Chapter 9

117 4 0
                                    


A/N: Charlize Yuan Vazquez on multi media.

*****

Third person's POV

"We're sorry we are late, Ma'am" sabi nang mga royalties pagkatapos nilang kumatok sa pinto at buksan ito nang bahagya.

"Ilang araw na kayong late sa subject ko?" Mataray nitong tanong sa mga late niyang estudyante. Kilala ang professor na ito sa pagiging terror na teacher, kaya madami ang umiiwas sa kanya.

"One week na po" sagot ni Jhohanne na bahagyang naka yuko.

"Oh, kita mo? One week na pala?" Paninermon nito sa mga estudyante na bahagya pang napalakas ang boses.

"May binisita lang naman po kami" pangangatwiran naman ni Gab na daretso lang ang tingin sa guro.

"Sino? Si Yana?" Tanong nito sa mga bata na sinagot naman nila nang oo na may paggalang.

"Bakit ngayon pa? Alam niyo namang may klase hindi ba? Pwede niyo naman siyang bisitahin mamayang hapon pagkatapos nang klase niyo" aniya at tinignan ito isa isa sa mukha.
"Hindi na po mauulet" sabi ni Jhohanne habang naka tungo parin.

Naglakad na sila papasok nang silid at pumunta sa dulong bahagi nito at nag siupuan na.

"Grabe maka sermon eh 'no" bulong ni Brix kay Charlize na katabi lang niya.

"Oo nga, kala mo talaga major subject yung tinuturo eh" pang gagatong naman ni Charlize sa sinabi nang binata.

"Eh, trainings at yung spell subject lang naman ang major dito" hirit pa ni Brix na pasimpleng sinasamaan nang tingin ang kanyang guro.

"Yung mga nagdadal dalan lang naman, eh, pwede nang lumabas nang silid na ito" pag putol nang kanilang guro sa pagtuturo nang mapansin ang mga nag uusap na mga estudyante. Sina Brix at Chalize naman ay wari'y nakikinig nang maigi na parang hindi sila nag daldalan kanina.

-

"Hmm. I smell comeback" biglang sabi ni Leigh at parang may nilalanghap sa ere.

"Comeback is in the air!" Segunda ni Yuriko dito.

"Tss. Our place is full of pollution not comeback, jerks" pang babasag ni Andrei.

Bitter, ampalaya, basag trip, KJ. Iyan ang mga nasa isipan nila dahil sa sinabi ni Andrei.

"Hayst. That's enough, guys. We should go to our next class" pananaway ni Jhohanne sa mga ito.

"What's the next class, by the way?" Tanong ni Charlize.

"Spells" sabay sabay na sambit nila maliban kay Brix na hindi rin alam kung ano ang next na class nila.

Nang makarating sa next class ay napakasaya ni Jhohanne, dahil ang favorite class niya ay spell. Sa larangang ito siya'y nangunguna.

-

"And that is our new spell"

Sambit ng kanilang professor pagkatapos ituro ang kanilang bagong spell.

"And by the way, we are having a group project. Ferrer, Morales, Ford, Buenaventura, Francisco, you will be the group leader and also you will be the one who will choose your members, it should be five to eight member each group" the professor said while pointing the said leaders.

Jhohanne is so happy to be one of the leader. Its not new that one of the royalties are the leader, cause its automatic. Jhohanne thought that Andrei will be the one of the leaders, Andrei is her competence to this class.
"Automatic tayo na ang magkakagroup" sabi ni Brix.

"Lover boy is right"

"Anong lover boy ang pinagsasabi mo dyan, Yuriko?"

"Wala, sabi ko tama ka" nakangisi nitong sabi.

"Break time na natin, puntahan natin si Yana" masiglang sabi ni Leigh sa mga ito.

"Good idea" Yuriko said. Napatingin naman ang anim sa kanya at napailing ng may ngisi sa mukha.

"Hi, Yana" masiglang sabi ni Charlize ng makarating kami sa room ni Yana.

"Hi" malamig nitong tugon.

Jhohanne's POV

"Hi" hayst. Cold as always.

I miss the old you, my friend. Please, wait for the right time.

Umupo ako sa sofa sa gilid at pinagmasdan silang lima na kinakausap si Yu--Yana, kahit na halatang wala itong kainteres-interes sa mga kinukwento nila.

Nabaling ang tingin ko kay Andrei na nakasandal sa dingdeng at mariing naka pikit.

Tss. Kung alam mo lang, Andrei, kung alam mo lang.

Napabaling ako bigla kina Yana ng may marinig akong mala anghel na tawa. Si Yana, tumatawa siya. Wow! That was unexpected.

Natawa naman ako ng makita ang expression nila Brix at ng iba pa sa narinig na tawa ng dalaga.

"Yuriko! You made her laugh, men!" Sigaw ni Brix kay Yuriko at binatukan pa niya ito.

"Seriously, Yana? Natawa ka talaga do'n? Napaka corny no'n, eh" sabi ni Charlize habang may ekspresyon na gulat na gulat.

Napansin ko naman si Leigh na may pilit na ngiti. Jealous? Hindi na nakakapagtaka na nasasaktan siya ngayon, cause I know her feelings towards Yuriko.

"Hey! Hindi naman gano'n ka-corny, eh. Natawa nga si Yana, oh" pag dipensa ni Yuriko.

Hindi na nakakapagtaka na close silang dalawa.

Napatingin ako kay Andrei ng marinig ko itong bumubulong.

"Tss" huli kong dinig na sabi niya at pumunta sa terrace ng kwarto.

I smell lots of jealous here.

Galony Academy: The Long Lost Legendary Princess (SLOW-UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon