Chapter 2 - FIRST DAY, SPG AGAD?

13 1 0
                                    

Dalawang buwan din ang lumipas at june na ulit, pasukan nanaman. Syempre, college na  kami.

“Anak, eto oh, 120 ang baon mo bawat araw ah, alam ko, kulang yan, pero pagtiyagaan mo na ah.kaya, magbaon ka na rin ng tinapay. ” Sabi ni mama.

“opo, mama.” Sagot ko. Oo nga, medyo malayo din sa bahay yung school ko ngayon. Di tulad dati na, kahit lakarin ko ay, okey lang, pero ngayon hindi, kahit anak ka ng kasipagan o ipinaglihi ka sa masisipag, hindi mo pwedeng lakarin ang school, kasi malayo. Kinompute ko na rin agad, yung pamasahe ko. Sampung piso, para sa jeep, na papuntang sakayan ng pa-university namin at 15 pesos naman pa university na. pero, kung inaakala nyong dun na natatapos ang byahe, nagkakamali kayo, dahil may isa pang tricycle, papuntang building, pero para mas makatipid, lalakarin ko na lang. kaya ayun, kung 25 pesos papunta, at 25 din pabalik, 50 pesos yung pamasahe ko, tapos may 70 pesos pa ako. Dapat akong magtipid, yun yung nasa utak ko ngayon.

Pagkakain ay umalis na rin ako ng bahay and as usual, sabay kami ni Marc. Kaming lima ay parehas lang ng pinasukang school. Magkakaiba nga lang ng course. Pero, pare-parehas din kaming scholar. Lahat kami, full scholar, kaya ayun, lahat kami nagaaral sa pribadong unibersidad na ito. Yun nga lang, kami ni marc, may scholarship ulit ng isang pribadong kompanya at scholar ulit ng mayor. Yung isa, magbibigay ng pangbili ng libro, yung isa, baon daw araw-araw

Si ayla, pharmacy, si pau, accounting, si Katrina, chemical engineering, si marc, architecture at ako, psychology. Magkakalayo kami ng department at area buildings. Magkalapit lang kami ni marc, dahil huling department ang psychology under medical courses, tapos , department na ng architecture ang susunod.

“o sya, Roxanne, at ikaw ay magingat ah! Wag ka masyadong tumulong sa mga taong di mo kilala ah. HAHAAHA. Joke po” sabay ngiti ni Marc.

“opo, marc, mamaya at sabay na tayong umuwi ah”

“sunduin mo ako sa building ko ah, malapit lang naman, dun na tayo sa gate B, lumabas.”

“o sige, bye.”

Kaya ayun, pumunta na rin ako sa building ko.

Pagkapunta ko sa room, medyo marami na rin pa lang mga tao. Tapos dun sa isang parte ng mga babae sa unahan, may bakante, kaya, nagtanong ako.

“may nakaupo ba dito?”sabi ko.

“ah, wala”sabi nung isang babaeng medyo maliit na chubby. “hi ako si Christine, ikaw, anong pangalan mo?” dagdag niya.

“Roxanne ang pangalan ko, kayo anong mga pangalan nyo?  ” sabay turo dun sa dalawa pang magkatabi.

“ako si camille”sabi nung matangkad, morena at mahabang buhok na babae.

“ako naman si Mae” sabi nung medyo mataba na matangkad na babae.

Kaya ayun, sila na rin ang nakasama ko buong araw, madaldal silang lahat kaya masaya. Si Mae naman, picture ng picture.

Natapos din ang tatlo kong subject sa araw na ito, at naging masaya ako.

“salamat sa buong araw ah” sabi ko.

“nako, wala yun, ngapala, pahingi naman ng numbers nyo, para itetext ko kayo.” Ani ni Christine.

Kaya ayun, nagpalitan na rin kami ng numbers. And speaking of numbers and phones, dapat ko palang itext si marc. Kaya nung nagbabye na kami, tinext ko sya.

Ako:

San ka na?

Marc:

Di pa tapos eh, daming sinasabi ni prof, intayin mo ko.

Ako:

O cge, basta sa baba na tayo magkita ah.

Kaya ayun, naglakad ako papuntang building ng architecture. Habang nagiintay, binabasa ko na rin yung mga notes ko, tapos naramdaman kong naiihi ako. Kaya ayun, naghanap ako ng cr. Sabi dun sa isang papel na nakadikit sa pader, “COMFORT ROOMS ARE LOCATED AT THE LEFT SIDE, NEAR STAIRS 2.” Kaya ayun, pumunta ako, kaso walang tao, nakalock, may nakalagay pang “OUT OF ORDER.” Kaya ayun, umakyat ako.

Habang nasa hagdan ako, may naramdaman akong kakaiba, parang may naririnig akong umuungol na ewan. Parang may masamang nangyayari. Ayoko na sanang umakyat, pero… naiihi na talaga ako. kung pwede lang ako umihi sa garden eh. HAAHAHAHA!!! JOKE po.

Kaya ayun, umakyat pa din ako, kahit na natatakot ako. Bakit kaya ganito dito? Walang tao ang second floor? Bakit? Anong meron? Tinignan ko yung relo ko, alasais narin pala, kaya siguro, sarado na, eh main office pa naman ito ng department of architecture.

Hindi nga ako nagkakamali. May umuungol talaga sa CR. HALA! Alam ko tong mga scene na ito, it’s either, lalabas si Sadako, o kaya bubukas yung isang cubicle, tapos lalabas yung isang manananggal na kumukuha ng fetus ng isang buntis. HAHAHAH. LAWAK NG IMAGINATION KO. Yun nga lang, nang papasok na ako ng cr, ibang ungol yung narinig ko….

“AAAAAAHHHH!!!!!” sabi nung babaeng naririnig kong umuungol.

“OO, SAYONG-SAYO AKO, WAG KANG TUMIGIL, CHA…..” dagdag nung babaeng, paos yung boses, di nya na nga natapos yung pangalan nung lalaki eh.

Naririnig kong parang napupunit yung damit sa loob.. Wait, yung totoo, ano ba to? Ayoko na, di nako, iihi,babalik na ko ng department ko, dun na lang ako iihi. Ayoko na, pero, ano ba talaga yun?! Linabas ko na nga yung gunting ko, at sobrang curious ako, (na baka makatulong ulit ako!!! HAHHHHAHA.)Kung ano ba talaga yun, kaya….

BLAAAAAAAAAAGGGGGGGGGG!!!! Sinipa ko yung pintuan.

I was thinking of a witch, mananaggal or kahit na anong gumagawa ng masama, pero…. Ang bumungad sa akin, ay dalawang tao, nakahilig sa tiles at…

Yung babae ay nakabukas yung blouse nya, (medyo punit,) tapos, nakalabas yung left breast nya, na hawak nung guy, tapos yung isa pang kamay naman,  nakahawak din dun sa hita nung babae na panty lang yung suot, tapos yung palda nasa baba.

Yung lalaki naman, wala nang shirt, tapos….. bukas na yung zipper nya, na nandun naman yung kamay ng babae dun sa part na alam nyo na..

Magulo yung mga buhok nila, pero makikita mo dun sa lalaki na parang ang tigas nung katawan nya, kasi, hubog na hubog yung katawan nya. Puro pawis pero, stunning at shiny pa rin yung abs nya…(ANO TO?! DIAMOND LANG?! SHINY, STUNNING?!)

“AAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!” sigaw ko. Wala akong masabi. Ano to?! LIVE BED SCENE SA CR?! SPG?! RAPE?!FOREPLAY?! ANO TO?! YUCK….

Wala na akong nagawa, parang nanigas yung buo kong katawan, pero buti na lang at nakatakbo pa ako. Ang sama nung tingin nung guy sa akin. Habang tumatakbo, may naramdaman akong nahulog, pero sa sobrang kaba, di ko na pinulot.

Pagkababa ko…

“uy,,,, andito ka lang pala, halika, uwi na tayo, wait, anong nangyari?!”sabi ni marc.

“bakit?” sabi ko.

“anong ‘bakit’ Roxanne?! Haggard te?! Unang araw pa lang ah.” Sabi nya. Kumuha sya ng isang salamin sa bag.

“ayan te, look, ang gulo ng buhok, pagod, hingal, ano ba talagang nangyari??” tanong nya.

Ayokong sabihin ang nakita ko. Baka idaldal pa nito. Wag muna.

“w--wala” nauutal pa ko.

Kaya ayun, nagkibit- balikat na lang sya at umalis na rin kami. Habang nasa jeep, kwento lang sya ng kwento at ako tumatango lang. di maalis sa isip ko, yung nakita ko?! Sa lahat ba naman, kasi ng pwedeng Makita eh, yun pa. alam ko dapat open minded ako, dahil psych major ako. Pero, yung totoo?! Sobra-sobra yung nakita ko. Haaaaaaaaaayyyyy.

“oy, girl, bukas na lang ulit ah?! Kita tayo. Ba bye, ” sabi nya, nang papasok na ako ng compound namin. Pagdating ko, kumain na ako, at nagayos at humiga. Pumikit ako. Tapos, biglang nagflashback ang lahat.

 HAYOOOPPPPPPP!!!!!!! Di ako makatulog. Feeling ko, ang laki ng kasalanan ko sa mata ko.

“Hindi, makakalimutan ko rin yun, at di naman siguro, ako hahabulin nun.” Sabi ko sa sarili ko. Sana tama akong magiging okey lang ang lahat.

Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon