Chapter 1 - School Days are over.

15 0 0
                                    

“hoy, babaita, di ka ba masaya at top 4 ka??” sabi ni marc sa akin. Paano ba naman, lima lang pala ang kukunin para sa honors. Pang apat daw ako. Hinila ako ni marc para tignan kung sino yung buong  top 5.

 Nang makarating kami sa bulletin board, nakita ko sila Ayla, Katrina, at Pauline na mangiyak-ngiyak sa tuwa.  Si pau, daw eh, valedictorian, si Ayla, salutatorian a si  Katrina ay first honorable, tapos ako, second honorable at panglima, si marc.

 Kaya ayun, nakaassign pakong gumawa ng closing remarks para sa graduation namin.

“Ms. Roxanne Cruz Romero, gumawa ka ng closing remarks ah.” Sabi ni Ms. Juan sa akin, ichecheck nya daw bukas. Syempre, wala naman kaming ginawa kundi tumango na lang at gawin yun. Dapat daw proud kami at masaya.

“Roxanne, gawa tayo sa bahay” sabi ni Ayla.

“ayla, pass muna ako, dadaan muna ako sa bahay ni aling Lina, tutulong na lang muna ako.” Sabi ko.

“ganyan ka naman palagi eh, lagi kang tumutulong sa mga tao, pero di ka naman nasusuklian. Noong isang araw, tinulungan mo yung tinder ng mais na magluto, kahapon, tumulong kang magtinda ng fishball sa kanto, at kanina, tinulungan mo pa yung mga freshmen sa homework nilang matagal nang dapat tapos. Tulong ka ng tulong, mamaya, drug pusher na pala yang tinutulungan mo.” Masungit na sabi ni marc.

“eh bakit ba? Tumutulong lang naman ako. Haaaayyy, makaalis na nga muna, mamaya magusap tayo. Hehehe.” Sabi ko.

“basta guys, after ng graduation, walang kalimutan ah?! Mamimiss ko kayo.” Maiyak-iyak na sabi ni pau.

Tumango na lang ako, at umalis na. tirik pa rin ang araw, haaay, maglalakad na lang ako papunta kela aling Lina, na kapitbahay namin. Imbes na magtrycicle, pinili kong maglakad na lang a ng makatipid. Yung bahay namin, nasa isang compound. Yung CRUZ COMPUND, sa pinsan ng lola ni mama ata yun, kaya libre na kaming pinatitira dun, malapit naman yun kina Marc na sa kabilang compound lang. tapos, sila ayla, pau at Katrina, sa village na malalaki yung bahay, magaganda, sobra, yung talagang mayaman sila.

Natapos ko din ang lahat, ang pagtulong, ang paggawa ng speech at ang pagpapacheck ng speech . Para sa huling araw ng practice namin, magkasabay na kami ni Marc na pumasok.

“jusko, Roxanne, kay gwapo nung crush ni Katrina, at itinuro pa nya sa akin, eh, kay yaman pala nung Nathaniel Chase Merced, hubog yung katawan, hot, basta ang gwapo, yun nga lang playboy. ” sabi ni marc. Ewan ko ba, di ko naman naiintindihan yung iba nilang kwento, ni hindi ko pa nga nakikita yung lalaking yun eh. Ayon kela Marc, yun daw yung crush ni Katrina, na hinahabol-habol pa niya araw-araw para lang Makita sa university na papasukan namin. Kapag kausap ko sila, yun lang naaalala ko, yung “MERCED”, kaso, di ko pa nakikita, kaya, minsan, nakakalimutan ko talaga kung sino yun.

Nagdaan pa ang dalawang araw, at bukas na ang hinihintay naming pagtatapos.

“Roxannnnnnnnnnneeee!!!!!! Ano ba?! Aatend ba tayo ng graduation mo o hindi? May closing remarks ka pa sa graduation mo, oh ano?! Bumangon ka na!!!”

Bigla akong nagulantang sa sigaw ng nanay ko.. graduation nga pala. Haaaayyy, gagraduate din ng highschool. Bigla akong bumangon at nagpunta ng cr, para maligo.

Okey, top 4 ako sa batch ko, sa 10 section, top 4 ako, kaya  closing remarks ako at buti na lang natapos ko din yung closing remarks. HAAHAHAHA! At salamat, hindi rin ako nakatulog habang ginagawa yun.

Mahilig akong matulog, pero hindi ko naman kailangan ng prince charming para humalik at gumising sa akin. Tapikin, pingutin, tampalin at sigawan mo lang ako, magigising na ako agad-agad. Yun nga lang, MAPA ako. MAPAJEEP, MAPATICYCLE AT MAPASAANMAN , nakakatulog ako. Ewan ko ba, kung bakit ganito ako. HAHAHAHA. Bukod sa pagtulog, mahilig akong magbasa ng kahit anong libro at kahit anong papel na ibibigay mo sa akin…

“nak, maguniporme ka na, at tayo’y aalis na. ”sabi ni tatay.

“opo pa, sandali lang po.” Sagot ko naman.

“ngapala, pakibaba mo naman yung mga gel at hairpin, nang mapusod na yang buhok mo.” Sambit naman ni nanay.

Okey, ayusan nanaman ng buhok. Lagpas batok ang buhok ko, kaya pag pinusod, medyo naiiwan yung ibang maliliit sa ilalim. Yun ang trabaho ng hairpin, ang itago ang maliliit na buhok at yung gel naman, para sa baby hairs sa tuktok ng ulo ko. Habang patapos ng ayusin ang buhok ko, sumakay na kami ng tricycle ni tatay.

Ganito lang ang buhay ko, si tatay, nagtatricycle, si mama, may tindahan malapit sa palengke.  May apat pa akong kapatid. Yung dalawa, may asawa’t anak na, yung isa, engineer (lalaki sya) at yung isa naman ay nasa fourth year college, na may kursong financial management. Kung nagtataka kayo. Kung bakit ako nankakapagaral sa isang private school ay dahil ako ay isang scholar. Scholar ng school at  scholar ng mayor, yan ang mga scholarship ko. Ganun din si ate, kaya pagdating sa pagaaral, libre na si mama at papa.

“congrats!!!” sabi ni tito Al, ang tito kong nakasaklay na presidente ng People with Disabilities sa baranggay namin.

“Thank you po, tito !!” yun na lang ang sagot ko. Sobrang tuwa sila, kasi ako na lang ang highschool sa pamilya naming, kaya ayun, sobrang tuwa sila na gagraduadate din ako at magcocollege din.

Umalis na kami at pagdating sa venue, ay nagsimula na ang graduation. Pero sa pagtatapos ng graduation, may surprise daw si teacher sa amin.

Ang sinasabi nya palang surprise ay yung special awards.

“For the Most Optimistic, it is Marc!!” sabi ni Mam.

“thank you po mam ” sabay ngiti.

Si ayla, most lovable, si Katrina, most Quiet. (Biruin mo, may award pala pag tahimik?! HAHAHHAA.) at ako, syempre…..

“the most helpful award goes to…… ROXANNE” sigawan silang lahat. HAAHAHAHAH. May bago ba?!

“simula pa lang nung first year, matulungin ka na, sana wag kang magbago.” Yun ang sabi ni teacher.

Pagkatapos ng special awards ay naguwian na kami. Pagdating sa compound, ay may surprise pa silang ginawa para sa akin. Simple lang, pero masaya. Di ito siguro katulad nung kela Pau, Ayla at Katrina, na purong mayayaman at bongga ang handa ang pagkain at regalo. Pero, masaya to as in.

Binigyan ako nila mama ng backpack pang college, tapos yung mga ate ko, binigyan naman ako ng relo. At panghuli, binigyan ako ni tito jojo, (isa ko pang tito,) ng cellphone.

“Alam ko luma na ito, pero magagamit mo pa rin ito.” Sabi nya. Luma yung cellphone pero okey na rin.

“college na tong anak ko!!! Ano kayang mangyayaring bago sa iyo?” tanong ni papa.

Ngumisi lang ako at inisip din yun, ano kaya ang mangyayari sa akin? HAHAHAA. Well, excited na rin ako.

Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon