NAPATINGIN si Cray sa pinto ng bumukas ito. Bumungad sa kanya ang kaibigan na si Kaiden.
"Kumusta na pakiramdam mo?" Tanong nito ng makaupos sa upuan na nasa gilid lang ng kama nya.
"Feel better."
"Feel better?" Nakangiwi itong tumingin sa paa nyang nakabenda parin.
Tatlong araw na syang nagpapahinga. Pero sa tatlong araw na 'yon ay hindi sya na boring. Napangiti sya ng maalala ang ginagawang pag-aalaga sa kanya ng dalaga.
"Mukhang feel better ka na nga. Kung makangiti ka kasi, para kang asong na ulol."
Hindi nya pinansin ang sinabi ng kaibigan.
"Bakit ka pala dumalaw sa akin?" Binatukan sya nito para mapaaray. "Ang sakit non ha. Kung makabatok ka, parang wala akong sprain." Nakangusong sabi nya.
"Baliw ka kasi. Kung makadalaw ka, akala mo nasa malayo ka. Eh magkatabi lang tayo ng kwarto."
Natawa nalang sya sa kasungitan nito. Kahit kailan talaga, ang kaibigan nya bad temper.
"Ano ngang ginagawa mo dito?" Tanong nya ulit dito.
Namulsa ito bago sumagot. "Sasabihin ko lang na aalis na kami."
"Okay. Ingat kayo." Nakangiti nitong sabi. Nagtaka sya ng ngumisi si Kaiden.
"Kasama ang Miho mo."
Nanlaki ang mga mata nya sa narinig. "Kasama si Miho?" Tumango si Kaiden na may mapang-asar na ngiti. "Eh sino magbabantay sa akin dito?"
"Okay ka na naman." Napatingin silang dalawa sa nagsalita. "Sinabihan ko na din si manang Fe na hatidan ka ng pagkaon o kung may kailangan ka, tawagin mo nalang sya."
Tumabi si Kaiden para makadaan si Miho.
"Bakit hindi nalang ikaw ang mag-alaga sa akin?" Nakanguso nyang tanong.
Napabuntong hininga si Miho. "As far as I know, I'm a temporary manager not a nurse." Mas napanguso sya sa sinabi nito. "I need to monitor them. And besides, your getting better."
"Okay." 'Yon nalang ang tanging nasabi nya dahil mukhang wala naman syang magagawa.
Tama din naman kasi ito, pansamantala nila itong manager at hindi nurse nila.
PALIHIM na ngumiti si Miho ng maalala ang mukha ng binata. Kahit kailan ang cute talaga nito, lalo na kapag ngumunguso.
Napatingin sya sa cellphone nya ng mag-ring ito. Agad na sinagot ng makitang sekretaryo nya ang tumatawag.
"Ice Finn speaking." Bungad nya ng sagotin ang tawag.
"Boss, pwede po ba daw kayo ka-meeting the day after tomorrow. Nahuli na po kasi ang kumuha ng pera sa kompanya."
"Okay. Prepare my private plane."
"Yes boss."
Tinapos na nya ang tawag saka nilagay ang palad sa bibig nya. Mukhang mapapaaga ang alis nya ah. Okay na din siguro 'yon, nang mapaaga din ang uwi nya.
Hindi din naman kasi sya magtatagal doon. Hindi katulad ng dati na matagal bago sya umuwi mula sa oversea. Ngayon na nakilala na nya ang binata ay may rason na sya para umuwi ng maaga.
"THID IS NEW." Nakangiting sabi ng private doctor ng banda habang nakatingin kay Cray. "Ang bilis gumaling ng sprain mo. Bukas, pwede nang tanggalin ang benda sa mga paa mo."
"Syempre naman, ang galing ng nurse ko eh." Tumingin sa kanya si Cray saka kumindat.
Ngumiti sya sa binata. Masaya sya dahil okay na ang paa ng binata. Makakapag-perform na ito sa concert.
"Mukha nga. Nakatulong din ang hindi pagiging matigas ng ulo mo." Natawa ang mga kaibigan ng binata na nakapagpanguso dito. "Maiwan ko muna kayo."
"Bye doc." Paalam ng mga binata. "Gagawa muna kami ng meryenda. Nagutom ako sa sinabi ng doctor eh."
Binatukan ni Jace si Asher. "Puro ka nalang pagkain."
Nagbabangayan na umalis ang apat. Napailing sya sa pagkaisip bata ng mga ito. Bumaling sya sa binata na malapad na nakangiti sa kanya. Hinawakan ang kamay nya.
"Ang galing talaga ng nurse ko. Akalain mo 'yon, ang bilis kong gumaling." Ngumiti ito ng matamis. "Salamat. Salamat sa pag-aalaga sa akin at pag-iintindi."
"Wala 'yon." Umupo sya sa tabi nito. "May sasabihin ako sayo "
"Ano 'yon?"
Huminga mua sya ng malalim. "Aalis ako bukas." Nawala ang ngiti nito. "Sinabi ko na sayo ang tungkol sa pag-alis ko papuntang Singapore di ba?"
Tumango ito. "Hindi ba next week pa 'yon? Bakit napaaga ata ang alis mo?"
"Natapos na kasi ang investigation and I need to be there for a meeting." Pinisil nya ang kamay nito na nakahawak sa kamat nya. "Hindi naman ako magtatagal don. Uuwi din ako kapag natapos ko na ang lahat."
Walang nagawa si Cray kundi ang ngumiti. Wala din naman kasi itong magagawa.
DAYS PASSED.
"Nakakahilo ka na Cray. Ano bang problema mo?" Naiinis na tanong Jace kay Cray.
Kanina pa sya palakad-lakad, paulit-ulit na tinitingnan ang cellphone. Hindi nya maiwasan na mag-alala para sa dalaga. Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng umalis si Miho papuntang Singapore para sa isang business at hanggang ngayon ay hindi parin ito tumatawag. Ni text man lang ay wala syang natanggap.
"Hindi parin kasi tumatawag si Miho. Nag-aalala lang ako."
Madami ng senaryo ang pumapasok sa isip nya. Paano kaya kung may nakita na itong iba at kaya hindi tumatawag sa kanya ang dalaga dahil mas masaya ito sa nakilala nitong binata kaysa sa kanya. Paano nalang sya? Anong gagawin nya?
Napabaling sya sa lalaking tumapik sa balikat nya. Si Archer.
"Relax man. Kahit hindi pa natin lubos na kilala si Ice. Kilala naman natin sya sa pagiging yelo. Malayo sa mga lalaki kaya imposible 'yang iniisip mo."
Napabuntong hininga sya. May punto din ang kaibigan. Alam nya na sya lang ang lalaking nakalapit sa dalaga. Alam nya sa sarili nya na maliban sa pamilya nito ay sya palang ang nakakakita ng maganda nitong ngiti.
Huminga ulit sya ng malalim saka ngiting binalingan ang kaibigan.
"Tama ka Ash, I should trust my girl."
Nag-thumbs up naman ang mga kaibigan nya sa kanya.
"Hi boys."
Napabaling silang lahat sa bagong dating.
"CEO Finn!" They all exclaimed.
"Kumusta?"
"Okay lang naman po kami. Kayo po?" Si Archer na ang sumagot.
"Okay lang din. Anyway, kaya ako nandito para ipakilala sa inyo ang bago nyong pansamantalang manager habang wala pa si lce." Tumabi ang CEO. May tumabi dito na isang magandang babae. "Si Ashley Tonzo, ang pansamantala nyong manager."
Lahat sila ay natahimik ng makita ang pinakilala ng CEO.
"Ashley?" may gulat na tawag nila sa pangalan ng dalaga.
"Hi guys. Long time no see." Nakangiti nitong sabi habang kumakaway.
"Magkakilala kayo?" Tanong ni CEO Finn.
"Yes Mr. Finn. Magkakaibigan po kami nong high school days namin." Sagot ni Ashley saka bumaling sa mga binata. "Di ba guys?"
"Yeah right." ingos na sagot ni Kaiden. Siniko naman sya ni Asher. "What?"
Napailing nalang sina Jace, Asher at Archer. Sabay-sabay na napatingin sila kay Cray ng hindi ito kumibo.
"What the fuck is she doing here?" Bulong nya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Idol Series 1: Cray Sandoval
Fiksi RemajaCRAY SANDOVAL ay isang mahusay na mang-aawit ng grupong 'JUST FOR YOU'. Sikat ang grupo nila at talaga namang pinagkakagulohan ng mga kababaihan. Maliban sa gwapo ito, sikat, mabait, masayahin ay may maganda at sexy itong boses. May katawan na maipa...