Chapter 5

169 4 0
                                    


Third person's POV

Lumipas ang ilang araw at dumating na ang araw nang simula nang klase.

"Yana" pang babasag ni Artemis sa mahabang katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa. Nasa loob sila nang dorm ni Yana.

"Uyy. Yana, pansinin mo naman na ako oh" pagsusumamo niya habang nakatingin kay Yana at naka salikop ang dalawang kamay na nasa harapan nang kanyang mukha.

Pero nanlumo siya lalo nang hindi parin siya pansinin nang dalaga. Ilang  minuto na sila sa ganoon ang sinaryo pero wala paring pagbabago dahil hindi parin siya pinapansin nang dalaga simula nang malaman na aalis ito.

Aalis si Artemis para tumulong sa paghahanap sa sinasabi nilang lalake na may kakayahang makita ang hinaharap.

Kailangang kailangan nila ito para hindi mapahamak ang mga estudyante at ang mga mamamayan sa mga bayan na nakapalibot sa academya.

"Yana, ito ba ang gusto mong baunin ko sa aking pag alis? " pagsusumamo nito at may tumulo narin na luha sa kanyang mga mata.

Natigilan naman si Yana dahil sa narinig dahil sa kanyang pandinig ay parang nagpapaalam na ito at wari ay hindi na makakabalik pa, hinarap niya ito nang may malamig na ekspresyon.

"Wag mo akong kakausapin" malamig parin nitong turan. Nabigla naman si Artemis sa narinig dahil hindi niya napaghandaan ito. Mas lalong rumagasa ang mga luha niya at nag uunahan na tulo dahil dito.

"Wag mo akong kakausapin kung ganyan ang sasabihin mo" sabi ni Yana pero hindi katulad nang kanina na malamig, ngayon ay may bahid nang lungkot.

"Wag kang magsalita na para bang hindi ka na makakabalik pa" pagpipigil ni Yana na tumulo ang kanyang mga luha.

"Dahil ayaw ko nang maramdaman ulit ang naramdaman ko noon" pahabol pa ni Yana, pero sa puntong ito ay hindi na niya napigilan pa ang pagluha.

Napangiti naman si Artemis habang umiiyak dahil sa narinig kay Yana. Akala niya ay wala itong pakialam sa kanya kaya hindi siya nito pinapansin.

"Pangako, babalik ako" sabi nito nang may ngiti sa mga labi. Mariin siyang tinitigan ni Yana at kalaunan ay tinanguan.

"Panghahawakan ko iyan" turan ni Yana at sabay na silang tumayo at lumabas nang dormitoryo para ihatid si Artemis sa gate nang Paaralan.

Habang naglalakad sila papaunta sa tarangkahan ay pinagtitingin sila nang mga estudyante.

"Bakit hindi ang mga sinasabi niyong mga prinsipe at prinsesa ang mag hanap sa pinapahanap nila? " biglang sabi ni Yana, napatingin naman sa kanya si Artemis dahil dito. Hindi niya tinitignan ang kausap, diretso lang siyang nakatingin sa kanyang nilalakaran

"Mayroon din silang importanteng hinahanap" sagot ni Artemis na binalik na ang tingin sa dinaraan. Hindi nila pinapansin ang mga estudyanteng pinagtitingin at pinagbubulungan sila.

"Importante pa kaysa sa hinahanap niyo? "

"Mas importante pa kaysa doon" sabi ni Artemis na may siryosong tono at siryosong mukha.

"Wala nang mas iimportante pa kaysa sa hinahanap nila" bulong ni Artemis pero narinig naman ito ni Yana kaya napalingon siya sa direksyon nito, pero nagpatay malisya nalang siya at binalik na ang tingin sa daan.

Nang makarating sila sa tarangkahan ay marami rami na din ang nandoon pero hindi parin sila kumpleto at wala parin ang Headmaster at si prof.  Miranda.

Ilang minuto silang nag antay nang sunod sunod na dumating ang mga kulang pa kabilang na ang Headmaster at si prof. Miranda.

Mga ilang paalala lang, mga bilin at nag paalaman na.

Ang mag inang Miranda at Artemis ay nagyakapan pero kalaunan ay nauwi rin sa iyakan. Si artemis naman at ang kaibigan na si Yana ay nagtangian lang at nag ngitian.

Nang makaalis na ang grupo ay naiwan na nakayakap si Miranda kay Yana, si Yana naman ay tinatatagan ang sarili na hindi tumulo ang mga luha, at pagkukumbinsi sa sarili na makakabalik sila, na makakabalik siya.

Nasa klase na ang lahat nang estudyante maliban sa isa. Hindi niya gusto ang ideyang pumasok pero anong magagawa niya, kailangan eh para mas lumakas pa siya at nang makaganti.

Naglalakad siya sa malawak na pasilyo. Wala nang katao tao dahil marahil ay nasa loob na ito nang mga silid at nakikinig sa mga guro.

Napaayos naman siya nang tayo nang may marinig na mga tinig. Palakas nang palakas marahil ay palapit ito sa direksyon niya.

"Tignan niyo, late na naman tayo. First day na first day" sabi nang tinig nang isang babae.

Si Yana naman ay nagkibit balikad lang at nag patuloy na sa paglalakad.

"Si Charlize eh, ang bagal kumilos" dinig niya parin ang mga tinig na nag uusap.

Tinignan na ni Yana kung gaano pa siya kalayo sa paglilikuan, at nairita naman siya dahil sobrang layo pa nito.

'Napaka layo naman kasi'

Sa isip isip ni Yana.

"Oh. Bakit ako? Eh si Kyle nga yung ang tagal lumabas nang kwarto eh" iba naman na tinig ang narinig niya. At dumagdag naman ito sa pagkairit niya dahil napaka iingay nang mga nagsasalita.

"Love, dinadamay mo ako dyan? " may lambing na sabi nang tinig. Nasuka suka naman sa isipan si Yana dahil sa narinig dahil sa tono palang nito ay halata nang malandi.

"Love? Anong love? Love-love-in mo mukha mo" may irita sa tonong sagot nang tinig. At makalaunan ay may narinig na 'ahh' nalang si Yana na wari ay nasasaktan.

"Ano ba? Tumahimik nga kayo, mamaya makaistorbo kayo sa mga nag kaklase eh" mautoridad na sabi nang isa pang tinig.

"Guys, punta muna tayong cafeteria please. Nagugutom na talaga ako" sabi nang sumunod na tinig na may pagmamakaawang tono nang boses.

"Eh kaso lagi ka namang gutom" pangbabara nang isa pang tinig.

Naririndi naman si Yana sa lahat nang mga naririnig niya, hindi nga sila naka gambala nang klase pero siya naman ang ginagambala.

"Oo na, ikaw nalang ang pumunta. Hoy samahan mong pumunta nang cafeteria iyan, baka kung saan pa magpunta" huling tinig na narinig ni Yana.

Laking pasasalamat naman ni Yana dahil hindi na siya nagagambala pa nang kaingayan nang mga tinig na iyon.

Nang paliko na si Yana ay nagulat siya dahil may kamuntik na siyang makabunggo sa daan kung hindi lang siya tumigil.

"Ayy. Sorry miss" tarantang sabi nang isang babae.

Nairita naman si Yana dahil napansin niya na lagi nalang siyang nabubunggo o kaya naman ay kamuntik muntikan lang

*****

• VOTE • COMMENT • FOLLOW •

Miss K

Galony Academy: The Long Lost Legendary Princess (SLOW-UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon