CHAPTER 5 - KATRINA'S WISH

7 0 0
                                    

Kung nagtataka kayo kung anong nangyari sa facebook ko, wala. Walang nangyari. Una, ayoko na ulit syang Makita, pangalawa, baka isipin nun, na isa rin akong timawa na nagaabang na mapansin nya. Hindi ako maganda, pero, hindi ako bobo. Kaya ayoko. Bahala na si Katrina dun. HEHEHEH.

 Pero, ngayon ko lang din napagisipan na nung iview ko yung profile ni Katrina, nagbago na sya. Dati nerd lang to eh, pero after ng graduation, may mga sinasamahan na syang modeling blah-blah. Dati nga, mas makinis pa ko eh, pero ngayon, flawless na sya!!! Well, yun ang magagawa ng kapangyarihan ng pera! Oo, mayaman sila ayla, pau at kat, kami lang naman ni marc ang anak ng kahirapan.

Mga engineers ata ang mga magulang ni Katrina, kaya siguro, ‘close friends ang kanilang parents ni Merced.’ Last year na pala nya sa college, kaya next year siguro, dun na sya magtatrabaho bilang CEO diumano. HAAHAHAA. Kaya pala, ngayon ko lang nagets.

NAGPAPAGANDA SI KATRINA, PARA MAPANSIN SYA NI MERCED!!!!

 Kaya ayun. Dami kong naisip no? Lumipas din ang isang buwan na hindi ko nakikita yung MERCED na yun, at wala na akong balak pang Makita ulit. Kapag nagsasabay kami ni Marc, sa gate A na lang kami nagkikita.

“WAHAHAHAHAHA!!! Tapang mo din eh no? kung ako yun tatakbo na ko sa takot.” Sabi ni Christine.

“At di pa yun, talagang tinanong mo pa, kung sino sya. Di mo ba talaga sya kilala? Ako, nung nasa highschool pa lang ako, rinig na rinig ko na yung pangalan nya, dati nga crush ko pa sya eh, kaso, ganun pala ugali.” Sabi naman ni Camille.

oo. pinili kong sabihin sa kanila ang lahat. Para pag ma nanyaring iba, may lalapitan ako bukod dun sa mga kaibigan ko nung highschool.

“ayan, sa kagustuhan mong tumulong, napahamak ka tuloy. Kung sino-sino kasi tinuntulungan mo eh. HAAHAHAHA.” Ani ni  Mae.

Nasa Cafeteria kami ng building ko, habang nagpapahinga matapos ang isang madugong quiz sa PSYCH 1.

KRIIIIING! KRIIIINGGG!                                                                                                                   

Tumunog yung cellphone ko.

“Wait lang guys ah, sagutin ko lang.” sabi ko. Lumabas muna ako.

“Hello? Ayla? Bakit?”

“Uy, pwede ka ba mamaya? Magkita tayo sa coffee house sa gate A.” sabi ni ayla.

“Bakit? Anong meron?”

“Malapit na po yung birthday ni kat. Baka gusto nating pagusapan ang regalo natin.”

“Aaahhh, o sige. Pupunta ko. Babye.”

“kita kits mmaya. Babye.”

Kaya ayun. Pagkatapos ng isa pang klase namin na may nakakanosebleed na quiz, dahil prelims na pala next week, kaya pala may mga review quiz kami.

Nagpaalam na ko dun sa tatlo at pumunta sa coffee house. Andun na pala si Marc, Ayla at Pau.

“ano magandang regalo?” sabi ni Ayla.

“libro na lang kaya? Pinublish na yung favorite book nya eh.” Sagot ni Pau.

“Wag, nagbago na si Katrina, di na sya nerd no. may mga bagong gusto na yun. ” sabi ni marc.

“Ano naman? Lipstick? Make-up?” sabi ko.

“wait nga muna. Dapat unique, kasi 18th birthday na nya at kailangan ng bongga, dahil bongga din yung event.” Ani ni Pau.

“San ba gaganapin?” tanong ko.

“Sa Centurian Hotel daw.” Sagot ni Ayla.

“oh? Grabe, ang galing naman ng parents ni Katrina noh? Nakakuha sila ng slot sa hotel na yun. Grabe.” Ani ni Marc.

Ang Centurian Hotel kasi ay hotel na napakaganda, napakamahal at napakagarbo. Puro mayayaman, CEO ng kung ano-anong kompanya ang tumutuloy dun. At kapag dun ka nagbirthday, kinasal o kahit ano, sigurado, bukas nasa dyaryo ka. Ganun sila kabongga.

“Ang balita ko, tinulungan daw ni Mr. Merced yun eh. Pano ba naman, kung ang tatay mo ay engineer dun, lahat ng gugustuhin mo para sa anak ng birthday mo, tutulong yung si Mr. Merced. Kahit nga ata hilingin mo na sa Saturn ka maghanda ng Birthday, okey lang eh. HAHAHA. ” pagbibiro ni Pau.

“kaya nga, dapat bongga ang gift natin eh, kasi, magsasalita tayo sa harapan eh, 18 candles ata tayo. Nga pala, hiwa-hiwalay tayo ng gift, tapos may isang buo na bigay natin. Okey ba?” sabi ni Ayla.

Kaya ayun, umabot din kami ng ilang oras kakausap ng mga kung ano-anong bagay. Nanlibre pa si Pau ng Latte kaya mas masaya. HAHAAHAA. Sa kadulo-duluhan ng kwento, napagdesisyunan ng grupo na isang picture frame na may mga collage sa loob na nagpapakita diumano ng kanyang “METAMORPHOSIS.”

Sabay-sabay na kaming umuwi at ihahatid daw kami ni Pau. YES! LIBRE SA PAMASAHE!!!! Pero nung nasa labas na kami ng shop, nakita namin si Katrina na nasa bench, humahagulgol. Oo, tama kayo! HUMAHAGULGOL, Hindi umiiyak.

“Katrina, bakit? Sinong nang-away sa iyo? Ano?” natatarantang sabi ni Marc.

Umiiling lang sya. Grabe, pulang-pula na sya. Halos, wala nang makeup yung mukha nya. Medyo matagal din bago sya nakapagsalita.

Pagkatapos uminom ng tubig, nagsalita sya.

“Pumunta ako ng Department of Architecture, hinanap ko si Nathaniel, para ibigay to sa kanya.” Sabay lahad ng isang invitation. “kasama sya sa 18 roses and dances ko, pero tumanggi sya.” Dagdag nya.

YUN LANG?! YUN LANG ANG NANGYARI?! NAPAKABABAW NAMAN NG ISANG TO, TINAGGIHAN LANG PALA EH, KALA KO, PINUNIT OR SOMETHING.

“Pero, pinilit ko sya.” Nagsalita uli sya. Yumuko sya. “Lumapit ako sa kanya at nagmakaawang umattend sya, pero ayaw nya. Tapos, bigla ko syang niyakap sa likuran nya.” Dagdag nya, habang tumutulo ang kanyang mga luha.

NIYAKAP?! ARE YOU DESPERATE KATRINA?!

“Tapos humarap sya sa akin at tinanggal yung pagkakayakap ko sa kanya, tapos, hinagis nya yung invitation sa lapag.” Sabay hagulgol uli.

Grabe. Wala akong masabi. NAPAKASAMA NG UGALI NYA. USO NAMANG MAGSINUNGALING NA MAY LAKAD SYA SA ARAW NA YUN AH!!!!!!!!

“AYOKO NA! AYOKO NA! DI KO NA KAYANG MAG-DEBUT KUNG WALA SYA. IPAPACANCEL KO NA LAHAT.” Sabi nya.

“WAG!!!!” sabi naman naming apat.

“Bakit? Ano pang silbi kung wala sya? MAHAL KO SYA!!!!” sabi ni Katrina.

ANO DAW?! MAHAL?! UTANG NA LOOB AH!?

“KATRINA, wag mong icancel. Aatend sya ng debut mo. Gagawan namin ng paraan.” Sabi ni Pau.

Napatingin ako kay pau. Pinandilatan ko ng mata!!! Pano naman namin gagawin yun?! Tapos, may idinagdag pa si Katrina.

“That’s my only WISH, ang makasayaw sya.”

Pagkaiyak, umuwi na rin si Katrina, dahil dumating na ang service nya. Kami rin pumasok na ng sasakyan.

“Guys, kailangan nating magawan ng paraan to, it’s our ultimate gift to Katrina. Ikaw Marc, ikaw ang archi dito, we have until next week to convince him. pagtapos ng prelim, debut na ni Katrina. Kailangan nating gawin to.” Utos ni Pau.

“Oonga, kayo muna, marc and rox, pilitin nyo.” Sabi ni Ayla.

“HA?! AKO? May quizzes at researches pa akong gagawin. Kayo na lang muna, pero tutulong ako, promise.” Sabi ko. Ayokong lumapit dun noh.

“O sige, bukas tayong dalawa ah, Ayla.” Sabi ni Marc.

“Basta magtext kayo kung anong nangyari.” Sabi ko.

Pero paano nga ba? Di naman papaya yung hayop na yun eh. Si Katrina nga, tinanggihan, eh kilala nya yun, paano pa kaya kami?

HOW WOULD I MAKE KATRINA’S WISH DO COME TRUE?

Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon