahat.

Napaangat nang tingin ang mga nasa silid nang tumayo si Andrei at lumabas ng silid. Tumayo na rin si Yuriko at lumabas ng silid kaya ang naiwan sa loob nang silid ay sina Leigh, Charlize, Jhohanne, Brix, at Gab.

Habang naglalakad si Andrei ay alam niyang sinusundan siya ni Yuriko, pero sinawalang bahala lang niya ito at nagpatuloy lang sa pag lalakad.

Pumasok siya sa isang silid na alam niyang walang makakarinig o makakagambala sa kanya. Tumayo lang siya sa gitna ng silid at humarap sa pintuan.

"Lumabas ka na diyan" malamig na wika nito.

Ilang segundo lang ang lumipas ay may dahan dahan na pumasok sa silid, at nang tuluyan na itong makapasok ay sinirado nito ang pinto.

"Bakit mo ako sinusundan, Yuriko?" Wala paring emosyon na sabi ni Andrei.

"May gusto lang akong itanong sayo" seryosong wika ni Yuriko at mas lalo pang lumapit kay Andrei.

Hindi umimik si Andrei kaya nagpatuloy lang si Yuriko.

"May gusto ka ba sa kanya? " makahulugang tumingin ito kay Andrei at tumigil nang nasa gitna narin siya nang silid.

"Sino? Kanino?"

"Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko" seryosong wika parin ni Yuriko.

"Wala akong alam sa mga sinasabi mo" sabi ni Andrei at nilagpasan na si Yuriko, pero napatigil siya nang magsalita itong muli.

"Duwag ka" mahinang sambit ni Yuriko pero sapat lang para madinig ni Andrei.

"Anong sabi mo? " halata sa mukha ni Andrei ang pagka inis sa nadinig mula kay Yuriko. Hinarap niyang muli ang kausap at kwinelyohan ito. Ayaw na ayaw ni Andrei na sinasabihan siya nang hindi magandang salita, kaya ganito siya kung maka asta.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Halata ang pagpipigil ni Andrei sa kanyang boses.

"Duwag ka, hindi mo maamin sa sarili mo ang tunay mong nararamdaman" seryosong pag uulit ni Yuriko sa mismong mukha ni Andrei.

Hindi na nagulat pa si Yuriko nang sapakin siya nito sa mukha dahil inaasahan niya na iyo.

"Oo, inaamin ko gusto ko siya, masaya kana?" Inis na wika ni Andrei at tuluyan nang umalis nang silid.

Napailing naman si Yuriko dahil dito.

"Bakit siya pa, Andrei?" Nanlulumong wika ni Yuriko sa hangin.

****

"Lumayo-layo ka sa akin, Brix, baka di kita matantya" inis na bulyaw ni Charlize kay Brix na kanina pa siyang inaasar.

"Hindi ko kayang lumayo sayo, baka mamatay ako" malambing na sagot naman ni Brix.

"Anong connect? " nagtatakang tanong ni Charlize.

"May connect iyon, gwapo kasi ako" sabi nito sabay kindat kay Charlize.

"Mamatay ka na!" Sigaw nito sa lalake.

"Ano ba! Tumahimik nga kayong dalawa" pagsasaway ni Jhohanne sa dalawa.

"Okay nga iyon eh, para gumising na si Yana" sabat naman ni Leigh na nakaupo sa gilid nang bed ni Yana at hawak ang kamay nito.

Napairap naman nang wala sa oras si Jhohanne sa kakulitan nang mga kasama niya.

"Jhohanne baby, h'wag kana kasi makialam sa kanila,  ako nalang pakialamanan mo" pag sabat ni Gab na kanina lang ay nagbabasa nang magazine.

"Che! Magbasa ka na nga lang ulit diyan" pagtataboy nito sa binata.

"Guys? Normal lang ba na sobrang lamig nang kamay nang isang tao? " bigla nalang na tanong ni Leigh.

"Leigh, kung ganon patay na iyon" sabi ni Charlize at naglakad palapit kay Yana.

"Yung kamay kasi ni Yana, sobrang lamig na" kinakabahang wika ni Leigh.

"Ano!?" Sabi nang lahat nang nasa loob nang silid. Naglakad naman si Jhohanne palapit kay Yana at hinawakan ang braso nito.

Nang puntong dumampi ang kamay ni Jhohanne ay romehistro kaagad ang gulat sa mukha nito. Sinabi nitong magtatawag siya nang healer at nagmadali nang tumakbo palabas nang silid.

Samantalang ang mga naiwan naman ay natataranta na kung ano ang gagawin. Nagsilapitan sila sa kama ni Yana at pinalibutan ito.

"Yana, wake up" sabi ni Charlize na may kasamang pag uuga pa dito nang bahagya.

"Anong gagawin natin?" Natataranta nang sigaw ni Leigh na nauutal utal pa sa sobrang pag aalala.

"Guys, calm down wala tayong maiisip na matino kung natataranta tayong parepareho dito" pag papahinahon ni Gab sa mga kasama.

Napalingon naman sila nang bumukas ang pinto. Niluwa nito si Andrei na sinundan ni Yuriko na may pasa sa mukha.

"Anong nangyayari?" Sabay na tanong nang dalawa.

"Si Yana, nanlalamig ang buong katawan" si Gab na ang sumagot dahil natataranta parin ang mga kasama niya.

"Ano?!" Sigaw ni Andrei at lumapit sa kama ni Yana at hinawakan ang braso nito na para nang yelo sa lamig.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang mga healer na tumitingin kay Yana. Pinalabas sila nang mga ito kaya hindi sila mapakali at lakad nang lakad.

Ang lahat ay hindi mapakali, pero mas hindi mapakali ang dalawa na sina Yuriko at Andrei.

Habang ang lahat ay palakad lakad, si Leigh naman ay nakasilip lang sa salamin sa may pinto at pinagmamasdan ang mga nangyayari sa loob.

Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na ang isa sa mga healer at kinausap sila.

"Miss, kamusta na po siya?" Tanong ni Yuriko.

"Prince Yuriko, sa ngayon ay maayos na siya at kailangan na lang nang pahinga" sagot nito.

"Ano pong nangyari kanina sa kanya?" Tanong naman ni Leigh.

"Sa ngayon hindi pa namin alam kung ano ang nangyari kanina, pero himala na nagising siya" nakangiting wika nang healer.

"Gising na po siya?" Masayang tanong ni Leigh. Napahinga naman nang maluwag ang iba dahil sa narinig.

"Yes, she is already awaken but as I was saying, she have to rest" sabi nito.
Napangiti naman nang malapad ang mga prinsipe at prinsesa dahil dito.

****

• VOTE • COMMENT • FOLLOW •

Miss K

Galony Academy: The Long Lost Legendary Princess (SLOW-UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon