CHAPTER 7 - KATRINA'S BIRTHDAY

5 0 0
                                    

Makalipas ang ilang araw, SABADO na rin. Ibigsabihin, birthday na ni Katrina. Masaya kami at kumpleto ang kanyang Birthday. Buti na lang talaga, pumayag yung lintek na lalaking yun, kundi…. HAAAAY, baka magpakamatay si Katrina.

Anyways, kanina pa ako gising. Nagaayos lang ako ng mga dadalhin at gagamitin ko. Syempre, inayos ko na rin yung regalo ko, dahil kasama ako sa 18 candles. Ang naging regalo ko ay isang scrapbook. Kailangan kong gawing espesyal, syempre, mamahalin ang ibibigay nila Pau, ay Ayla, kasi mayayaman naman yun, pero, kami ni Marc, medyo simple lang. eto lang yung kasya ng aming pera eh.

Natapos ko na rin ang pagaayos, pero wait?! May kulang. Hmmmmm. WALA AKONG DAMIT!!!! WALA AKONG DRESS. Shocks, saang banda naman ako kukuha ng damit???

Nakaisip ako ng tatlong paraan:

1.       Humiram kay Ayla

2.       Humiram kay Ate Selle

3.       Bumili.

Syempre, out na kaagad yung pangatlo. Wala nga pala akong pera. Lumapit ako sa ate ko, pero, wala din daw syang damit. Yung damit na hihiramin ko sana ay napakaluwag.  Baka mahubuan pa ako. Kaya ayun, tinext ko na lang si Ayla.

Ako:

Ayla? Favor?

Ayla:

Whaaattt poo?

Ako:

May extra dress ka ba? Peram naman. Wala pala akong damit para mamaya.

Ayla:

O sige, punta ka na lang, tas, sabay na tayo pumunta sa venue. Sama mo na rin si Marc. Agahan natin.

 Kaya ayun, pumunta na rin ako sa bahay nila pagkakain ng tanghalian. Sinundo ko si Marc.

“Eto na lang ang ipahihiram ko sayo.” Ani ni Ayla. Sabay kuha ng isang yellow lace dress na may ribbon sa likod.

“Uy, ang ganda naman nito masyado.” sabi ko.

“wala yun, suotin mo na yan at plantsahin natin yung buhok mo, para magflat, kaysa sa itali natin.” Sabi nya.

Natapos kami ng mga 3:00. Naplantsa ni Ayla yung buhok ko, tapos nilagyan nya ng headband na may nakadikit na eleganteng flowers. Tapos, nilagyan nya din ng foundation yung mukha ko.

“naks, roxanne, ang ganda mo na.” sambit ni Marc.

Tinignan ko yung itsura ko sa salamin at OO NGA! Ang ganda ko.!!! HAHAHAHA. Minsan lang to. CINDERELLA ang peg!!!!!! HAHAHAHAH. Anyways, umalis na din kami. Masaya naman ang buong byahe. Kasama rin namin si Pau at Ben.

Pagdating sa venue, wow! Ang daming tao. Ang daming pagkain. Ang daming regalo. Lumapit kami sa table at nilagay ang regalo naming apat. (yung frame, remember?)

Speaking of ‘madaming tao’, asan si Nathaniel??? Hmmmm. Maya – maya pupunta naman siguro yun. Kaya ayun, nakipagkwentuhan kami sa mga classmates namin. Andun si Claire, Jerick at Mia. Ang dami. Masaya naman.

10 minutes na lang bago mag-umpisa at napagdesisyunan naming kumain at uminom. Kasama ko si Marc at habang nagsasalok ako ng juice mula sa punch..

“EMERGEDDD!!!! ANG GWAPO NIYA.” Tili ni Marc. Paglingon ko, andun ang HARI. Oo, si Nathaniel Chase Merced. Naka coat and Tie, tapos may roses na bitbit. Kung papansinin, saktong-sakto lang yung suit nya. Makikita mong nagfe-flex yung muscles nya tapos, yung buhok nya, well groomed.

Habang tinitignan ko sya, feeling ko, may lumalabas na laway sa bibig ko. Tapos, biglang nagsalubong yung mga mata namin at nagiwas tingin ako kaagad. Nahiya ata ako.

Maya-maya nagstart na ang party, speech nung papa, mama, mga kapatid at pinsan. Tapos si Katrina naman ang nagsalita. Maya-maya, 18 candles na. ayun, mga nagtayuan na kami.

Habang naglalakad ako, napansin kong nakatingin si Chase sa akin na nakataas ang kilay. Ang hayop, minamata ako. Kaya ayun, pagkatapos magsalita ni Pau, ako naman.

“Uhm, hello Katrina, 18 ka na. alam mo Katrina, ikaw ay isa sa mga taong lagging nandyan para sa mga kaibigan nya, kahit nagbago ka na ng pananamit, sana ikaw pa rin ang Katrina namin. Sana wag magbabago ang ugali mo at sana patuloy mo pa rin kaming maging kaibigan kahit saan ka mapunta. Yun lang, thank you and I love you always.” Sabay yakap at bigay ng regalo ko sa kaniya.

Natapos din ang 18 candles…. At 18 ROSES AND DANCES NA. Ang balita ko, panghuli yung crush niya….

Una, syempre, Papa nya, tapos,

Kuya nya,

Tapos, 2 tito nya,

Tapos, ilang pinsan, tapos,

Ilang kaibigan, (kasama si Marc),

Tapos, finally, si NATHANIEL CHASE MERCED.

“Ayan naaa!!!!!!!!! DREAM COME TRUE” sabi ni Pau sa amin.

Habang tinatawag ang siya, napansin kong tamad na tumayo si Chase, habang si Katrina naman ay tuwang-tuwa na naglalakad. Enthusiastic na enthusiastic ang mukha ni Katrina, samantalang si Chase, tamad na tamad.

Habang naglalakad si Chase, papuntang gitna, tumingin sya sa akin, at tinaasan ng kilay. Napansin nya atang nakasimangot ako sa kanya.

Anyways, ayun, nagtagpo din ang dalawa. Alam niyo ba yung scene sa Cinderella nung sumasayaw sya kasama nung Prince? Ganito to. Yung parang FAIRY TALE ang peg ni Katrina. Ang daming nagpipicture.

Pero, kung pagmamasdan mong maigi, si Katrina lang yung ngiting-ngiti, si Chase HINDI.

“Mga pre, parang si Katrina lang yung masaya ah? Tignan mo si Chase, parang, nakasimangot naman.” Sabi ni Ben. Which is kinda true. Ni hindi nga ngumimgiti si Chase.

Anyway, natapos din ang sayaw. Natapos din ang program. At syempre, si Katrina na ang huling nagsalita. Ang daming ‘thank you’ ang sinabi nya. Kaya habang nagsasalita sya, nakita kong lumabas si Chase. Sinundan ko.

Habang papalakad na ko, nakita kong naglakad sya, papuntang sasakyan nya. Tapos nung malapit na sya…

“Happy? Your bestfriend’s dream finally came true.” Sabi nya.

“Uhmmmm… oo. Thank you din sa pagpunta.” Sagot ko.

“May napapala ka ba dito? Sa paggawa ng mga ganitong bagay? I bet you don’t. Gagawin din ba nila to sayo? ” bigla nyang sinabi.

“Oo. May napapala ako dito. Masaya ako, kasi masaya sila. Di nila to gagawin sa akin, kasi, hindi naman ako patay na patay sa iyo. ” sagot ko naman.

“tulong ka ng tulong sa iba, pero, sarili mo, hindi mo matulungan.” Sagot nya sa akin at umalis na papasok ng sasakyan.

GRABE LANGS?! YUNG TOTOO?! Wala syang pakialam sa akin, dahil hindi nya ako kilala.

Matapos nun, bumalik ako sa loob at nakita ko ang masayang mukha ni Katrina.

Lumapit sya sa akin.

“Thank you, Roxanne, ikaw ang tumupad sa pangarap ko.” Sabay yakap sa akin. Matapos nya akong niyakap, masaya syang lumipat sa iba pang tao.

Diba, masaya ka naman Roxanne, sa pagtulong? Diba? Diba?

Kaya ayun, naiwan akong nakangiti sa kawalan, habang pinagmamasdan ang lahat na masaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon