Chapter 12

230 6 3
                                    

MAAGANG nagising si Cray para ipagluto si Ice bilang peace offering pagkatapos ay magpapaliwanag sya na wala silang relasyon ni Ashley. Miss na miss na nya ang dalaga. Isang linggo din itong hindi nya nakita, ni kumunikasyon ay wala.

Napabuga sya ng hangin ng maalala ang malamig nitong pakikitungo kagabi. Ayaw nyang bumalik na naman sila sa ganon kaya gagawin nya ang lahat para kausapin lang sya ng dalaga.

"Good morning Cray."

Hindi nya ito ppinansin. Naiinis parin sya dito kaya ayaw nya itong pansinin. Kung hindi lang naman kasi sya nito hinalikan ay hindi magagalit ng ganon si Ice sa kanya.

"Wow!" Rinig nyang sabi ni Ashley ng makalapit ito sa kanya. Hindi parin nya ito pinapansin. Pinagpatuloy nya lang ang paghahanda sa niluto nya. "Ang sarap naman nyan. Para sa akin ba 'yan? Ang sweet mo naman Cray. Sinasabi ko na ba mahal mo pa din ako eh. in-denial ka lang."

Napabuga sya ng hangin saka walang emosyong tiningnan ang dalaga na nakangiti ng matamis sa kanya.

"Sinabi ko na sayo kagabi na hindi kita mahal. Ano bang hindi mo maintindihan don?" Naiinis nyang ani.

"I told you so, I won't give up on you. I won't give up on us."

"There's no US!" May diin nyang sabi.

"Wala pa. Soon baby. Soon."

Napatiim-bagang sya. Konting-konti nalang talaga mapupuno na sya sa babaeng 'to. Nagpapasalamat sya ng dumating ang mga kaibigan nya. May makapagpigil na sa kanya kapag napuno sya.

"Wow! Sarap naman nyan Cray. Pinge! - - aww." Hinimas-himas ni Asher ang kamay nito na tinampal nya.

"Hindi para sayo 'yan." Sinamaan nya ito ng tingin.

"Wag mo ng pakialaman yan Ash, para 'yan sa nililigawan nya." May panunuksong sabi ni Jace. Napailing nalang sya.

"Talaga? So para sa akin talaga 'yan?" Natahimik sila ng magsalita si Ashley. Napairap naman sya. Hindi talaga sya titigilan nito.

"Hindi. Para 'yan kay Ice. Kay Ice! Naintindihan mo? Ikaw ba si Ice?" Napanguso ang dalaga sa sinabi ni Kaiden. Siniko ito ni Archer. "What? Assumera eh."

"Sungit." Bulong ng dalaga na narinig naman ni Kaiden.

"Wag kasing assumera ng hindi ka napagsusungitan." Sagot ni Kaiden. Inirapan lang ito ni Ashley.

"Good morning Ice." Bati ni Archer sa dalagang kapapasok lang.

Hinanda nya ang ngiti bago bumaling sa dalaga saka ito binati.

"Good morning Ice."

"Quoi de bon li matin?" Malamig na sabi nito.

Lahat sila ay napakunot ng noo sa sinabi ng dalaga. Hindi kasi nila maintindihan ang sinabi nito. Kahit gusto nilang magtanong ay tinikom nalang nila ang mga bibig. Sa lamig palang ng pananalita nito ay halata ng wala ito sa mood. Baka bugahan pa sila ng yelo nito.

Nakatingin lang sila sa dalaga na nagtimpla ng kape pagkatapos ay umupo sa palagi nitong inuupuan. Kinuha ang tablet nito pagkatapos ay nagsimula ng magpipindot.

Huminga ng malalim si Cray at kahit na malamig parin ang dalaga ay ngumiti parin sya. Hindi sya susuko.

"Ice para sayo. Niluto ko 'yan." Inilapag nya ang nilutong beef stick na paborito ng dalaga.

Napahinto si Ice sa pagpipindot sa tablet, tiningnan ang niluto nya. Ilang segundo nitong tinitigan ang niluto nya saka sya tiningnan. Lihim syang napalunok ng tiningnan sya nito ng walang emosyon.

Idol Series 1: Cray SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon