Nakatulog naman ako, kahit papaano at ganun ulit, papasok na ako, kasama si marc. Nung, naglalakad ako, kinapa ko sa gilid ko yung key chain ko, na may picture at pangalan ko. Binigay sa akin yun ni Ayla. Pero, wala. Hala? San kaya napunta yun?! Biglang nagflashback ang lahat sa akin.
Hindi, hindi, hindi naman nya siguro nakuha yun, madaming tao sa paligid, at baka may nakapulot na iba at nilagay sa lost and found. Pero pano kung nakuha niya? Hindi pwede!!!
Niyugyog ko ang ulo ko habang papasok sa room.
“uy friend, mukhang haggard ka ah.” Sabi ni Christine.
“ah, pagod lang sa homeworks, ang dami eh.” Pagsisinungaling ko.
Laboratory subject ito, kaya mula 7 ng umaga, ay andito kami hanggang 12. Ang susunod na klase namin ay mamayang 1:30 pa, kaya, may panahon pa akong hanapin yung nawawalang key chain ko.
“mga friend, may hahanapin lang ako ah.” Sabi ko.
“ano yun?”sabi ni Camille.
“yung key chain ko, nawawala kasi.”
“tulungan ka namin. San ba nawala?” sabi nya.
Hindi ko pwedeng sabihin na nasa building ng architecture, kasi, malalaman nila ang lahat, kaya ang sabi ko, sa library lang.
Umalis na ako kaagad. Habang naglalakad, may nakita akong matandang babae na maraming bitbit.
“tulungan ko na po kayo.” Sabi ko.
“nako, maraming salamat, dun lang ako.” Sabi nung matanda.
At sakto naman, dun lang din pala sa building ng architecture, kaya okey lang. pagkabigay ko ng mga gamit nya, naglakad na ako. Nagmasid-masid ako, sa pagbabakasaling Makita ko, pero wala…. Nung naglalakad ako ulit, may nakita ako ulit na matanda, kaya tinulungan ko.
Natapos din ang pagtulong ko sa kanya, kaya pagdating ko sa second floor, pumunta na ako sa lost and found.
“uhm mam, hello po, mayroon po bang naligaw na key chain dito?”sabi ko dun sa isang personnel na nakaupo.
“pakitignan na lang dun sa box.” Sagot nya.
Tumingin ako, may limang key chain, pero di naman yun. Kaya wala din.
“sige po, thank you po.” Sabi ko.
Pagkalabas ko,nakayuko lang ako at bumuntong hininga ako at.. BAAAGGG! Tumama ako sa isang tao.
“Is this what you’re looking for?” sabi nung lalaki. Unti-unti, itinaas ko ang aking ulo, at SIYA NGA! SYA YUNG NAKITA KO.
Unti-unti akong tumango, at aambang kukunin yung key chain pero, itinaas nya pa lalo yung kamay nya.
Matangkad sya. Di naman higante pero saktong sakto sa katawan nya. And speaking of katawan, ibang-ibang sya sa nakita ko kahapon na nakahubad. Nakalongsleeves lang sya, then may neck tie na maayos. Yung buhok nya, maayos, yung panga nya, parang perpekto, at pag tinignan mo yung mata nya, kulay brown na madilim, makinis, medyo mapula ang labi. Matipuno sya, gwapo…. Kung kahapon, mukha syang PORN STAR SA KATAWAN NYA, ngayon hindi. PARA SYANG PERPEKTONG NILALANG, MUKHA SYANG MODEL na sobra-sobra sa kagwapuhan. Wait nga. Ang tagal ko na atang nakatingin sa kanya, baka maglaway na ko nito.
“o-oo sa akin yan.” Nauutal kong sagot.
“alam kong alam mo na ako yung nakita mo kahapon.”sabi nya.
Di ako makagalawa, parang nanunuyo yung lalamunan ko at walang masabi. Ano bang sasabihin ko? Na sya nga yung nakita ko?! Magsosorry?! Ano?!
“kahapon, ang lakas ng tili mo, parang nakakita ka ng multo, pero di lang yun, ang lakas ng loob mong pumasok sa CR. BILIB AKO SAYO.bakit, ano bang iniisip mo? May nire-rape?” sabi nya, na parang iniinis akong ewan, tapos tuma-tawa pa.
Naiinis ako, ang kapal ng mukha nito?! Parang ako pa yung may kasalanan na nakita ko silang ganun. Hayop. Kaasar.
“Eh bakit ba? Naiihi ako nun eh.” Matapang na Sagot ko.
“ang tapang mo rin noh? Kala mo kung sino ka.” Sabi nya, sabay head to foot sa akin. “Freshmen ka pa lang siguro noh? Di ka pala archi. Tapang mo. Ano ngayon, ipagkakalat mo yung nakita mo?” sagot nya.
Ang hayop na to, ang yabang ng hayop na to. Kala mo kung sino.
“eh ano ngayon kung ipagkalat ko?! Diba mali naman talaga yung nakita ko at ginagawa nyo sa CR? Atsaka sino ka ba sa inaakala mo? ” sagot ko. Nakita kong magsasalita sya, tas biglang….
“Hey future CEO of MERCED ACHITECTURAL DESIGNS AND HOMES!!! sino yang kasama mo? ” sabi nung isang lalaking maputi na dumaan tapos sobrang bango, nung dumaan.
Dapat may sasabihin pa ako eh, kaso, dumating na yung mga kasama nya. Nakita ko yung babaeng kasama nya nung isang araw na ngayon ay nakauniform na rin. Ang tangkad na, nakahighheels, tapos may bitbit na maliit na bag na may ‘C’, so I assume, it was CHANNEL. Grabe, mukhang mayayaman tong mga to. Yung babae, mukhang gulat na gulat nung nakita ako.
And speaking of gulat, tama ba yung narinig ko? CEO yung lalaki?!
“Chicks mo pre?” sabi naman nung isang lalaking chinito na maputi na may braces.
“Wag na lang pre, yan, chicks ko?” sabay head to foot sa akin ulit. “NEVER” matigas nyang sabi. “lika na nga, nagaaksaya lang tayo ng panahon dito.” Dagdag nya.
Tumalikod na kaagad sila, at nahuli yung lalaking CEO daw, tapos, bigla syang lumapit sa akin at bumulong.
“Sino ako ah… Hmmmmm. Paano kung sabihin kong kalahati ng universiting pinapasukan mo ay sa akin? Well, I assume, kaya kahit yung maliit na cr ay sa akin, kaya, kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko. Ikaw ang trespassing sa pag-aari ko. Ngayon tell me, ROXANNE ROMERO, whose fault is it??” bulong nya. Sabay hulog nung key chain ko sa baba.
Kinilabutan ako sa boses nya. Yung boses nya nung sinasabi yun pangalan ko eh, nakakatakot. At aba, pinamukha pa nung isang iyon na ako yung mali?! Di porket sa kanya yung school (kung totoo man, ) eh tama yung ginawa nya.KAPAAAALLLL!!!!!
Sa pakikipagusap ko sa kanya, parang 10 oras akong nawala, pero ang totoo, isang oras lang naman. Kaya ayun, naglakad ako pabalik. Habang naglalakad, kinain ko yung baon kong mga tinapay.
Pagkabalik ko, nakita ko sila mae, Christine at Camille na nasa corridors.
“wow, nakita rin.” Sabi ni Mae.
“Ah oo, nakita ko na rin.” Sabi ko.
Pagkatapos ng dalawa pang subject nag-uwian din kami. Hanang naglalakad, iniisip ko, kaninong kasalanan ba talaga yun? Sa akin, dahil, pakelamera ako, at binuksan ko yung pinto, o sa kanya na, gumagawa nun sa loob ng CR?
BINABASA MO ANG
Endless Chase
Любовные романыMahilig ka bang tumulong? Yung tipong sila muna bago ikaw? Meet Roxanne - ang babaing gagawin ang lahat para sa mga taong mahalaga sa kanya. Pero paano kung dumating ang lalaking magpapaibig sa kanya, kaso sa maling panahon? Would she chase for the...