CHAPTER 4 - NATHANIEL CHASE S. MERCED... SOUNDS FAMILIAR

8 0 0
                                    

Pag-uwi ko, nakita ko si tatay na kumukuha ng mga itlog sa buslo at nilalagay sa tray. Nagmano ako at pagkatapos ay tumulong na rin, habang andun din si kuya Daniel (kuya ko talaga.) na nakaupo.

“alam mo, sobrang nagpapasalamat ako sa kompanyang pinapasukan mo, ang ganda ng benefits at kahit na sobrang dami ng employees nila, nagagawa nilang sustentuhan lahat ng pangangailangan ng bawat engineer.” Sabi ni Papa.

Oo, electrical Engineer si kuya. Dalawang taon na syang graduate, kaso, sa malayo sya na assign, kaya lingguhan lang ang uwi nya. Di ko nga alam kung bakit andito to eh. Tuesday lang ngayon.

“oo nga po pa. sobrang hanga ako sa pinapasukan ko, at sobrang salamat na rin ako dito. Sobrang galing ng mga MERCED mag-handle ng business nila.” Sagot ni kuya.

Biglang nagpantig yung tenga ko. Tama ba yung sabi ni kuya? MERCED????

“Hey future CEO of MERCED ACHITECTURAL DESIGNS AND HOMES!!!” parang radyong biglang nagplay back yung sinabi nung lalaki kanina. Totoo ba talaga yun? Na CEO yung hayop na yun?

“MER-CED?” sigaw ko.

Biglang tumingin si Papa at si kuya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

“MERCED kuya?” dinugtong ko.

“oo, Roxanne, dun ako sa kompanya nila nagtatrabaho. Sa Merced Architectural Designs and Homes. Bakit?” kinumpleto nya pa.

Bago ako makasagot, nagsalita na si tatay.

“halika na nga at pumasok na tayo, nang makakain na. ikaw, Roxanne, magpalit ka na ng damit mo.”

Kaya ayun, pagkapasok ko ng kuwarto ko, nagpalit na rin ako agad. Pagkababa ko[TPM1] [TPM2] , kumakain na sila.

“Alam niyo, mag-aral kayo ng mabuti ah, mahiap makahanap ng scholarships sa ngayon. Salamat na lang kayo at nailakad ko kayo sa mayor at yung tita nyo, nailapit kayo sa mga MERCED.” Sabi ni mama.

MERCED, again and again? Bakit sya ulit yung naririnig ko? Bakit?

“Mama, diba, ang sabi nyo, scholar ako ng isang Mental Rehabilitation Center? Paano naman napasok yung Merced dun? Dba, sa architecture at engineering lang yung mga yun? ” sabi ko.

“Di mo ba alam na isang Merced ang may hawak nun? Pinagawa nila yun, kasi, yung isang kapatid nung may-ari nung Merced Architectural Designs and Homes, ay isang Psychiatrist. ” sagot nya.

Aaaaaahhhh. Now I know. HAHAHAHA. Pero kaano-ano naman nung lalaki yung mga Merced, kung sya yung ‘future CEO’, edi ibig sabihin…. ANAK sya?

“Atsaka, ang galing nga eh, yung mga SALAZAR naman, nabili yung kalahati ng school.” Sabi ni ate Selle.

Sino naman kaya yun?

“s-sino po yun?”tanong ko.

“SALAZAR-MERCED. Yun yung buo. Asawa sya nung Merced na may-ari nung Merced Architectural Designs and Homes.” Sabi ni ate. “Yun naman yung scholarship ko pang isa, yung sa may-ari ng school. Sa loob kasi ng school at pati sa iba pa nilang kompanya at negosyo, may 500 scholars sila. At ang masaya nun, kasama tayo dun Rox. ” dagdag nya.

Wala na kong masabi ngayon. Dapat pala di ko sya tinanong kung sino sya. Napahiya pa tuloy ako.

“Eh pano ba naman, iisa lang yung anak nila. Kaya dapat lang mamigay sila ng yaman nila.” Sabi ni Tita Tess na asawa ni Kuya Al.

“Ah oo, ano nga ulit pangalan nun? Hmmmmm. Nathaniel.. ano ulit yun?” tanong ni Tito Al.

“NATHANIEL CHASE S. MERCED po.” Sagot ni kuya.

Wait…. NATHANIEL CHASE S. MERCED???? Sounds familiar.

Pagkakain, nagpasya akong gumamit ng computer, sabi ko, magreresearch lang,

Luma na tong computer na to. Nakuha lang to ni papa at ni tito sa isang nagsarang computer shop sa kabilang kalye. Medyo may sira na to, pero, okey lang, mabagal nga lang. ang sabi kasi nila ate Beng, (ate ko talaga, na nasa ibang bansa, caregiver kasi.) bibili daw sila ng laptop pag nakaipon na. Kaya magtiyaga muna daw.

Kaya ayun, habang naglo-load pa to, inisip ko. Nathaniel Chase Merced??? Bakit parang kilala ko na ewan. Binuksan ko yung facebook at sinearch kaagad.

Bumungad sa akin ang isang lalaking nakahubad, bilang profile picture na, kitangkita mo yung abs nyang Shiny. Ang daming likes!!!!! Higit tatlong libo ata.

ABA!!!! Ang dami pang comments.

“HOT.. I’M CRAVING!!!”

“Deliciously handsome, can you be mine?”

“My o my, pwede akin ka na lang???”

Puro ganyan. And take note, kaninang tanghali lang ata sya nagpalit ng picture. GRABE, ang daming naglalaway sa kanya. Nga pala, eto yung description:

Who am I?

I am Nathaniel Chase Salazar Merced,

Future CEO of MERCED ACHITECTURAL DESIGNS AND HOMES.

So do not FUCKING MESS WITH ME!

 

And speaking of his description, parang ako yung pinaparinggan nito ah?! Eh hindi ko naman sya friends at ayaw ko, tapos bawal na atang magaacept to, dahil puno na, puro follow na lang..

Wait.

May mutual friends kami????

Pagclick ko.

1 mutual fiend – Katrina Shine Arrante.

WHAAAT? SI KATRINA?

 

WAIT. WAIT. WAIT.

Kinuha ko agad yung mini slambook naming magkaklase nung fourth year, na nasa kuwarto ko. Di nga ako nagkakamali….

 

‘Who is your true love?’ Yun yung tanong dun, tapos ang sagot ni Katrina… ay si Nathaniel Chase Merced. Ngayon alam ko na. kaya pala. Sya yung crush ni Katrina, na lagi nyang inii-stalk, na lagging kinekwento ni Marc sa akin. 

 

Kaya pala. Now I know why he sounds so familiar.

Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon