Chapter 6

140 6 0
                                    

A/N: Yana Morgan on multi media.

*****

Third person's POV

Ilang linggo na ang nakakalipas nang umalis ang ilang piling estudyante para hanapin ang lalakeng maaaring makakita ng hinaharap.

At ilang linggo na rin ang nakakalipas nang magkita-kita ang mga prinsipe, prinsesa at si Yana sa isang pangyayari na hindi inaasahan.

Ngayon ay nasa loob nang isang malaking kwarto na wari ay training area, ngunit mayroong mga mauupuan sa di kalayuan ang lahat nang estudyante sa paaralan, dahil ngayon na magaganap ang student ranking nang paaralan.

Ang student ranking ay kailangang kailangan sa mga paaralan para malaman kung sino sa mga mag aaral ang pinaka malakas at kung sino ang dapat pang tutukan sa pagtuturo para mas lalo pang lumakas.

"Good morning students. I am Headmaster Grey, and I am now opening the student ranking for this school year"

Naka ngiti ngunit mautoridad na sabi nang Headmaster. Siya ay mabuting tagapag lingkod nang paaralan simula palamang nang siya ay bata pa. Hindi siya estrikto na namamahala ngunit seryoso siya sa kanyang serbisyo.

Sa student ranking ang paglalaban laban nang bawat mag aaral, dito maaari mong makalaban ang kahit na sino, iyong kaibigan, kamag anak o kaaway. Malalaman kung sino ang sasalang sa laban kapag nakita mo ang iyong pangalan sa itaas nang silid, ang tanging makikita mo lamang ay ang iyong pangalan at hindi ang iyong kalaban, pero taliwas ito sa nakikita nang ibang mag aaral dahil sila ay nakikita kung sino ang maglalaban.

Marami nang mag aaral ang nasalang sa pakikipag laban ngunit hindi parin si Yana na katabi ang mga prinsipe at mga prinsesa. Nuong una ay maraming nabigla dahil kasama niya ang mga ito, ngunit nasanay narin ang iba sa ilang linggo na ang nakakalipas, maliban sa ilan.

"Ang tagal naman matawag si Baby Yana" may lambing na sabi ni Brix. Tinignan lamang siya ni Yana na may malamig na ekspresyon at binaling na ang tingin sa harapan niya.

"Wala talagang binat bat si Brix pagdating kay Yan, eh 'no?" Natatawang sabi ni Gab, short for Gabriel.

"Hindi na ba ako kamahal mahal? Hindi na ba ako gwapo? Wala na ba akong karisma?" sabi ni Brix habang dahan dahang humahawak sa kanyang dibdib na wari ay nasasaktan.

"Sino naman ang nagsabi sayo na dati kang gwapo?" Naka taas ang kilay na puna ni Charlize sa kanya.

"Ikaw" mabilis nitong sagot.

At dahil dito ay nagkantyawan na ang mga ito maliban kay Yana na tahimik na nakatingin sa mga naglalaban.

"H-hoy! Kailan ko sina 'yon?" nauutal utal na tanong ni Charlize.

"Nuong mga times na tayo pa" biglang seryosong sagot ni Brix sa kanya na ikinatahimik naman nang dalaga. Biglang natahimik ang pwestong iyon na kani kanina lang ay maingay. Nagtaka naman si Yana dahil dito, magtatanong na sana siya nang bigla niyang makita ang kanyang pangalan sa itaas nang silid.

"O-oh. Yana, it's your turn" ilang na sabi ni Charlize pero kalaunan ay naging kumportable na rin.

"Goodluck, Yana!" sabi nang iba pa.

"Goodluck, Yana. You can do it" sabi ni Prince Yuriko nang naka ngiti at nag fighting post.

Huling tinignan ni Yana si Prince Andrei na katabi ni Princess Jhohanne at prince Yuriko. Tinignan lang siya nito sa mata at kalaunan ay tinanguan at nginitian din siya nito.

Nang naglalakad na siya papunta sa gitna ay naka ngiti siya nang malawak, hindi niya alam kung dahil ba sa ngiti ni Andrei o sa pag cheer up sa kanya ni Yuriko.

Nang makarating siya sa gitna ay saka lang niya nalaman kung sino ang makakalaban niya, si Stephanie.

"And now the last players from the regular student is here. Yana Morgan and Stephanie Garcia. Let the battle begin" pagsisimula nang laban nang isang guro na nagsisilbing host.

Walang gumalaw sa dalawa dahil sa wala pa silang alam kung ano ba ang kapangyarihan nang bawat isa.

Kalaunan ay mabilis na tumakbo si Stephanie papunta sa pwesto ni Yana at hinawakan ito sa braso, hinawakan niya ito nang mahigpit na halos bumaon na sa braso ni Yana ang  mahahaba niyang mga kuko. Nagpumiglas naman si Yana kaya napaatras si Stephanie.

Napangisi naman si Stephanie sa hindi malamang dahilan.

Nangunot naman ang noo ni Yana nang unti unting nagbago ang itsura ni Stephanie. Ngayon ay kamukha na ito nang kahinaan ni Yana, si Yvonne.

Nagtaka naman ang ilang estudyante sa biglang pagbabago nang ekspresyon ni Yana, gulat ito at hindi makapaniwala.

Pero ang mga guro at ang mga prinsipe at prinsesa ay inaasahan na ang ganitong pangyayari, dahil ginagamit na ni Stephanie ang ability niya, ang copying. Isa itong ability na bibihira lang ang mayroon, maaari mong magaya ang mukha nang isang tao sa pamamagitan lang nang mimorya o kaya ay dugo nang isang tao. 

Iyon ang ginamit ni Stephanie laban kay Yana. Pinadugo niya ang braso nito at nang puntong dumampi na ang dugo sa balat niya ay nalaman niya ang kahinaan nito.

Naglakad si Stephanie palapit kay Yana na may ekspresyon parin nang pagkagulat.

"I-ivonne?" Nakakunot noong sabi ni Yana habang naka tingin sa kaharap.

"Bakit mo ako pinabayaan, ate?" Sabi nang kaharap nito.

"H-hindi kita pinabayaan" naluluhang sagot ni Yana.

"Pinabayaan mo ako!" Sabi nito sabay sugod kay Yana na hindi manlang umiwas sa bawat atakeng natatanggap.

Bigla nalang nagpalit ang kulay na itim ang dati ay gray ang suot na damit ni Staphanie.

"Oww shit" dinig nang mga mag aaral mula sa labas na isinawalang bahala lang nila.

Bigla nalang naging purong itim ang mata ni Yana sa puntong makita ang itim na damit, habang si Stephanie naman ay patuloy parin sa pag atake kay Yana. Ang katawan ni Yana ay puno na nang dugo na nagmumula sa sugat na likha ni Stephanie.

Nabigla ang lahat nang bigla nalang naging maitim ang aura ni Yana at mukha na rin itong wala sa sarili.

"I-itim. Itim. Itim. Itim" ani ni Yana habang daretsong nakatingin kay Stephanie, na napatigil sa pag atake

"Itim. Itim. Itim. Itim. Itim. Itim" pag uulit nito pero mas mabilis at pasigaw, hindi kagaya kaganina na medyo mabagal pa at pabulong lang.

Napasinghap ang lahat nang may lumabas na kulay itim na mahika sa kamay ni Yana at dumaretso sa direksyon ni Stephanie.

Nang puntong matamaan si Stephanie ay agad din itong nawalan nang malay at unti unting bumalik sa dati nitong anyo. Habang si Yana naman ay unti unti rin na bumabagsak sa lupa, ngunit bago pa siya tuluyang bumagsak ay may nakasalo na sa kanya.

"Yana"

*****

• VOTE • COMMENT • FOLLOW •

–Miss K

Galony Academy: The Long Lost Legendary Princess (SLOW-UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon