CHAPTER 6 - OPLAN SEARCH FOR MERCED

7 0 0
                                    

Sa lahat ba naman kasi ng taong magugustuhan ni Katrina eh, yung lintek na Nathaniel pa yun. HAAAAAAYYYY. Pwede naman si Genico na varsity player, si Noah na lead vocalist ng grupong sikat dito o kaya si Jerick na math wizard. Ang daming tao. Bakit sya pa? kung pwede lang turuan yun eh. Kaso hindi.

“eh kung gamitin mo kaya yung nakita mo friend? Madali lang yun, blackmail! Masaya yun.” Sabi ni Christine.

“may maniniwala kaya sa akin? Feeling ko wala.” Sabi ko.

“alam mo roxee, may maniwala man sayo o wala, lalabas yung balita. Pagpiye-pyestahan yan ng university paper. Baka nga bayaran ka pa nila eh. Hindi lahat ng tao, mahal sya, rox, kaya kung gagawin mo yun, madami ding matutuwa.” Sabi ni Camille.

Tama sila, kaso, huling resort ko na yun. Kanina, tinext ko yung dalawa (ayla at marc) ng goodluck. Nawa’y mapilit nila.

Nagklase kami, nagquiz at nagkung ano-ano pa. nung hapon na, nilabas ko yung cellphone ko, at nakitang may text.

Marc:

Badnews.

Nireplyan ko:

BAKIT??

Marc:

Ayaw nya.

Ako:

Anong sabi?

Marc:

Kwento ko nang buo, kita tayo tom. Pagod na kami. Hirap pa lang hanapin nung taong yun.

Kaya ayun, bukas na lang daw. Saturday naman bukas eh, kaya okey lang.

Pinagawa ko kay Tito Fredo (kapitbahay lang) yung frame. Marunong naman sya at dati na akong tumulong sa anak nyang nahihirapan sa English na pumasa dahil sa akin. Utang nya raw sa akin yun. Kaya ayun, sya yung gumawa ng frame para sa akin.

Nagkita kaming apat uli sa bahay ni Pau.

“Di na ko lalapit sa lalaking yun, kala mo kung sino.” Sabi ni Ayla. Habang nagsasalita siya, tumatango rin si marc at Pau.

“Kahapon din eh, tumulong si Ben, since archi sya, pinuntahan nya rin si Nathaniel, pero wala rin, tumanggi rin.” sabi ni pau. Si ben ay ang boyfriend ni pau na second year college na.

“Alam niyo ba ung feeling na itapon ka sa basurahan? Grabe, parang ganun yung ginawa nya sa amin. Pumunta kami para makipagusap ng matino tapos sabi nya wala daw syang panahon sa mga katulad naming walang kwenta.” Maiyak-iyak na sabi ni Marc.

“Tinawag nya kayong walang kwenta??? Napakakapal naman ng mukha nya. ” sabi ko

Grabe, naiinis ako. Gusto ko syang sapakin. Humanda-handa sya sa akin. Hahanapin ko sya.

“Ano nang gagawin niyo?” biglang nagsalita si Ben. Andito pala sya.

“Ang hirap kausapin nun, kasi, HARI sya sa Architecture Department. Lahat sumusunod sa kanya. Lahat kaya nyang gawin. Ang hirap pang hanapin. Ako nahanap ko sa isang club. Pumunta pa ako dun. Kayo, san nyo nahanap?” dagdag ni Ben.

“sa isang club din.” Sabi ni Ayla.

“nagpunta pa kayo ng Club?” tanong ko.

“oo. Ngpunta pa kami dun. Baka mamatay si Katrina kapag di umattend yun eh.” Sabi ni Marc.

HAAAAAYYY. Paano na nga ba? Ano? Gagamitin ko na baa ng huling alas ko?

Monday na rin at start na ng Preliminary Exams. Kailangan kong galingan. Sa Friday pa to matatapos at kailangan kong hanapin yung mokong na yun. Kaso, saang lupalop ko kaya hahanapin yun?

Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon