Chapter 2

230 9 0
                                    


Artemis' POV

Dahil sa nangyari kahapon napag usapan namin ni mama na papasukin siya sa Galony Academy.

Yana ang pangalan niya, nakausap na namin siya kahapon, hindi na siya katulad nang dati na hindi umiimik pero hindi rin naman madaldal.

Ngayon nandito kami sa Academy para i-enrole siya.

"Headmaster, siya po si Yana Morgan, malayong kamag anak namin at nais namin na i-enrole siya sa Academy" ani ni mama.

Ang napag usapan ay mag papanggap si Yana na malayong kamag anak namin dahil paniguradong maraming estudyante ang tututol, alam naming ayos lamang ito sa mga magulang ngunit ang ilan s mga estudyante dito ay mga mapagmataas at mga sakim, kaya pinag iingat lang namin si Yana.

Pero mahirap din ito para saamin ni mama dahil pwede din nilang malaman ang totoo, at kapag nangyari iyon maaaring mapag initan nang mga estudyante si Yana, pero ang mas malala ay kung paalis  siya sa akademya. Kung mapaalis nga si Yana sa naturingang eskwelahan ay mas delikado sa kanya dahil maaari parin siyang kunin nang mga dark charmers.

Miranda's POV

"Yana, gusto mo ba nito? " tanong ni Atemis.

Nandito kami ngayon sa isang mall na malapit sa amin.

Ipinamimili namin si Yana nang mga school supplies niya, pati na din si Artemis.

Dahil isa na siyang ganap na estudyante nang Galony Academy, isa na siyang Galian.

Pero mukhang walang pakialam si Yana dahil sa lahat nang tanong ni Artemis ay wala pa siyang sinasagot, katulad ngayon na tinatanong siya ni Artemis habang nakaturo sa isang sling bag, pero nilagpasan lang siya nito, pero si Artemis naman ay pumasok sa loob nang shop at mukhang binili nga ang sling bag.

Hinintay ko pang mabili  ni Artemis  ang bag at tuluyan nang makalabas sa shop.

"Mama, nasan si Yana? " tanong ni Artemis. Sa puntong tinanong ako ni Artemis n'on ay nilibot ko ang aking paningin sa paligid, pero wala siya sa paligid.

Naglakad-lakad kami ni Artemis at baka sakaling nasa malapit lang siya.

"Mama, baka mawala siya dito,  s dami nang mga tao" nangangambang sabi ni Artemis.
"At maaari din siyang maka salubong dito na mga dark charmers" seryoso kong sagot,  kahit sa loob-loob ko ay nangangamba na.

"Hindi iyon mangyayari, I'll make sure na hindi iyon mangyayari" ani niya at nagpatuloy na sa paghahanap.

Mukhang napalapit na ang loob nang aking anak sa aming panauhin.

Pinagmasdan ko ang aking anak na tumatakbo at palinga-linga ang ulo.

Bumalik lang ako sa ulirat nang kawayan ako ni Artemis at may ituro sa isang parte nang isang mall.

Nagmadali naman akong tumakbo sa direksyon niya.

Nang makarating ako sa pwesto niya ay may itinuro siya sa akin.

Napahinga naman ako nang malalim nang makita ko si Yana na nakatingin sa pader at naka tulala.

Naglakad kami ni Artemis nang dahan-dahan papunta sa direksyon ni Yana.

Nang malapit na kami sa pwesto niya ay naaninag ko na kung ano ang tinititigan niya, isa poster nang isang malaking bahay na makikita malapit sa dati niyang tinitirahan.

Napatingin naman ako sa dalawa nang yakapin ni Artemis si Yana. Tinignan ko naman si Artemis na  may wari'y nagtatanong, hindi naman ako kita ni Yana dahil nakatalikod siya sa pwesto ko, sinenyasan niya lang ako na umiiyak daw si Yana, at mukhang tama nga siya dahil naririnig ko ang mga hikbi ni Yana.

Tumagal sila sa ganoong pusisyon, paminsan-minsan ay may mga nakakakita sa amin na mga kakilala at wari'y papunta sa aming pwesto, pero inuunahan ko na sila, sinesenyasan ko nalang sila na sa ibang araw ko nalang sila kakausapin.

Naninibago ako sa mga inaakto niya ngayon, dahil ngayon ko lang  siya nakitang umiyak nang hindi niya pinipigilan.

Nang umayos na ang pakiramdam ni Yana ay inuwi na lang namin siya at kami nalang ang mamimili nang mga gamit niya, isasabay na namin sa pamimili nang gamit ni Artemis.

"Mama, kung bilihan kaya natin si Yana nang bagong damit? Kasi paulit-ulit na yung mga sinusuot niya eh"

"Ikaw ang bahala" sagot ko.

*FastForward*

Magsisimula na ang klase sa susunod na linggo kaya bukas nang gabiay pupunta na kami sa akademya para ayusin ang mga kailangang ayusin sa paaralan.

Third person's POV

Kinabukasan napaaga ang pag alis nina Miranda at Artemis kasama si Yana papunta sa akademya, dahil may emergency meeting na naman ang mga guro, kaya sinama na niya ang dalawa.

Ngayon naglalakad ang dalawa, si Artemis at Yana sa corridor, inililibot niya ito sa  buong iskwelahan.

Habang naglalakad sila ay  pansin na pansin ang  pagsulyap nang mga estudyante sa kanila at pati na din ang mga bulong-bulungan nila.

"Is she the new student? " maarteng sabi nang isa sa mga estudyanteng nagbubulungan.

"I think so" maarte ring sagot nang isa pa.

"Like iww, I find her weak" panlalait pa nito.

"But admit it, she's pretty" pangungontra nang isa niyang kaibigan.

"Yes, I admiting na she's pretty" pag amin niya.

Napangiti naman si Artemis nang marinig niya ang mga bulong-bulungan, dahil pinaayusan niya muna si Yana bago pumunta sa akademya dahil kung hindi niya ginawa iyon ay  madali lang na mahahalata na isa  siyang taga skwater.

Pinaayos ni Artemis ang kanyang buhok at pinasuot na din niya ang mga damit na pinamili niya kasama ang kanyang ina.

Kabaliktaran naman ni Artemis si Yana na walang pakialam  sa mga estudyanteng nakatingin at pinagbubulungan siya, dahil pinag iisipan pa niyang mabuti kung papaano makakaganti sa mga dark charmers, ngayon pa na maayos na siya at nakaka pag isip  na nang tama.

Sa ngayon magpapalakas na muna siya at gagamitin niya ang mga ituturo sa kanya nang akademyang kanyang pinapasukan ngayon para lumakas siya dahil alam niyang makakatulong iyon sa kanya sa oras na gumanti na siya sa mga dark charmers.

Hindi naman napansin ni Yana ang daan sa sobrang pag iisip kaya hindi niya napansin na may kasalubong na pala siya na isang estudyante.

***

A/N: Oh yan na ha, pinagsabay ko na, KN. Baka mamaya mag chat ka na naman na ang tagal ng update eh, hahaha. De joke lang. So yon nga po ano, dahil nagsipag ang mga kalamnan at brain cells ko(lol) kaya dalawa ang update ko ngayon, yehey tayo nat mag diwang. So yon lang po maraming thank you, haha.

–Miss K

Galony Academy: The Long Lost Legendary Princess (SLOW-UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon